YouTube2Text

VE 9 - Term 1 - Lesson 4a - Paggawa na may Gabay ng Pananampalataya o Paniniwala — Transcript

by Serdyan · 1,355 words · 220 segments · language en · Watch on YouTube

Full transcript

  1. 0:02Vales Education 9 term 1 learning
  2. 0:04competency 4A na ilalarawan ang paggawa
  3. 0:07na ginagabayan ng pananampalataya o
  4. 0:09paniniwala. Magandang araw sa inyong
  5. 0:12lahat mga grade 9 students. Ang
  6. 0:14pag-uusapan natin ay isang bagay na
  7. 0:16ginagawa natin araw-araw pero madalas ay
  8. 0:18nakakalimutan natin kung ano ang mas
  9. 0:20malalim nitong kahulugan. Ang paggawa na
  10. 0:23ginagabayan ng ating pananampalataya.
  11. 0:25Paano nga ba nagiging magkakampi ang
  12. 0:27paniniwala natin sa Diyos at ang
  13. 0:29mabibigat nating gawain sa school at sa
  14. 0:31bahay? Aalamin natin.
  15. 0:36Bago ang lahat, bigyang kahulugan muna
  16. 0:38natin ano nga ba ang pananampalataya?
  17. 0:40Ayon sa miamwebster.com,
  18. 0:43ito ay ang matibay na paniniwala o
  19. 0:45pagtitiwala sa isang bagay o nilalang
  20. 0:48kahit walang tiyak na ebidensya. Parang
  21. 0:51hangin hindi mo nakikita ng mata pero
  22. 0:53ramdam mo at alam mong buhay ka dahil
  23. 0:56dito. Sabi naman sa banal na kasulatan
  24. 0:58partikular na sa Hebreo 111, ito ang
  25. 1:01katiyakan sa mga bagay na inaasahan. Ang
  26. 1:04paninindigan sa mga bagay na hindi
  27. 1:06nakikita. Dalawang salita ang tatandaan
  28. 1:09niyo rito. Katiyakan at paninindigan.
  29. 1:12Kahit hindi mo pa nakikita ang bukas,
  30. 1:14sigurado kang may plano ang Diyos sao.
  31. 1:17Kaya naninindigan kang gawin ang tama
  32. 1:19ngayon pa lang.
  33. 1:23Ngayon ay pumunta naman tayo sa
  34. 1:25ikalawang salita. Ang paggawa. Ano ito?
  35. 1:28Ito ay ang paggamit ng iyong talino,
  36. 1:30lakas at oras upang tapusin ang isang
  37. 1:33produktibong gawain o tungkulin. Gusto
  38. 1:36kong linawin natin ito. Ang paggawa ay
  39. 1:38hindi lang basta pagkilos. Lahat tayo ay
  40. 1:40kumikilos. naglalakad, humihinga,
  41. 1:43nagi-scroll sa TikTok pero ang tunay na
  42. 1:46paggawa o labor ay may layunin o purpose
  43. 1:49at may pananagutan o responsibility.
  44. 1:52Ginagawa mo ito dahil alam mong may
  45. 1:54tungkulin kang dapat at obligadong
  46. 1:57tuparin bilang tao.
  47. 2:01Para mas madali nating ma-visualize,
  48. 2:03ibahin natin ang konteksto depende sa
  49. 2:05role natin sa buhay. Para sa mga
  50. 2:07magulang ninyo, ang paggawa ay
  51. 2:09nangangahulugang kanilang trabaho,
  52. 2:11propesyon o negosyo para maitaguyod ang
  53. 2:14inyong pamilya sa araw at sa gabi. Pero
  54. 2:17para sa iyo bilang isang grade 9
  55. 2:19student, ano ang mukha ng paggawa mo?
  56. 2:22Ito ay ang pagpasok mo sa paaralan
  57. 2:24araw-araw. Ang pagpapakuyat para
  58. 2:26mag-review sa test. Ang seryosong
  59. 2:29pakikibahagi sa mga pangkatang gawain ng
  60. 2:31hindi nagiging pabuhat at ang pagtulong
  61. 2:34sa mga simpleng gawaing bahay tulad ng
  62. 2:36paghuhugas ng pinggan o pagwawalis.
  63. 2:41Dito na natin pag-iisahin ang dalawang
  64. 2:43salitang ito. Kapag ang pananampalataya
  65. 2:45na nasa puso mo ang siyang nagpapatakbo
  66. 2:48sa mga kamay mo habang ikaw ay
  67. 2:50nagtatrabaho o nag-aaral, ang tawag sa
  68. 2:53resulta noon ay integridad. Tandaan
  69. 2:56ninyo ang formula na ito. Ang
  70. 2:58pananampalataya ay hindi nakikita pero
  71. 3:01ang paggawa ay nakikita. Kapag pinagsama
  72. 3:03mo yan, ang integridad ay ang matapat na
  73. 3:06paggawa ng tungkulin sa lahat ng
  74. 3:08pagkakataon. May nakakakita man o wala,
  75. 3:12hindi mo na kailangan ng istriktong
  76. 3:14guro, ng mga magulang na may dalang
  77. 3:16pamalo o ng mamahaling CCTV camera para
  78. 3:19magtino. Ang pananampalataya mo sa loob
  79. 3:22ang nagsasabi sa'yo na gagawin ko ang
  80. 3:25tama at hindi ako mandadaya dahil alam
  81. 3:27kong nakikita ng Diyos ang puso ko.
  82. 3:33Ang bawat paniniwala ay may kaakibat na
  83. 3:35gampanin at responsibilidad sa ating
  84. 3:38paggawa. Linawin natin ito mga mag-aaral
  85. 3:41sa grade 9. Ang bawat relihiyon o
  86. 3:43paniniwala sa mundo ay hindi lang puro
  87. 3:46salita o kumpisal. Lahat sila ay may
  88. 3:49kaakibat na gampanin at responsibilidad
  89. 3:52sa kung paano tayo nagtatrabaho o
  90. 3:54kumikilos araw-araw. Hindi pwedeng banal
  91. 3:57ka lang kapag oras ng panalangin pero
  92. 4:00tamad o madaya ka pagdating sa trabaho.
  93. 4:03Simulan natin sa pag-unawa kung ano ang
  94. 4:05tinuturo ng relihiyong Islam pagdating
  95. 4:07sa usapin ng paggawa.
  96. 4:11Ano nga ba ang itinuturo ng relihiyong
  97. 4:13Islam pagdating sa usapin ng paggawa sa
  98. 4:16pananampalatayang Islam? Ang paniniwala
  99. 4:19o iman ay hindi pwedeng sa isip lang.
  100. 4:22Dapat laging may kasama itong matapat na
  101. 4:25aksyon o amal. At alam ba ninyo kung
  102. 4:27paano nila ito ipinapakita?
  103. 4:30Sa five pillars of Islam o ang limang
  104. 4:32haligi ng Islam, ang mga haliging ito ay
  105. 4:35hindi lang basta ritwal. Ito'y aktwal na
  106. 4:38pagsasanay sa isang tao para magkaroon
  107. 4:40ng matinding disiplina at integridad sa
  108. 4:43kaniyang mga pang-araw-araw na
  109. 4:45tungkulin. Tingnan natin ang dalawang
  110. 4:47napakagandang halimbawa nito.
  111. 4:51Ang unang halimbawa ay ang sala o ang
  112. 4:53pananalangin ng limang beses sa isang
  113. 4:55araw sa mga itinakdang oras. Isipin mo,
  114. 4:58ano man ang ginagawa mo kapag oras na ng
  115. 5:01sala, hihinto ka para humarap sa Diyos.
  116. 5:04Nagtuturo ito ng napakatinding disiplina
  117. 5:07sa oras at consistency. Ano ang
  118. 5:09kinalaman nito sa paggawa? Ang isang tao
  119. 5:12na marunong gumalang sa oras ng kanyang
  120. 5:14creator ay marunong ding rumespeto sa
  121. 5:17oras ng kanyang pag-aaral o trabaho.
  122. 5:20Siya yung estudyanteng kapag oras ng
  123. 5:22klase nakikinig. Kapag oras ng project
  124. 5:25gumagawa. Hindi siya nagbubulakbol at
  125. 5:27hindi siya pabuhat.
  126. 5:31Ang ikalawang halimbawa naman ay ang
  127. 5:33saum o ang pag-aayuno ng mga Muslim
  128. 5:35tuwing buwan ng Ramadan. Mula madaling
  129. 5:38araw hanggang sa paglubog ng araw,
  130. 5:41tinitiis nila ang gutom at uhaw bilang
  131. 5:43pagpapakita ng debosyon. Nagtuturo ito
  132. 5:46ng selfcol o ang matinding pagpipigil sa
  133. 5:49sarili. Paano ito kumokonekta sa
  134. 5:52integridad mo sa pag-aaral? Simple lang.
  135. 5:55Kung kaya mong pigilan ang gutom mo
  136. 5:57dahil sa pananampalataya, kaya mo ring
  137. 5:59pigilan ang sarili mo sa tukso na
  138. 6:01mangopya o mandaya sa exam. Kahit pa
  139. 6:04mag-isa ka lang sa kwarto at walang
  140. 6:06nakatingin sa'yo, iyan ang paggawang may
  141. 6:09gabay ng pananampalataya.
  142. 6:12Dumako naman tayo sa kristiyanismo. Ang
  143. 6:15sentro ng pananampalatayang ito ay ang
  144. 6:17pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Ang
  145. 6:21pagmamahal na ito ay gampanin na dapat
  146. 6:23isabuhay sa bawat araw. Hindi lang
  147. 6:25sinasabi. Upang tuparin ito, kailangan
  148. 6:28ng isang kristiyano na aktibong
  149. 6:30magsagawa ng pananalangin, pagsamba,
  150. 6:33pagsunod sa utos ng Diyos at
  151. 6:35pagmamalasakit sa kapwa. Simulan natin
  152. 6:38sa mga gawa na nagpapakita ng pagmamahal
  153. 6:40sa Diyos at kung paano ito natutupad.
  154. 6:45Unahin natin, paano mo ba mamahalin at
  155. 6:48bibigyan ng lugod ng Diyos kapag hawak
  156. 6:50mo na ang iyong ballpen o ang iyong
  157. 6:52walis? May isang napakalakas na talata
  158. 6:54sa Bibliya sa Colosas 3:23 na nagsasabi,
  159. 6:58"Ano man ang inyong ginagawa, gawin
  160. 7:00ninyo ng buong puso na parang sa
  161. 7:02Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa
  162. 7:05mga tao. Isipin mo 'yan, grade 9. Ibig
  163. 7:08sabihin kapag nagsasagot ka ng test,
  164. 7:10kapag gumagawa ka ng essay o kapag
  165. 7:13naglilinis ka ng kwarto, ang tunay mong
  166. 7:15boss o teacher na binibigyan ng report
  167. 7:17ay ang Diyos mismo. Hindi lang ang tao.
  168. 7:20Kung mahal mo ang Diyos at gusto mo
  169. 7:22siyang bigyan ng kaluguran, hindi mo
  170. 7:25siya aalayan ng isang gawaing minadali,
  171. 7:27pwede na yan o dinaya. Kaya ang isang
  172. 7:30kristiyanong mag-aaral na may
  173. 7:32integridad, nag-aaral siya ng tapat
  174. 7:34kahit walang proctor or guard o
  175. 7:37nagbabantay sa kanya dahil alam niyang
  176. 7:39ang katapatan niya ay ang aktwal niyang
  177. 7:41regalo at pagsamba sa Diyos.
  178. 7:45Ang ikalawang dakilang utos naman sa
  179. 7:47kristiyanismo ay ang pagmamahal sa
  180. 7:49kapwa. At dito pumapasok ang isang sikat
  181. 7:52na golden rule na itinuro ng panginoong
  182. 7:54Hesus sa Mateo 7:12. Gawin mo sa iba ang
  183. 7:58gusto mong gawin ng iba sa iyo. Paano
  184. 8:01natin ito sasalin sa paggawa bilang
  185. 8:03grade 9 student? Napakasimple lang. Sa
  186. 8:06tuwing may pangkatang gawain o group
  187. 8:08project, tanungin mo ang sarili mo.
  188. 8:11Gusto ko ba na ang kagrupo ko ay
  189. 8:12masipag, maaasahan at nagpapasa ng
  190. 8:15maayos na ambag? Kung ang sagot mo ay
  191. 8:17oo, ibig sabihin obligasyon mo ring
  192. 8:20maging masipag at maayos na kagrupo para
  193. 8:23sa kanila. Huwag mong asahan na
  194. 8:25magpapakapuyat ang iba. para sa grado mo
  195. 8:28habang ikaw ay nagpapasarap lang. Ang
  196. 8:30paggawang may pananampalataya ay
  197. 8:32nagtuturo sa atin na maging patas at
  198. 8:35magpakita ng totoong malasakit sa pagod
  199. 8:37ng ating kapwa.
  200. 8:41Mga mag-aaral, ngayong araw napatunayan
  201. 8:44natin na maging sa Islam man o sa
  202. 8:46Kristiyano, ang tunay na pananampalataya
  203. 8:48ay hindi lang binibigkas ng bibig. Ito
  204. 8:51ay aktwal na isinasagawa ng ating mga
  205. 8:54kamay. Kaya kung ikaw ay isang mag-aaral
  206. 8:56na may integridad, mayroon kang
  207. 8:58disiplina sa iyong oras at sarili.
  208. 9:01Itinuturing mo ang iyong pag-aaral
  209. 9:03bilang isang mataas na uri ng pagsamba
  210. 9:05sa Diyos at may malasakit ka sa pagod at
  211. 9:08effort ng iyong mga kapwa kaklase. Ang
  212. 9:11hamon ko sayo para sa linggong ito ay
  213. 9:13panindigan mo ang tama at maging matapat
  214. 9:16ka sa lahat ng iyong school work at
  215. 9:18gawaing bahay. May nakakakita man o
  216. 9:20wala.
  217. 9:23At hanggang dito lamang po ang ating
  218. 9:25aralin para sa araw na ito. Sana po ay
  219. 9:27may natutuan kayo. Salamat po sa
  220. 9:29panonood at pakikinig. Paalam.

About this transcript

This page contains the full transcript of VE 9 - Term 1 - Lesson 4a - Paggawa na may Gabay ng Pananampalataya o Paniniwala by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 1,355 words across 220 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.

What you can do with it

Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.

Free YouTube transcript tool

YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.