YouTube2Text

VE 9 - Term 2 - Lesson 4a - Pagtugon ng Pamilya Laban sa Karahasan — Transcript

by Serdyan · 2,411 words · 418 segments · language en · Watch on YouTube

Full transcript

  1. 0:01Valus Education 9 term 2 learning
  2. 0:04competency 4A na kakikilala ng mga
  3. 0:06wastong pagtugon ng pamilya laban sa
  4. 0:08karahasan.
  5. 0:11Bago natin talakayin ang pagtugon ng
  6. 0:13pamilya sa karahasan, mahalagang
  7. 0:15maunawaan muna natin ng malalim kung ano
  8. 0:17ang kahulugan ng karahasan sa loob ng
  9. 0:19tahanan o family violence. Ayon sa mga
  10. 0:22dalubhasa mula sa Safe Steeps Family
  11. 0:25Violence Response Center, ang karahas sa
  12. 0:28pamilya ay tumutukoy sa anumang gawi o
  13. 0:30kilos na nagdudulot ng pinsala sa pikal,
  14. 0:33emosyonal o psikolohikal na kaanyuan ng
  15. 0:36isang kasapi ng pamilya. Kasama rin sa
  16. 0:38karahasan ang mga kilos na nagpapakita
  17. 0:40ng labis na pagkontrol sa buhay ng
  18. 0:42kapwa, pananakot at sadyang paghihiwalay
  19. 0:46o isolation o paglayo sa kanila sa
  20. 0:48kanilang mga kaibigan o mahal sa buhay.
  21. 0:53Sa ilalim ng Republic Act 19262, ang
  22. 0:56antiviolence against women and their
  23. 0:58children Act of 2004 o mas kilala natin
  24. 1:01bilang vowilo, kinikilala ng batas ang
  25. 1:04apat na pangunahing uri ng karahasan na
  26. 1:06maaaring maranasan sa loob ng tahanan.
  27. 1:09Kabilang dito ang pikal na karahas at
  28. 1:11emosyonal o psikolohikal na karahasan.
  29. 1:14Kasama rin dito ang sekswal na karahas
  30. 1:16at pangaabusong pang-ekonomiya o
  31. 1:17economic abuse. Ang pangunahing
  32. 1:20katangian ng karahas ay ang maling
  33. 1:21paggamit ng kapangyarihan at pagkontrol
  34. 1:24upang magdulot ng takot at panggigipit
  35. 1:26sa kapwa.
  36. 1:29Ating talakayin ang unang uri ng
  37. 1:30karahasan, ang pisikal na karahasan, o
  38. 1:32physical violence. Ito ang pinakamabilis
  39. 1:35makita at makilala dahil nag-iiwan ito
  40. 1:38ng bakas sa katawan ng tao. Ito ay
  41. 1:40anumang kilos na nagdudulot o
  42. 1:42nagtatangkang magdulot ng pisikal na
  43. 1:44sakit, sugat o pinsala sa katawan ng
  44. 1:46tao. Sa usaping ito, hindi lamang ito
  45. 1:49tumutukoy sa aktwal na pagkasugat o
  46. 1:51pagdurusang pisikal. Kasama rin dito ang
  47. 1:53pagtatangka o maging ang simpleng
  48. 1:55pag-amba na sasaktan ng kapwa. Kapag ang
  49. 1:58isang tao sa bahay ay nabubuhay sa takot
  50. 2:00na anumang oras ay maaari siyang saktan
  51. 2:02ng kanyang kasama, pisikal na karahasa
  52. 2:04na agad ang tawag dito. Naipapakita ito
  53. 2:07sa napakaraming paraan mula sa
  54. 2:08pananampal, panununtok, paninipa at
  55. 2:11pagsasakal hanggang sa mga malalang
  56. 2:14pambubugbog o paggamit ng gamit sa bahay
  57. 2:17o sandata para manakit. Tandaan natin,
  58. 2:19kahit walang naiwang pasa basta't may
  59. 2:21ginamit na lakas o pananakot sa katawan,
  60. 2:24ito ay pisikal na pang-aabuso.
  61. 2:27Ang ikalawang uri ay ang emosyonal at
  62. 2:29psychological na karahasan o emotional
  63. 2:32psychological violence. Ito ang
  64. 2:34itinuturing na invisible violence dahil
  65. 2:36walang pasang nakikita sa labas ngunit
  66. 2:38napakalalim ng sugat na iniiwan nito sa
  67. 2:41pag-iisip at damdamin ng tao. Ito ay mga
  68. 2:44kilos o kapabayaan na nagdudulot ng
  69. 2:46matinding mental o emosyonal na
  70. 2:48paghihirap, pagbaba ng self-esteem at
  71. 2:51takot sa isip ng biktima. Tumutukoy ito
  72. 2:53sa mga paulit-ulit na gawi o maging
  73. 2:55kapabayaan na nagdudulot ng matinding
  74. 2:57trauma, takot at pagkasira ng tiwala sa
  75. 3:00sarili ng isang tao. Ginagawa ito ng
  76. 3:03nangaabuso upang pahinain ang loob ng
  77. 3:05kanyang biktima para madali niya itong
  78. 3:07makontrol. Naipapakita ito sa
  79. 3:09pamamagitan ng panlalait, pangi-insulto
  80. 3:12o name calling, pambabaligtad sa
  81. 3:14katotohanan at paniniktik o stocking.
  82. 3:17Kasama rin dito ang pagbabawal na
  83. 3:19makipag-usap sa sariling pamilya o
  84. 3:20kaibigan, pagkakait sa magulang na
  85. 3:22makita ang kanyang anak at maging ang
  86. 3:24paninira ng mga personal na gamit o
  87. 3:27pananakit sa alagang hayop para lang
  88. 3:29saktan ang damdamin ng kapwa.
  89. 3:33Tumungo naman tayo sa ikatlong uri ang
  90. 3:35sekswal na karahas o seksual violence.
  91. 3:37Ito ay ang direktang paglabag sa
  92. 3:39dignidad at pagkatao ng isang indibidwal
  93. 3:42sa pamamagitan ng maling pagtrato sa
  94. 3:44kanyang katawan. Ito ay anumang kilos na
  95. 3:46may katangiang sekswal na ginagawa ng
  96. 3:49labag sa kalooban o walang pahintulot o
  97. 3:51konsentamitan
  98. 3:53ng pamimilit at pananakot. Ang
  99. 3:55pangunahing punto sa sekswal na
  100. 3:57karahasan ay ang kawalan ng pahintulot o
  101. 3:59consent. Kapag ang isang aksyon na may
  102. 4:01kaugnayan sa sekswalidad ay ginawa sa
  103. 4:03pamamagitan ng pamimilit, pananakot o
  104. 4:06paggamit ng kapangyarihan, ito ay
  105. 4:08hayagang pang-aabuso o seksual violence.
  106. 4:11Hindi lamang ito tumutukoy sa sapilitang
  107. 4:13pakikipagtalik o rape. Kabilang din dito
  108. 4:16ang hindi desenteng paghawak o
  109. 4:17panghihipo, pagbibigay ng malalaswa at
  110. 4:20bastos na komento. Pamimilit sa taong
  111. 4:23manood ng mga palabas na pornographic at
  112. 4:25pagtrato sa kapwa na tila isang bagay
  113. 4:28lamang na pwedeng gamitin.
  114. 4:31Ang ikaapat na uri ay ang pang-aabusong
  115. 4:33pangekonomiya o economic abuse.
  116. 4:35Ginagamit ng nangaabuso ang pera bilang
  117. 4:38kadena upang hindi makaalis ang kanyang
  118. 4:40biktima sa relasyon. Ito ay mga kilos na
  119. 4:43naglalayong gawing financially dependent
  120. 4:45o ilagay sa kawalang kakayahang
  121. 4:47pampananalapi ang isang tao sa
  122. 4:49pamamagitan ng pagkontrol sa pera at
  123. 4:52kabuhayan. Ang layunin ng pangaabusong
  124. 4:54ito ay alisan ng kakayahang tumayo sa
  125. 4:57sariling paa ang kapwa sa usaping
  126. 4:59pinansyal. Kapag ang isang tao ay walang
  127. 5:01sariling pera o access sa resources,
  128. 5:04nagiging 100% siyang dependent sa
  129. 5:06nang-aabuso. Dahilan para maging mahirap
  130. 5:09para sa kanya ang humingi ng tulong o
  131. 5:11lumayo sa panganib. Malinaw itong
  132. 5:14nakikita kapag ang isang kapareha ay
  133. 5:16pinagbabawalang magtrabaho, mag-aral o
  134. 5:18magnegosyo ng walang makatwirang
  135. 5:20dahilan. Kasama rin dito ang pagsolo sa
  136. 5:23paghawak at pagdedesisyon sa perang
  137. 5:26pampamilya. pag-agaw sa sariling kitang
  138. 5:28sweldo ng kapareha at hindi pagbibigay
  139. 5:31ng sapat na sustento para sa
  140. 5:33pangaraw-araw na pagkain at
  141. 5:35pangangailangan ng pamilya.
  142. 5:38Matapos nating kilalanin ang iba't ibang
  143. 5:40mukha ng karahasan, tumungo naman tayo
  144. 5:42sa pinakamahalagang bahagi ng ating
  145. 5:44aralin. Paano ba dapat tumugon ng
  146. 5:46pamilya upang hindi magkaroon ng pwesto
  147. 5:48ang karahasan sa loob ng tahanan? Ang
  148. 5:51pamilya ang itinuturing na pinakamaliit
  149. 5:53na unit ng lipunan at ito ang dapat na
  150. 5:55unang lugar kung saan nararamdaman ng
  151. 5:57isang tao na siya ay ligtas, pinahahan
  152. 5:59at minamahal. Kapag ang mismong tahanan
  153. 6:02ang nagiging sanhi ng takot at
  154. 6:03panggigipit, nawawalan ng kanlungan ng
  155. 6:06isang tao. Kaya napakalaking tungkulin
  156. 6:08ng pamilya na maging unang depensa at
  157. 6:10proteksyon ng bawat miyembro nito. Upang
  158. 6:13magawa ito may 10 proactive na hakbang
  159. 6:16oong pagtugon na maaari nating ilapat.
  160. 6:19Hindi natin kailangang hintayin na may
  161. 6:20mangyaring away o pananakit bago tayo
  162. 6:22kumilos. Ang mga pagtugon na ito ay
  163. 6:25nagsisilbing pader na humaharang at
  164. 6:27nagpoprotekta sa ating tahanan laban sa
  165. 6:29anumang bakas ng karahasan.
  166. 6:33Ang unang wastong pagtugon ay ang maayos
  167. 6:35at bukas na komunikasyon sa pamilya. Ang
  168. 6:37kawalan ng komunikasyon ang madalas na
  169. 6:39pinagmumulan ng malalaking away sa
  170. 6:41bahay. Ang komunikasyon sa pamilya ay
  171. 6:44hindi lamang simpleng pag-uutos o
  172. 6:46pagtatanong kung nakakain na ba ang
  173. 6:47bawat isa. Ito ay ang paglalaan ng
  174. 6:50ligtas na espasyo sa bahay kung saan
  175. 6:52malayang nakakapagsalita ang anak,
  176. 6:54magulang o kapareha tungkol sa kanyang
  177. 6:57mga takot, problema at tunay na
  178. 6:59nararamdaman ng hindi siya agad
  179. 7:01sisisihin, paggagalitan o iinsuluhin ng
  180. 7:04kanyang pamilya. Napakahalaga nito dahil
  181. 7:06ang karahasan ay madalas na nagmumula sa
  182. 7:08mga tinatagong sama ng loob na hindi
  183. 7:10naisawata.
  184. 7:12Kapag wala ng maayos na usapan,
  185. 7:14nagkakapatong-patong ang galit hanggang
  186. 7:16sa sumabog ito bilang pananakit. Sa
  187. 7:18pamamagitan ng bukas na komunikasyon,
  188. 7:20naipaliliwanag agad ang mga
  189. 7:22misunderstanding at naiwasan ang pagbuo
  190. 7:24ng puot sa loob ng tahanan.
  191. 7:28Ang ikalawang pagtugon ay ang pagtanggap
  192. 7:30at pag-unawa. Sa loob ng pamilya, kahit
  193. 7:32nagmula tayo sa iisang dugo, hindi ibig
  194. 7:35sabihin ay magkakapareho na tayo ng isip
  195. 7:37at ugali. Ang ibig sabihin ng pagtanggap
  196. 7:39at pag-unawa ay ang pagkilala na ang
  197. 7:41bawat miyembro ng pamilya ay may
  198. 7:43sariling katangian, opinyon at
  199. 7:45limitasyon. Hindi natin dapat ipilit na
  200. 7:47ang lahat ng gustong mangyari ng
  201. 7:49magulang o ng nakatatanda ay dapat na
  202. 7:51eksaktong maging paniniwala rin ng mga
  203. 7:53anak ng walang espasyo para sa kanilang
  204. 7:55sariling pagkatao. Ang pagtanggap na ito
  205. 7:58ay nakatutulong upang maiwasan ang
  206. 7:59panggigipit o pagkontrol na isa sa
  207. 8:02pangunahing katangian ng emosyonal at
  208. 8:04psikolohikal na karahasan. Kapag
  209. 8:06natutuan nating tanggapin ang pagkakaiba
  210. 8:08ng bawat isa sa bahay, nawawala ang
  211. 8:10sapilitang pagdomina at napapalitan ito
  212. 8:12ng mutually respected na pagsasamahan.
  213. 8:17Pangatlo sa mga wastong pagtugon ay ang
  214. 8:18pakikipagtulungan. Ang isang pamilya ay
  215. 8:21gumagana na parang isang koponan o team.
  216. 8:23Ang pagtutulungan ay ang kusa at
  217. 8:25sama-samang pagkilos ng buong pamilya
  218. 8:27kapag may dumating na pagsubok. Maging
  219. 8:29ito man ay problema sa pinansyal,
  220. 8:31pagkakasakit o personal na krisis ng
  221. 8:34isang miyembro. Nangangahulugang ito na
  222. 8:36kapag may isang nabibigatan, handang
  223. 8:38sumalo at umalalay ang ibang kasapi ng
  224. 8:40pamilya. Bakit ito mahalaga laban sa
  225. 8:42karahas? Kapag ang isang tao ay
  226. 8:45nakakaramdam ng labis na stress at
  227. 8:46walang tulong mula sa pamilya, madalas
  228. 8:49siyang ma-burn out at mawalan ng kontrol
  229. 8:51sa sarili na pwedeng humantong sa
  230. 8:53pananalita ng masasakit na pananalita o
  231. 8:55pananakit. Ang pagtutulungan ay
  232. 8:57nag-aalis ng labis na pasanin sa iisang
  233. 8:59tao at nagpapatibay ng tiwala na ligtas
  234. 9:02sila dahil may pamilyang nagkakaisa.
  235. 9:06Ang ikaapat na pagtugon ay ang
  236. 9:08pagsasaayos ng tungkulin at
  237. 9:10responsibilidad.
  238. 9:11Ang kalinawan sa mga gawain sa bahay ay
  239. 9:13nakakatulong ng malaki sa kapayapaan.
  240. 9:16Tumutukoy ito sa pagkakaroon ng patas at
  241. 9:18makatarungang paghahati-hati ng mga
  242. 9:20gawaing bahay at obligasyon. Hindi
  243. 9:22maaasahan na ang ina lamang ang gagawa
  244. 9:24ng lahat o ang isang anak lamang ang
  245. 9:26aatasan sa lahat ng mabibigat na
  246. 9:28obligasyon habang ang iba ay walang
  247. 9:30ginagawa. Ang hindi patas na pag-aatas
  248. 9:32ng tungkulin ay isang anyo ng
  249. 9:34pagsasamantala na nagdudulot ng
  250. 9:36matinding sama ng loob, pagod at
  251. 9:38pakiramdam na hindi pinahahalagahan.
  252. 9:41Kapag organisado at patas ang
  253. 9:42responibilidad ng bawat isa, naiiwasan
  254. 9:45ang madalas na pinagmumulan ng sigalot
  255. 9:47at nasisiguro na pantay-pantay ang
  256. 9:49pagtrato sa dignidad ng bawat pamilya.
  257. 9:53Ang ikalimang paraan ng pagtugon ay ang
  258. 9:55paggamit ng mga patakaran sa bahay.
  259. 9:57Katulad ng ating lipunan, ang isang
  260. 9:59tahanan ay nangangailangan din ng
  261. 10:00malinaw na alituntunin. Ang mga
  262. 10:03patakanan sa bahay ay ang mga agreed
  263. 10:04upon rules o boundaries na
  264. 10:06kinabibilangan ng tamang oras ng
  265. 10:08pag-uwi, maayos na pananalita sa isa't
  266. 10:10isa at ang mahigpit na pagbabawal sa
  267. 10:13anumang anyon ng pananakit o pagmumura
  268. 10:15kapag nagkakaroon ng argumento o
  269. 10:17pagtatalo. Ang mga patakarang ito ay
  270. 10:19nagsisilibing proteksyon laban sa
  271. 10:20karahasan dahil malinaw na itinatakda ng
  272. 10:23pamilya kung anong mga kilos ang hindi
  273. 10:25katanggap-tanggap. Kapag alam ng bawat
  274. 10:27isa ang boundaries, nagkakaroon ng
  275. 10:29disiplina at nagiging mabilis ang
  276. 10:31pagtutuwid kapag may isang miyembro na
  277. 10:33nagsisimula ng lumampas sa hangganan ng
  278. 10:35paggalang.
  279. 10:38Ang ikaanim na pagtugon ay ang
  280. 10:39pagsuporta sa edukasyon at pag-unlad.
  281. 10:42Ang kaalaman ay isa sa mga pinakamalakas
  282. 10:44na boses laban sa pang-aabuso.
  283. 10:46Nangangahulugan ito ng paghikayat at
  284. 10:48pagsuporta sa bawat miyembro ng pamilya,
  285. 10:50bata man o matanda na mag-aral,
  286. 10:53magkaroon ng kasanayan at linangin ang
  287. 10:55kanyang sariling talento at kakayahan
  288. 10:57upang umunlad bilang tao. Bakit ito
  289. 11:00crucial sa paglaban sa karasan? Ang
  290. 11:02kawalan ng edukasyon at kaalaman ang
  291. 11:04madalas na dahilan kung bakit ang isang
  292. 11:06tao ay mabilis maabuso o maging
  293. 11:08dependent sa iba lalo na sa economic
  294. 11:10abuse. Kapag ang isang miyembro ng
  295. 11:12pamilya ay may pinag-aralan at mula sa
  296. 11:14kanyang mga karapatan, nagkakaroon siya
  297. 11:16ng tiwala sa sarili at lakas ng loob na
  298. 11:19tumayo laban sa anumang uri ng
  299. 11:21panggigipit.
  300. 11:24Ang ikapitong pagtugon ay ang pagsuporta
  301. 11:26sa mga espesyal na pangangailangan. Sa
  302. 11:28bawat pamilya, mahalagang bigyan ng
  303. 11:30pansin ang mga miyembrong mas vulnerable
  304. 11:32o mas madaling ma-abuso. Ito ay ang
  305. 11:35pag-aabot ng natatanging kalinga,
  306. 11:36pag-unawa at resources para sa mga
  307. 11:38miyembro ng pamilya na may kapansanan sa
  308. 11:40pisikal, mental o may pinagdadaanang
  309. 11:43matinding sakit o emosyonal na
  310. 11:45kondisyon. Ang mga taong may espesyal na
  311. 11:47pangangailangan ang madalas na nagiging
  312. 11:49biktima ng pagpapabaya o neglect at
  313. 11:52panggigipit dahil sa kanilang
  314. 11:53limitasyon. Sa pamamagitan ng aktibong
  315. 11:55pagsuporta at pagtatanggol sa kanila sa
  316. 11:57loob ng bahay, natitiyak ng pamilya na
  317. 12:00ang kanilang dignidad ay nananatiling
  318. 12:02buo at napoprotektahan sila laban sa
  319. 12:04diskriminasyon at karahasan.
  320. 12:08Ang ikawalong pagtugon ay ang pagpaplano
  321. 12:10ng mga aktibidad sa pamilya o ang
  322. 12:12sadyang paglalaan ng tinatawag nating
  323. 12:14quality time. Ito ay ang hindi paglimot
  324. 12:17na magsulat sa kalendaryo ng mga
  325. 12:19simpleng bonding moments tulad ng
  326. 12:20sama-samang pagkain sa pagkainan ng
  327. 12:22walang hawak na cellphone, paglalaro,
  328. 12:25pamamasyal o simpleng pagkukwentuhan
  329. 12:27tungkol sa naging araw ng bawat isa.
  330. 12:30Nakatutulong ito dahil ang karahasan ay
  331. 12:32hindi agad sumusulpot ng walang dahilan.
  332. 12:34Ito'y bunga ng unti-unting paglayo ng
  333. 12:36loob ng mga miyembro sa isa't isa. Ang
  334. 12:38matibay at masayang ala-ala sa pamilya
  335. 12:40ang nagpapataba ng pagmamahalan. Kaya
  336. 12:43kapag may dumadating na inis o galit,
  337. 12:45mas madaling manaig ang pagmamahal kaysa
  338. 12:47sa kagustuhang manakit.
  339. 12:50Ang ikasyam na pagtugon ay ang paggamit
  340. 12:52ng mga mapanagot na solusyon. Hindi
  341. 12:54natin maiiwasan ang pagkakaroon ng
  342. 12:56problema o hidwaan sa bahay. Ngunit nasa
  343. 12:59atin ang pagpapasya kung paano natin ito
  344. 13:01lulutasin. Ang magot na solusyon ay ang
  345. 13:03pagpili sa mga pamamaraan ng paglutas ng
  346. 13:06problema na nakatuon sa pag-aayos o
  347. 13:08restorative sa halip na pagpaparusa o
  348. 13:11paghihiganti. Kabilang dito ang
  349. 13:13pagpapalamig muna ng ulo, pag-uusap ng
  350. 13:15mahinahon at paghahanap ng win-win
  351. 13:17solusyon para sa lahat. Napakahalaga
  352. 13:19nito dahil kapag ang ginamit na solusyon
  353. 13:21sa isang problema ay sigawan o
  354. 13:23pananakit, hindi talaga naayos ang
  355. 13:25problema. Nadadagdagan pa ito ng
  356. 13:27panibagong sugat at trauma. Ang
  357. 13:29mapanagot na solusyon ay pumipigil sa
  358. 13:31paglala ng hidwaan at tinitiyak na ang
  359. 13:34pamilya ay mananatiling buo at payapa
  360. 13:36matapos ang pagsubok.
  361. 13:39Ang ika-1 pagtugon ay ang pagtulong at
  362. 13:41pagsaklolo sa bawat isa. Ito ang
  363. 13:44nagpapatunay na ang pamilya ay isang
  364. 13:46tunay na sandigan sa lahat ng oras. Ito
  365. 13:48ay ang pagiging alerto at handa na
  366. 13:51magpaabot ng tulong kapag ang isang
  367. 13:53miyembro ng pamilya ay nasa peligro,
  368. 13:55nakararanas ng panggigipit sa labas o
  369. 13:57loob ng bahay o nangangailangan ng
  370. 13:59proteksyon. Hindi natin pinababayaang
  371. 14:01mag-isa ang ating kapamilya kapag siya
  372. 14:03ay nasa krisis. Ang kahandaang ito na
  373. 14:06sumaklolo ang nagbibigay ng
  374. 14:08pangkalahatang pakiramdam ng seguridad
  375. 14:09sa loob ng tahanan. Kapag alam ng bawat
  376. 14:12isa na may pamilya silang handang
  377. 14:13magtanggol at tumulong sa kanila,
  378. 14:15nawawalan ng lakas ang sinuman namang
  379. 14:17abuso at napapanatili natin ang isang
  380. 14:20tahanang ligtas, may dignidad at may
  381. 14:22panloob na kapayapaan.
  382. 14:25Bilang pagbubuod sa ating naging
  383. 14:27talakayan ngayong araw, balikan natin
  384. 14:29ang dalawang mahalagang paksang ating
  385. 14:30tinampok. Natutuhan natin na ang karasan
  386. 14:33sa pamilya ay hindi lamang nakikita sa
  387. 14:35pisikal na pananakit. Maaari rin itong
  388. 14:38lumitaw sa anyo ng emosyonal, sekswal o
  389. 14:40pang-aabusong pangekonomiya na nag-aalis
  390. 14:42sa dignidad ng tao. Napatunayan din
  391. 14:45natin sa pamamagitan ng paglalapat ng s
  392. 14:47wastong pagtugon tulad ng bukas na
  393. 14:49komunikasyon, paggalang sa boundaries at
  394. 14:51mapanagot na solusyon na kayang bumuo ng
  395. 14:53pamilya ng isang ligtas na tahanan na
  396. 14:55nagtataguyid ng panloob na kapayapaan.
  397. 15:00Bilang pagninilay sa inyong journal,
  398. 15:02pumili ng tatlo sa s wasong pagtugon ng
  399. 15:04pamilya na sa tingin mo ay
  400. 15:06pinakamahalagang ipatupad sa inyong
  401. 15:07sariling tahanan ngayon. Ipaliwanag kung
  402. 15:10bakit. Ano ang nararamdaman mo kapag may
  403. 15:12kapayapaan sa inyong tahanan at ano ang
  404. 15:14nakahanda mong ibigay o isakripisyo
  405. 15:17upang mapanatili ito?
  406. 15:20Para sa pagbabahagi, totoo ba na ang
  407. 15:23karahasan ay pananakit sa katawan
  408. 15:24lamang? Magbigay ng isang halimbawa ng
  409. 15:27karahasan na hindi gumagamit ng pisikal
  410. 15:28na lakas.
  411. 15:30Bilang isang grade 9 na anak, paano mo
  412. 15:32ipaparamdam sa iyong pamilya na sila ay
  413. 15:34ligtas, pinahahalagahan at minamahal sa
  414. 15:37feeling mo?
  415. 15:39At hanggang dito lamang po ang ating
  416. 15:41aralin para sa araw na ito. Sana po may
  417. 15:43natutuhan kayo. Salamat po sa panonood
  418. 15:45at pakikinig. Paalam. M.

About this transcript

This page contains the full transcript of VE 9 - Term 2 - Lesson 4a - Pagtugon ng Pamilya Laban sa Karahasan by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 2,411 words across 418 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.

What you can do with it

Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.

Free YouTube transcript tool

YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.