VE 9 - Term 1 - Lesson 3b - Pagbuo sa Personal na Misyon sa Buhay — Transcript
Full transcript
- 0:01Vales education 9 term 1 learning
- 0:04competency 3B naipaliliwanag na ang
- 0:06pagbuo sa personal na misyon sa buhay ay
- 0:08nagbibigay kahulugan at direksyon na
- 0:10mamuhay ng makabuluhan upang itaguyod
- 0:12ang kabutihan at kaunlaran ng sarili at
- 0:15lipunan.
- 0:17Ngayong alam na natin ang mga
- 0:19pangunahing hakbang, may isang
- 0:20napakahalagang tool tayong gagamitin
- 0:22upang hindi lang basta manatiling
- 0:24pangarap ang ating mga isunusulat. Ito
- 0:27ang tinatawag na Smart A. Bago natin
- 0:29isa-isahin ang kahulugan ng Smart A,
- 0:32alamin muna natin kung bakit natin ito
- 0:34kailangan sa pagsulat ng ating personal
- 0:37na misyon. Lahat tayo ay may mga
- 0:39pangarap ngunit ang isang epektibong
- 0:41misyon ay hindi dapat nananatiling guhit
- 0:44lang sa ulap o pangarap lamang.
- 0:46Kailangan itong maging praktikal, lapat
- 0:48sa lupa at higit sa lahat, kayang-kaya
- 0:51ninyong isa katuparan. Madalas kapag
- 0:53nagsusulat tayo ng layunin, masyado
- 0:55itong malawak o mahirap maabot. Kaya sa
- 0:58huli ay nandoon lang ang panganib na
- 1:00maiwan makalimutan natin ito kapag tayo
- 1:03ay nahirapan. Dito ngayon pumapasok ang
- 1:05Smart A na isang makapangyarihang tool o
- 1:08gabay upang masuri nating mabuti kung
- 1:11ang bawat salita, bawat pangako, bawat
- 1:13hakbang na isinusulat ninyo sa inyong
- 1:15misyon ay may malinaw at tiyak na
- 1:18patutunguhan. Higit sa lahat, ito ang
- 1:21magsisilbing filter o pansala upang
- 1:23matiyak na ang inyong misyon ay hindi
- 1:25madadamay sa mga pabago-bagong emosyon,
- 1:27katamaran o mga panandaliang kagustuhan
- 1:30lamang. Ito ang magpapanatili sa inyo sa
- 1:33tamang landas kahit na mawalan kayo ng
- 1:35gana sa hinaharap. Kaya naman
- 1:37iisa-isahin natin ang mga kahulugan ng
- 1:39mga titik na ito.
- 1:44Magsimula tayo sa letrang S na ang ibig
- 1:46sabihin ay specific o sa tagalog ay
- 1:48tiyak. Kapag gumagawa kayo ng misyon,
- 1:51iwasan ang mga salitang masyadong
- 1:53malawak o pangkalahatan dahil nakakalito
- 1:56ito. Dapat ay eksaktong alam mo kung ano
- 1:59ang gusto mong mangyari. Halimbawa, sa
- 2:01halip na sabihing gusto kong maging
- 2:03matagumpay balang araw, mas mabuting
- 2:05sabihing, gusto kong maging isang
- 2:07sertifikadong accountant upang gabayan
- 2:09ang pananalapi ng mga maliliit na
- 2:12negosyo. Mas tiyak, mas madaling
- 2:14pagplanuhan.
- 2:17Isa pang halimbawa, sa halip na sabihing
- 2:19gusto kong makatulong sa kalikasan, mas
- 2:22mabuting sabihing, gusto kong maging
- 2:24isang agriculturist upang mamuno sa mga
- 2:26proyekto ng pagtatanim ng puno sa aming
- 2:28komunidad. Dahil tiyak ang sinabi mo,
- 2:31mas malinaw sa isip mo kung anong
- 2:33direksyon ang tatahakin mo.
- 2:37Ang sumunod na letra ay M. Para sa
- 2:39measurable o nasusukat, kailangan mong
- 2:42magtakda ng paraan kung paano mo
- 2:44masusubaybayan ang iyong progreso. Kung
- 2:47hindi mo ito masusukat, mahihirapan kang
- 2:49malaman kung nagtatagumpay ka na ba.
- 2:54Bilang halimbawa sa iyong pag-aaral,
- 2:56maaari mong isama sa iyong misyon ang
- 2:58layunin na mapanatili ang markang hindi
- 3:01bababa sa 85 sa lahat ng asignatura.
- 3:04Dahil may numero o pamantayan, madali
- 3:06mong ma-monitor sa dulo ng bawat grading
- 3:09period o term kung naabot mo na ito o
- 3:12kailangan pang magsikap.
- 3:16Dumako naman tayo sa unang letrang A
- 3:18bilang achievable or attainable o sa
- 3:21tagalog kayang abutin. Maganda ang
- 3:24mangarap ng mataas ngunit ang misyon ay
- 3:27kailangang nakatapak rin sa lupa. Dapat
- 3:29ay kaya mo itong gawin gamit ang mga
- 3:32talento, tulong at resources na mayroon
- 3:35ka sa ngayon.
- 3:37Halimbawa, kung ikaw ay isang mag-aaral
- 3:40pa lamang sa sekundarya, hindi
- 3:42makatotohanang ilagay sa misyon na
- 3:44magpapatayo ako ng sariling ospital sa
- 3:46susunod na buwan. Mas angkop na
- 3:49sabihing, "Magsisikap akong makakuha ng
- 3:51scholarship sa kolehiyo upang makatapos
- 3:54ng kursong nursing. Ito ay isang layunin
- 3:56na kahit mahirap ay talagang kayang
- 3:58maabot sa tamang panahon."
- 4:03Ang susunod na letra ay R na
- 4:05nangangahulugang relevant o sa tagalog
- 4:07ay angkop. Ibig sabihin, ang isusulat
- 4:10mong misyon ay dapat konektado sa kung
- 4:12ano ang mahalaga sa iyo at sa iyong
- 4:15pamilya ngayon. Hindi ka gumagawa ng
- 4:17misyon para lang i-plee ang ibang tao.
- 4:20Dapat ito ay makabuluhan para sa sarili
- 4:22mong buhay.
- 4:25Halimbawa, kung ang isa sa pinakamataas
- 4:27mong core value ay ang pagmamahal sa
- 4:29pamilya, magiging relevant ang misyon mo
- 4:32kung sasabihin mong magsisikap akong
- 4:34matapos ang aking vocational na kurso
- 4:37upang agad na makahanap ng trabaho at
- 4:39makatulong sa mga gastusin ng aking mga
- 4:42magulang. Angkop ito sa realidad at sa
- 4:45mga pagpapahalaga mo sa buhay.
- 4:49Susunod ay ang letrang T para sa time
- 4:51bound o may takdang panahon. Kung walang
- 4:54deadline ang isang pangarap, madali
- 4:56itong ipaglaban o i-procrastinate. Ang
- 4:59paglalagay ng target na petsa o taon ay
- 5:01nagbibigay sa atin ng disiplina at sense
- 5:04of urgency upang kumilos agad.
- 5:09Isang halimbawa nito ay ang pagtukoy sa
- 5:11eksaktong panahon. Sa halip na sabihing
- 5:13gusto kong makabili ng sariling laptop
- 5:15para sa pag-aaral, mas epektibong
- 5:17sabihin na mag-iipon ako mula sa aking
- 5:20baon upang makabili ng sariling laptop
- 5:22bago matapos ang unang bahagi ng susunod
- 5:25na school year. Dahil may takdang
- 5:27panahon, may pressure na positibo para
- 5:30simulan mo na ang pag-iipon ngayon pa
- 5:32lang.
- 5:34At para sa pangalawang letrang A at
- 5:37huling letra ng smart A, ito ay ang
- 5:39action oriented o sa tagalog nakatuon o
- 5:42nakalapat sa kilos. Ang isang epektibong
- 5:45personal mission statement ay hindi
- 5:47passive o parang nagmamasid lang. Dapat
- 5:50itong magsimula sa mga malalakas na
- 5:53pandiwa o action words tulad ng
- 5:55mag-aaral, tutulong, magtataguyod o
- 5:59gagamitin.
- 6:02Halimbawa, sa halip na isulat mo na ako
- 6:05ay magiging isang mabuting pinuno. Gawin
- 6:07natin itong action oriented. Mamumuno
- 6:10ako ng may katapatan sa aming student
- 6:12council at maglulunsad ng mga programa
- 6:15para sa kapakanan ng aking mga kapwa
- 6:18mag-aaral. Ang salitang mamumuno at
- 6:20maglulunsad ay mga direktang utos sa
- 6:23sarili mo na kailangan mong kumilos.
- 6:27Mga mag-aaral, tingnan ninyo ang visual
- 6:29na ito sa screen. Sa kaliwa, narito ang
- 6:32inyong mga pansariling talento at
- 6:34pangarap o ang inyong mga husay. Sa
- 6:36kanan naman, narito ang mundong inyong
- 6:38ginagalawan na may iba't ibang
- 6:40pangangailangan. Ang isang makabuluhang
- 6:43personal na misyon ay hindi lang
- 6:45nananatili sa kaliwang bahagi. Ito ay
- 6:47nagkakaroon ng tunay na ningning kapag
- 6:50nagkonekta ito sa kanang bahagi. Kapag
- 6:52ang inyong husay ay nagamit para punan
- 6:55ang pangangailangan ng inyong kapwa.
- 6:57Sabi nga ng tanyag na pilosopong
- 6:59Pilipino na si Dr. Manuel D. Jr. Ang tao
- 7:02ay isang panlipunang nilalang. Ibig
- 7:04sabihin, ang tunay na kaganapan ng ating
- 7:07pagkatao ay nasa pakikipagkapwa at
- 7:10pag-aambag sa lipunan.
- 7:15Ang paggawa ng misyon ay parang
- 7:17paghahagis ng bato sa tubig. Lumilika
- 7:19ito ng mga alon o tinatawag nating
- 7:22ripple effect. Ang pinakasentro, ang
- 7:24pinakamaliit na bilog ay ang ating
- 7:26sarili o ang ako. Natural lang na
- 7:29simulan natin ang pangarap doon tulad ng
- 7:31gustong maging engineer para yumaman.
- 7:34Walang masama rito. Ngunit ang hamon sa
- 7:36atin ngayon ay huwag hayaang manatili
- 7:38lang sa gitna ang alon. Palawakin natin
- 7:41ito sa ikalawang bilog para sa ating
- 7:43pamilya at sa pinakamalaking bilog para
- 7:46sa ating lipunan. Kapag idinagdag natin
- 7:48ang layuning makabuo ng ligtas at murang
- 7:51pabahay para sa kapwa, ang simpleng
- 7:53pangarap mo sa gitna ay nagiging isang
- 7:56dambuhalang misyon na may kakayahang
- 7:58magpabago ng buhay ng maraming tao. Oh.
- 9:16ating aralin para araw na ito. Sana po
- 9:19may natutuan kayo. Salamat po sa
- 9:21panonood at pakikinig. Paalam. M.
About this transcript
This page contains the full transcript of VE 9 - Term 1 - Lesson 3b - Pagbuo sa Personal na Misyon sa Buhay by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 1,146 words across 193 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.
What you can do with it
Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.
Free YouTube transcript tool
YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.