VE 9 - Term 1 - Lesson 4b - Paggawa na may Gabay ng Pananampalataya o Paniniwala — Transcript
Full transcript
- 0:01Vales Education 9 term 1 learning
- 0:04competency 4B naputunayan na ang paggawa
- 0:07na may gabay ng pananampalataya o
- 0:09paniniwala ay moral na tungkulin bilang
- 0:12pakikibahagi upang makamit ang kaganapan
- 0:15ng kanyang pagkatao. Magandang araw mga
- 0:17mag-aaral. Welcome sa part two o
- 0:20ikalawang bahagi ng ating talakayan.
- 0:22Kung sa nakaraang video ay nakita natin
- 0:24ang mga turo ng Islam at Kristiyanismo,
- 0:26ngayong araw sasagutin natin ang tanong
- 0:28na bakit nga ba ang matapat na paggawa
- 0:31ay tinatawag na moral na tungkulin ng
- 0:34tao? Ano ang kinalaman ng iyong
- 0:36pananampalataya sa iyong
- 0:37pagkakakilanlan?
- 0:41Suriin muna natin ang konsepto ng
- 0:43pananampalataya.
- 0:45Ang paniniwala mo ay hindi lang isang
- 0:47simpleng tradisyon o basta relihiyon na
- 0:49nakasulat sa mga dokumento. Ito ay isang
- 0:52fundamental na bahagi ng iyong identity
- 0:55o pagkakakilanlan. Ito ang mismong core
- 0:57ng kung sino ka. Sa mundong ito na
- 1:00napakaraming gulo, stress at mabilis na
- 1:03pagbabago, ang pananampalataya mo ang
- 1:05nagbibigay sao ng anchor, saysay at
- 1:08malinaw na layunin. Kung wala kang
- 1:10matibay na paninindigan, madali kang
- 1:13mada-drag ng katamaran o ng maling
- 1:15sistema.
- 1:17Dahil malinaw sao kung sino ka at ano
- 1:19ang halaga mo, nagkakaroon ka ng panloob
- 1:22na motibasyon. Ito ang nagtutulak sa iyo
- 1:25araw-araw na magsumikap at maging mas
- 1:27mabuting tao hindi lang para sa sarili
- 1:30mo kundi para din sa kapwa mo.
- 1:35Ngayon, pag-usapan naman natin ang isang
- 1:37malalim na kataga. Ito yung tinatawag
- 1:39nating pananagutang moral o moral
- 1:41obligation sa English. Ito yung
- 1:44obligasyon mong piliin ng mabuti at
- 1:46matuwid sa lahat ng pagkakataon. Ang
- 1:49matapat na paggawa tulad ng hindi
- 1:51pangongopya sa test o paggawa ng sarili
- 1:54mong project ay hindi isang option na
- 1:56pwedeng piliin lang kung kailan gusto.
- 2:00Obligasyon mo ito bilang tao na may
- 2:02konsyensya. Hindi ka nagiging matapat
- 2:04para lang purihin ka ng guro mo o para
- 2:07bigyan ka ng reward ng magulang mo.
- 2:09Ginagawa mo ang tapat na paggawa dahil
- 2:11alam mong ito ang matuwid at ito ang
- 2:13tama. May nakakakita man o wala,
- 2:19ang pagsasanib ng paggawa at
- 2:21pananampalataya.
- 2:22Tingnan ninyo ang screen. Sa kaliwang
- 2:24bahagi, meron tayong larawan o mga
- 2:27larawan ng paggawa. Ito yung pang
- 2:29araw-araw mong pagkilos tulad ng
- 2:31pagre-review, pagpapasa ng requirements,
- 2:33pagsunod sa mga gawain sa paaralan o
- 2:35maging paghahanap buhay. Sa kanang
- 2:38bahagi naman, makikita natin ang
- 2:39pananampalataya. Ito naman ang iyong mga
- 2:42prinsipyo, ang mga aral ng iyong
- 2:44relihiyon at ang iyong malalim na
- 2:46paniniwala at pananalig sa Diyos.
- 2:50Ngayon, pansinin ninyo kung ano ang nasa
- 2:51gitna. Integridad at paglilingkod. Kapag
- 2:55ang ginagawa mo sa kaliwa ay ginagabayan
- 2:58ng pinaniniwalaan mo sa kanan, hindi ka
- 3:00magiging tamad o madaya. Doon lumalabas
- 3:03ang matapat na paggawa dahil alam mong
- 3:06ang kilos mo ay pagsisilbi sa kapwa at
- 3:09alay sa Diyos. Kaya kapag dumating ang
- 3:12pagsubok, pagod o tukso na mandaya,
- 3:15tingnan mo lang ang koneksyong ito. Ang
- 3:17pananampalataya mo ang nagbibigay ng
- 3:20lakas para panatilihing matapat at
- 3:22marangal ang iyong mga paggawa.
- 3:27Ngayon, dumako naman tayo sa pagsusuri
- 3:29ng mga sitwasyon. Case analysis number
- 3:32one. Leader si Astra sa isang major
- 3:35project. Ang pinakamatalik niyang
- 3:37kaibigan na si Cher ay hindi nag-ambag o
- 3:39tumulong pero nakiusap na isama ang
- 3:42pangalan dahil kailangan nitong pumasa.
- 3:45Kung ikaw si Astra, ano ang mas pipiliin
- 3:48mo? Ang protektahan ng pagkakaibigan
- 3:50ninyo sa pamamagitan ng pagsisinungaling
- 3:53o ang panindigan ang tapat na paggawa
- 3:55kahit magalit ang kaibigan mo?
- 4:00Case analysis number two. Isang gabi
- 4:03bago ang term exam, may nag-send sa GC
- 4:05ninyo ng picture ng answer key ng test.
- 4:08Walang guro o magulang na nakakaalam.
- 4:11Gagamitin mo ba ang leaked answer key
- 4:13kung alam mong ito ang pinakamadaling
- 4:15paraan para makapasa? O magiging tapat
- 4:18ka sa Diyos at sa sarili at magtitiwala
- 4:20ka sa sarili mong review kahit mas
- 4:22mahirap ito. Bakit?
- 4:27Case analysis number 3. May ginawang
- 4:30freedom wall o anonymous page ang inyong
- 4:32batch sa Facebook. Maraming kaklase mo
- 4:35ang gumagamit nito para magpakalat ng
- 4:37tiismis, manira ng kapwa at magmura sa
- 4:41mga guro dahil alam nilang walang
- 4:43makakahuli sa kanila.
- 4:45Makikibahagi ka ba o mananahimik sa
- 4:47online bullying dahil lang walang
- 4:49nakakakilala sa iyo o paninindigan mo
- 4:51ang iyong tapat na pagkakakilanlan
- 4:54bilang mag-aaral na may pananampalataya?
- 4:56Bakit?
- 4:59Bilang pagtatapos ng ating aralin mga
- 5:01grade 9 students, tandaan natin ang
- 5:04direksyon ng ating paglago. Nagsisimula
- 5:06ang lahat sa iyong mapanagutang paggawa.
- 5:09Ang pagpili sa tama sa bawat maliit na
- 5:11desisyon araw-araw.
- 5:14Ang tapat mong pag-aaral ay hindi lang
- 5:16para sa grado. Ito ay paglilingkod sa
- 5:18kapwa dahil nagtataguyod ka ng isang
- 5:21patas at marangal na komunidad. At sa
- 5:24huli, mararating mo ang kaganapan ng
- 5:26pagkatao. Ang tunay na tagumpay ay hindi
- 5:29nasusukat sa perpektong score na nakuha
- 5:31sa pandaraya kundi sa kapanatagan na
- 5:34hinarap mo ang hamon ng buhay kasama ang
- 5:37Diyos at ang iyong malinis na
- 5:39konsyensya.
- 5:42At hanggang dito lamang po ang ating
- 5:44aralin para sa araw na ito. Sana po ay
- 5:46may natutuan kayo. Salamat po sa
- 5:48panonood at pakikinig. Paalam.
About this transcript
This page contains the full transcript of VE 9 - Term 1 - Lesson 4b - Paggawa na may Gabay ng Pananampalataya o Paniniwala by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 811 words across 137 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.
What you can do with it
Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.
Free YouTube transcript tool
YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.