VE 9 - Term 1 - Lesson 5c - Mapanagutang Pagpapasiya Gabay ang Pananampalataya o Paniniwala — Transcript
Full transcript
- 0:02Vales Education 9 term 1 learning
- 0:04competency 5C nailalapat ang
- 0:06mapanagutang pagpapasya na nakaugat sa
- 0:08pananampalataya o paniniwala. Maligayang
- 0:11pagbabalik sa ikatlo at huling bahagi ng
- 0:13ating aralin. Ngayong alam na natin kung
- 0:15paano kumilos ang ating konsyensya. Ang
- 0:18malaking tanong na lang ay paano natin
- 0:20itutuluyang isasabuhay sa totoong mundo?
- 0:23Ngayong araw, titingnan natin ang mga
- 0:24konkretong paraan upang ang bawat
- 0:26desisyon natin ay maging mapanagutan at
- 0:28nakaugat sa ating pananampalataya.
- 0:33Narito ang ilang paraan sa pagsasabuhay
- 0:35ng mapanagutang pagpapasya na nakaugat
- 0:38sa pananampalataya o paniniwala.
- 0:43Ang unang hakbang ay ang pangkalahatang
- 0:45pag-ayon ng ating buhay sa mga turo ng
- 0:47ating paniniwala o relihiyon. Hindi
- 0:50pwedeng mabuting tao ka lang sa tuwing
- 0:53ikaw ay nasa loob ng simbahan, moske o
- 0:56kapilya. Pero iba ang iyong ugali kapag
- 0:58nasa harap ka na ng computer o kasama
- 1:01ang barkada. Isang malinaw na halimbawa
- 1:03nito ay kapag pumipili ka ng mga
- 1:05salitang gagamitin mo sa pag-comment sa
- 1:08social media. Kahit galit ka o
- 1:10nakikipagtalo sa internet, pinipili mo
- 1:13pa ring maging mahinahon at magalang
- 1:15dahil iyon ang moral na prinsipyo at
- 1:18aral ng iyong pananampalataya.
- 1:22Ikalawa, ang ating pananampalataya ay
- 1:25direktang sumasalamin sa kung paano
- 1:27natin itinuturing ang mga tao sa paligid
- 1:29natin. Ang paggalang at kabutihan ay
- 1:32hindi ibinibigay ng may pinipili lang o
- 1:35kung sino lang ang sikat sa klase.
- 1:37Halimbawa, kapag may bago kayong kaklase
- 1:39na galing sa ibang probinsya at medyo
- 1:41nahihiya pa, sa halip na pagtawanan o
- 1:43iwasan ng kanyang accent, ikaw ang unang
- 1:46lalapit upang batiin siya at iparamdam
- 1:49na welcome siya. 'Yan ang kabutihang
- 1:51walang pinipili.
- 1:54Ikatlo, ang pananampalataya ay
- 1:56nangangailangan ng pagkilos o serbisyo.
- 1:59Ang pagiging mapaglingkod ay ang
- 2:01paghahanap ng pagkakataon upang gumaan
- 2:03ang buhay o pasanin ng ibang tao gamit
- 2:06ang lakas at oras mo. Isang simpleng
- 2:09sitwasyon sa paaralan. Nakita mong
- 2:11nahihirapan ang iyong utility worker o
- 2:14janitor sa pagbubuhat ng mga mabibigat
- 2:16na upuan sa inyong silid aralan dahil
- 2:18marami siyang inaasikaso. Kahit hindi mo
- 2:21ito opisyal na tungkulin kusang loob mo
- 2:23siyang tinulungan upang matapos agad ang
- 2:26kanyang trabaho.
- 2:29Ang ikaapat na paraan bago natin bitiwan
- 2:31ang isang pasya, kailangan muna nating
- 2:34tingnan ang mas malawak na anggulo. Ang
- 2:36magutang tao ay may konsiderasyon. Hindi
- 2:39siya nagdedesisyon para lang sa sarili
- 2:41niyang kaginhawaan kung alam niyang may
- 2:43ibang tao namang masasaktan o
- 2:45mahihirapan sa bunga nito. Isipin mong
- 2:48gabi na at gumagawa ka ng inyong group
- 2:50project sa bahay ninyo habang natutulog
- 2:52na ang iyong mga magulang. Sa halip na
- 2:55lakasan mong tugtog o mag-ingay ka sa
- 2:57mga kagrupo mo, pinipili ninyong
- 2:59magsalita ng mahina at mag-earphones na
- 3:01lang. May pagmamalasakit ka sa kanilang
- 3:04pahinga.
- 3:07Ikalima, ang ating pananampalataya ay
- 3:10hindi lang limitado sa relasyon natin sa
- 3:12kapwa tao. Sakop din ito ang mundo na
- 3:15ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Ang
- 3:17pag-aalaga sa kalikasan ay isang moral
- 3:20na tungkulin at direktang utos ng ating
- 3:22paniniwala. Isang napakasimpleng
- 3:25paglalapat nito ay kapag may hawak kang
- 3:27balat ng pinagkainan habang naglalakad
- 3:29sa hallway ng paaralan. Kahit walang
- 3:31nakakakita o walang guro sa malapit,
- 3:34hindi mo ito basta-basta itatapon sa
- 3:36sulok o sa halamanan. Itatabo mo ito sa
- 3:39bulsa mo hanggang sa makakita ka ng
- 3:42tamang basurahan.
- 3:45Ikaanim, hindi tayo perpekto at darating
- 3:48ang oras na magkakamali tayo. Ngunit ang
- 3:51tunay na sukatan ng isang taong may
- 3:52pananampalataya ay ang lakas ng loob na
- 3:55aminin ang pagkukulang, magpakumbaba
- 3:58upang humingi ng paumanhin at gumawa ng
- 4:01paraan upang bawiin o ituwid ang naging
- 4:03pinsala. Halimbawa, dahil sa pagod o
- 4:06stress, napagsalitaan mo ng pabalang o
- 4:09pasigaw ang iyong nanay o tatay.
- 4:11Paglipas ng ilang minuto, naramdaman mo
- 4:13ang pagkabagabag sa iyong puso. Sa halip
- 4:16na magmatigas, lalapitan mo sila.
- 4:18Yayakapin at sasabihing, "Sorry po, Nay
- 4:20Tay, hindi ko po sinasadya ang aking
- 4:22naging reaksyon."
- 4:26Ikapitong paraan. Ito ang tinatawag
- 4:28nating moral courage o tapang na
- 4:30tumanggi mga pagkakataon na ang peer
- 4:33pressure o ang pilit ng barkada ay
- 4:35hihilahin ka sa maling landas. Ang
- 4:38pagsasabuhay ng pananampalataya ay
- 4:40nangangahulugang kaya mong magsabi ng
- 4:43hindi kapag alam mong ang direksyon ay
- 4:46labag sa batas ng Diyos. Yayain ka ng
- 4:48matalik mong kaibigan na mag-cutting
- 4:50classes para maglaro ng computer games o
- 4:53tumambay sa mall. Kahit takot ka na baka
- 4:55ma-outcast ka o asarin nilang Killjoy o
- 4:58KJ, matatag mo pa ring sasabihin na
- 5:01hindi ako pwede. Kailangan kong tapusin
- 5:03ang klase natin dahil ayokong
- 5:05magsinungaling sa mga magulang ko.
- 5:09Ikawalo, kapag gumawa tayo ng desisyon,
- 5:12kasama nating tinatanggap ang package
- 5:14deal ng magiging kahihinat na nito.
- 5:16Hindi pwedeng isisi sa ibang tao, sa
- 5:18kapalaran o sa sitwasyon ang magiging
- 5:21resulta ng ating sariling pagpili. Ang
- 5:23pananampalataya ay nagtuturo sa atin na
- 5:25maging matapang sa pag-ako ng bunga ng
- 5:28ating mga desisyon. Halimbawa, kunwari
- 5:30ay hindi ka nag-aral para sa inyong
- 5:32mahabang pagsusulit dahil napuyat ka sa
- 5:35panonood ng Kama. Kaya mababa ang nakuha
- 5:38mong marka. Sa halip na sabihing, "Ang
- 5:40hirap naman kasi talaga magpa-exam ni
- 5:42sir o maghanap ng sisisiin kang
- 5:44mag-aral, tatanggapin mo na ito ay
- 5:47direktang bunga ng iyong maling
- 5:48prayoridad at magsisikap na bumawi sa
- 5:51susunod.
- 5:54Ikam, ang integridad ay ang paggawa ng
- 5:56tama kahit walang nakakakita sao. Ito
- 5:59ang pagiging buo ng iyong karakter. Kung
- 6:02ano ang pinaniniwalaan mong tama sa loob
- 6:04ng iyong puso, yun din ang iyong
- 6:05ipinapakita sa iyong panlabas na kilos.
- 6:08Tapat man ang iyong kapwa sao o hindi.
- 6:11Halimbawa, isipin mong naiwan ng inyong
- 6:13guro ang answer key ng quiz sa ibabaw ng
- 6:15teacher's desk habang lumabas siya
- 6:18sandali ng classroom. Walang ibang tao
- 6:20sa paligid at walang CCTV.
- 6:22Ang taong may integridad ay hindi
- 6:24lalapit para silipin ito dahil ang
- 6:26katapatan niya ay nakaugat sa kaalamang
- 6:29ang Diyos ang nakakakita sa bawat kilos
- 6:32niya.
- 6:34At ang ikaamp na siyang pinagmumulan ng
- 6:37lakas ng lahat ng naunang paraan ay ang
- 6:39pananatiling konektado sa pinagmulan ng
- 6:42lahat ng kabutihan. Ang regular na
- 6:44panalangin at pakikibahagi sa mga gawain
- 6:47ng inyong relihiyon ang nagpapanatiling
- 6:50matalas sa ating konsyensya upang hindi
- 6:53ito maligaw sa gitna ng mga komplikadong
- 6:55desisyon. Halimbawa, bago ka magsimula
- 6:58ng iyong araw sa paaralan o bago ka
- 7:01pumili kung anong strand o track ang
- 7:04kukunin mo sa senior high school,
- 7:05naglalaan ka ng ilang minutong tahimik
- 7:08na pananalangin upang sabihing,
- 7:10"Panginoon, gabayan mo po ang aking isip
- 7:13at puso ngayon upang ang bawat desisyon
- 7:15ko ay maging kalugod-lugod sa iyo."
- 7:20Para sa inyong gawain, gagawa kayo ng
- 7:23inyong personal na resolusyon o
- 7:25deklarasyon sa isang malinis na papel.
- 7:28Kumpletuhin ang maikling talata na
- 7:30nakikita ninyo sa screen. Pumili ng isa
- 7:33sa samp paraan na tinalakay natin. Ito
- 7:36ba ay ang integridad, pag-aalaga sa
- 7:38kalikasan o paghingi ng tawad?
- 7:40Ipaliwanag kung bakit ito ang
- 7:42pinakamahalaga para sa iyo at isulat ang
- 7:45isang konkreto at simpleng kilos na
- 7:47sisimulan mong gawin ngayon mismo.
- 7:52Kasunod ng inyong resolusyon sagutin
- 7:54natin ang tatlong pamprosesong tanong na
- 7:56ito upang masuri natin ang lalim ng
- 7:58ating konsyensya. Tingnan natin ang
- 8:00tapat. Ano ba ang una mong naiisip kapag
- 8:03naiipit ka sa isang sitwasyon? Alin sa
- 8:06samp paraan ang tingin mong
- 8:08pinakamahirap panindigan? Ang tumanggi
- 8:10ba sa barkada o ang aminin na nagkamali
- 8:13ka? Sa pamamagitan ng pagsagot dito, mas
- 8:16nakikilala mo ang tibay ng iyong
- 8:18paninindigan.
- 8:22At dito lamang nagtatapos ang ating
- 8:23aralin para araw na ito. Sana po ay
- 8:26marami kayong natutuan. Salamat po
- 8:28inyong pakikinam. M.
About this transcript
This page contains the full transcript of VE 9 - Term 1 - Lesson 5c - Mapanagutang Pagpapasiya Gabay ang Pananampalataya o Paniniwala by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 1,209 words across 203 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.
What you can do with it
Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.
Free YouTube transcript tool
YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.