VE 9 - Term 1 - Lesson 2c - Mga Salik sa Pagpili ng Karera Ayon sa Gabay ng Pamilya — Transcript
Full transcript
- 0:01Vales education 9 term 1 learning
- 0:04competency 2C nakalilikha ng personal na
- 0:07plano sa karera na may
- 0:08pagsasaalang-alang sa mga salik ayon sa
- 0:11gabay ng pamilya.
- 0:14Pagkatapos ninyong makilala ang inyong
- 0:16mga talento, hilig at pagpapahalaga,
- 0:19oras na para ilapat ito sa realidad.
- 0:22Anumang uri ng buhay ang inyong
- 0:24pangarapin, hinding-hindi ito mapapasa
- 0:26inyo kung hindi ninyo ito paghahandaan
- 0:28at paplanuhin ngayon pa lang. Ang
- 0:30pagpili ninyo ng truck at strand sa
- 0:32senior high school ang magsisilbing
- 0:34unang pormal na hakbang o tulay upang
- 0:37makuha ninyo ang inyong kurso at ang
- 0:39hinahangad ninyong hanap buuhay. Upang
- 0:42hindi tayo maligaw at hindi masayang ang
- 0:44inyong oras, hihiram tayo ng gabay sa
- 0:46mga eksperto upang sundan ang mga
- 0:49konkretong hakbang sa pagpaplano ng
- 0:51inyong karera.
- 0:54Dumako tayo sa unang opisyal na hakbang
- 0:56sa pagbuo ng career plan. Kilalanin ang
- 0:59iyong sarili. Bago ka maghanap o
- 1:01tumingin ng mga trabaho, kailangan
- 1:03tingnan mo muna ang iyong sarili. Suriin
- 1:05ang iyong sariling potensyal sa paggawa.
- 1:08Ano ba ang iyong mga talento o likas na
- 1:11galing? Ano ang iyong mga kasanayan o
- 1:13yung mga skills na natukuhan mo sa
- 1:15paaralan? Ano ang mga hilig mo na
- 1:17nagbibigay sao ng saya? At ano ang iyong
- 1:19mga pagpapahalaga o ang mga prinsipyo na
- 1:22pinaninidigan mo? Ang apat na ito ang
- 1:25iyong magiging panloob na compass.
- 1:27Napakalaki ng papel ng iyong pamilya.
- 1:29Bakit? Madalas ang tao ay may tinatawag
- 1:32na blind spots. Mga magagandang
- 1:34katangian o galing na hindi ninyo
- 1:36napapansin sa inyong sarili pero
- 1:38kitang-kita ng mga magulang o kapatid
- 1:41mo. Sila ang nakasama ninyo sa paglaki.
- 1:44Kaya alam na alam nila kung sino kayo,
- 1:46kung ano ang inyong strengths at kung
- 1:48saan kayo medyo mahina o ang inyong mga
- 1:50weaknesses.
- 1:53Dumako naman tayo sa pangalawang
- 1:55hakbang. Alamin ang iyong mga
- 1:57oportunidad o magsaliksik. Clas, tandaan
- 2:00ninyo hindi sapat na alam mo lang kung
- 2:02ano ang gusto mo. Dapat alam mo rin kung
- 2:04may naghihintay bang trabaho sa'yo
- 2:06pagkatapos mong mag-aral. Dito natin
- 2:08iuugnay ang inyong pangarap sa realidad
- 2:11ng ekonomiya ngayon. Kailangan ninyong
- 2:13tukuyin ang demand. Ibig sabihin aalamin
- 2:17ninyo kung ano ba talaga ang mga
- 2:18trabahong mabilis makahanap ng pwesto
- 2:20ngayon at sa mga susunod pang mga taon.
- 2:23Ayaw ninyong kumuha syempre ng kurso na
- 2:25pagka-graduate ninyo ay wala palang
- 2:27mapapasukan.
- 2:29Mahalagang kumalap din ang datos.
- 2:31Magbasa at mag-aral tungkol sa iba't
- 2:33ibang strand at kurso na lapat sa inyong
- 2:36mga talento at hilig na nalaman mo dun
- 2:38sa nagdaang unang hakbang.
- 2:41At gamitin ang gabay ng mga eksperto.
- 2:43Huwag manghula. Kausapin ninyo ang
- 2:45inyong guro, ang mga guidance counselor
- 2:48o ang inyong mga magulang. Mag-surf din
- 2:50kayo sa internet para sa litimong ulat.
- 2:53Upang magkaroon kayo ng malinaw na idea,
- 2:55ipapakita ko sa inyo sa mga susunod na
- 2:57slides kung ano-ano ba ang mga
- 2:58kasalukuyang IND at high paying job dito
- 3:02sa Pilipinas at maging sa abroad.
- 3:06Upang simulan ang inyong pagsasaliksik
- 3:08ngayon, ipapakita ko sa inyo ang
- 3:10pinakabagong datos mula sa DOST at sa
- 3:13Philippine Go. Ito ang 10
- 3:14pinaka-endemand na trabaho sa Pilipinas
- 3:17na naghihintay sa inyo sa hinaharap.
- 3:21Nangunguna sa listahan ang mga IT
- 3:23professionals. Bakit? Dahil digital na
- 3:26ang mundo natin ngayon. Lahat ng
- 3:28kumpanya, bankoman, mall o eskwelahan ay
- 3:31lumilipat na sa computer at internet.
- 3:34Kung mahilig ka sa computer, lohika o
- 3:37pag-solve ng puzzle, napakalaki ng tansa
- 3:39mo rito bilang software developer, data
- 3:42analyst o cyber security specialist.
- 3:45Bukod sa napakalaking sahod, marami sa
- 3:47kanila ang nagtatrabaho lang sa bahay o
- 3:49remote work pero dolyar ang kinikita.
- 3:52Ang mga kasanayan na kailangan mo dito
- 3:54ay ang coding, data analysis at network
- 3:57or system security.
- 4:01Pangalawa ay ang mga healthc
- 4:02professionals. Hindi kailan man
- 4:04nawawalan ng demand ang mga nurses,
- 4:06medtech at physical therapists. Lalo na
- 4:09ngayong mas marami ang nangangailangan
- 4:11ng pagkalinga sa kalusugan. kilala ang
- 4:13mga Pilipino sa pagiging maalaga at may
- 4:16malasakit. Kaya naman bukod sa ating mga
- 4:18lokal na ospital, ang ating mga healthc
- 4:21workers ay patuloy na pinag-aagawan at
- 4:23pinapaboran sa buong mundo. Ang mga
- 4:25kasanayan, kaalaman, pagpapahalaga na
- 4:28kailangan mo rito ay ang kaalamang
- 4:30medikal, pagkalinga sa mga pasyente at
- 4:33pagiging mapagmalasakit.
- 4:37Pangatlo, ang construction at
- 4:39engineering. Kung mapapansin ninyo,
- 4:41kaliwat't kanan ang pagpapatayo ng mga
- 4:43tulay, kalsada at naglalakihang mga
- 4:46gusali sa ating bansa. Ang mga kumpanya
- 4:48ay palaging naghahanap ng mga civil,
- 4:51mechanical at electrical engineers na
- 4:53magpaplano ng mga proyektong ito. Kung
- 4:56malakas ang loob mo sa MAT, may liderato
- 4:58ka at mahilig ka sa disenyo ng mga
- 5:00estruktura para sa iyo ang landas na
- 5:03ito.
- 5:05Ang pang-apat ay siguradong pamilyar sa
- 5:07inyo, content creators at multimedia
- 5:10artists. Ang paggawa ng video sa TikTok,
- 5:13YouTube o Facebook ay hindi na lang
- 5:15basta hobby ngayon. Ito ay isang seryoso
- 5:18at malaking propesyon na. Ang mga
- 5:20kumpanya ngayon ay naghahanap ng mga
- 5:22kabataang marunong mag-edit ng videos,
- 5:24marunong mag-layout sa Canva o Photoshop
- 5:27at marunong magkwento o mag-storytelling
- 5:29upang i-market ang kanilang mga produkto
- 5:32online.
- 5:34Panglima ay ang e-commerce at logistics
- 5:37staff. Aminin ninyo, sino sa inyo ang
- 5:40mahilig mag-add to card sa Shopee,
- 5:41TikTok shop o Lazada? Dahil sa tindi ng
- 5:44online shopping ngayon,
- 5:45kailangang-kailangan ng mga kumpanya ang
- 5:47mga taong mag-o-organiza ng mga bodega,
- 5:50mag-aasikaso ng imbentaryo at
- 5:52magpapatakbo ng mga delivery systems.
- 5:55Kung ikaw ay organisado at magaling sa
- 5:57pamamahala ng oras, napakaraming trabaho
- 5:59ang naghihintay sa'yo rito.
- 6:03Pang-anim, mga guro at online tutors.
- 6:07Hindi nawawalan ng halaga ang edukasyon
- 6:09ngunit ngayon lumawak ito patungo sa
- 6:12internet. Napakataas ng demand ngayon sa
- 6:14mga ESL o English as second language
- 6:17tutors. Ang mga foreign students mula sa
- 6:20Japan, Korea at China ay naghahanap ng
- 6:22mga Pilipinong magtuturo sa kanila ng
- 6:24English sa pamamagitan ng online
- 6:26classes. Kung mahilig kang magsalita,
- 6:29magturo at may mahabang pasensya, buhay
- 6:31na buhay ang karerang ito para sa'yo.
- 6:36Pangito, ang mga skilled trades workers.
- 6:39Class, huwag ninyong minamaliit ang mga
- 6:41welders, plumbers, electricians at heavy
- 6:44equipment operators. Ayon sa DOST, sila
- 6:48ang tinatawag na backbone ng industriya.
- 6:51Kapag ikaw ay nag-aral sa TESDA at
- 6:53nakakuha ng NC2 certification,
- 6:55napakadali mong makakahanap ng trabaho.
- 6:58At ang totoo niyan, sa ibang bansa tulad
- 7:00ng Australia at Canada, ang mga skilled
- 7:02workers na ito ay mas malaki pa ang
- 7:05kinikita kaysa sa mga nag-oopisina.
- 7:09Pangwalo, ang walang kamatayang customer
- 7:12service representatives sa BPO o call
- 7:15center. Ang Pilipinas pa rin ang BPO
- 7:17Capital of the World. Ang mga malalaking
- 7:20kumpanya sa America at Europa ay dito
- 7:22nagpapatayo ng kanilang opisina dahil
- 7:25kilala tayong mga Pinoy sa pagiging
- 7:27magalang at mahusay mag-english. Kung
- 7:29may kumpyansa ka sa iyong communication
- 7:31skills, computer literate ka at magaling
- 7:34kang mag-solve ng mga problema ng
- 7:36customer, napakabilis mong makakapasok
- 7:38sa industriyang ito.
- 7:42Pangsyam na pwesto ang mga accounting
- 7:44professionals. Tandaan ninyo, walang
- 7:46negosyo ang na mabubuhay ng walang
- 7:48tagahawak ng pera. Maliit na
- 7:51sareis-saris norman o higanteng
- 7:53korporasyon, kailangan ng mag-aayos ng
- 7:55budget, magsusuri ng buwis at
- 7:57mag-aanalisa ng kita at lugi. Kung ikaw
- 8:00ay detalyado, mahilig sa numero at
- 8:03marunong gumamit ng finance software,
- 8:05hinding-hindi ka mawawalan ng trabaho
- 8:07rito.
- 8:09At ang ikaamp ay ang digital marketing
- 8:11professionals. Dati ang patalastas ay
- 8:14nasa telebisyon, radyo at billboard
- 8:16lang. Ngayon nasa news feed mo na. Nasa
- 8:19gitna ng pinapanood mong video o nasa
- 8:21Google search results. Ang trabaho ng
- 8:24isang digital marketer ay siguraduhing
- 8:26ang produkto ng kumpanya ay nakikita ng
- 8:28mga tao online gamit ang social media
- 8:31management. Isa ito sa pinakamabilis na
- 8:33lumagong industriya ngayon.
- 8:37Dumako naman tayo sa isa pang malaking
- 8:39option na pinapangarap ng maraming
- 8:41Pilipino ang magtrabaho sa abroad. Bakit
- 8:44nga ba paboritong kunin ng mga dayuang
- 8:46kumpanya ang mga manggagawang Pilipino?
- 8:49Ayon sa datos, may apat tayong malalakas
- 8:51na katangian. Mahusay tayong
- 8:53mag-English. Kilala tayo sa kasipagan at
- 8:55tibay ng loob. Madali tayong makabagay
- 8:58sa ibang kultura. At ang ating mga
- 9:00sertifikasyon mula sa TESDA at PR ay
- 9:03kinikilala sa buong mundo. Ngayon,
- 9:05alamin natin kung ano ang top 10 most in
- 9:07dememand job sa abroad para malaman
- 9:09ninyo kung anong truck ang dapat ninyong
- 9:11paghandaan.
- 9:14Ang unang indemand job sa abroad ay ang
- 9:17ating mga healthc professionals dahil sa
- 9:19mabilis na pagtanda ng populasyon sa mga
- 9:21bansang tulad ng USA, UK at Japan.
- 9:25Malaki ang sahod dito na naglalaro sa
- 9:27Php150,000 hanggang Php300,000 kada
- 9:30buwan para sa mga nurse at caregivers na
- 9:33may sapat na galing at talino. Ang mga
- 9:36kailangan ninyong ihanda ay ang inyong
- 9:37diploma, lisensya mula sa PRC o TESDA at
- 9:41pagpasa sa mga international exams tulad
- 9:44ng IELTS o NCEX.
- 9:49Pangalawa ay ang mga construction
- 9:50workers at skilled trades dahil sa
- 9:53walang tigil na pagpapatayo ng mga
- 9:55dambuhalang gusali sa Middle East gaya
- 9:57ng Saudi Arabia. Napakataas ng tingin at
- 10:00sahod sa mga manggagawang technical sa
- 10:02abroad kung saan madalas ay mas malaki
- 10:04pa ang kita nila kaysa sa mga
- 10:05nag-oisina. Ang mga kailangan ay PRC
- 10:08license para sa mga engineer, TESDA NC2
- 10:11para sa mga skilled workers at hindi
- 10:14bababa sa dalawa hanggang tatlong taong
- 10:16karanasan dito sa Pilipinas.
- 10:21Pangatlo ay ang mga seafayers at cruise
- 10:23ship workers dahil ang Pilipinas ang
- 10:25itinuturing na numero unong supplier ng
- 10:27mga marino sa buong mundo. Libo-libong
- 10:30Pilipino ang sinasakay taon-taon sa mga
- 10:32malalaking barkong pangkargamento at mga
- 10:35sikat na luxury cruise lines na
- 10:37naglalayag sa iba't ibang bansa. Ang mga
- 10:39kailangan dito ay maritime education,
- 10:42marina certifications para sa mga seapay
- 10:44rers o kaya naman ay TESDA hotel
- 10:46training para sa mga magtatrabaho sa
- 10:48cruise ship.
- 10:51Pang-apat ay ang mga IT professionals
- 10:54dahil ang buong mundo ngayon ay mabilis
- 10:56na nag-a-upgrade at lumilipat na sa
- 10:58digital systems at artificial
- 11:00intelligence. Ito ang isa sa mga
- 11:02propesyong may pinakamataas na pasahod
- 11:04sa abroad kung saan ang isang eksperto
- 11:06ay maaaring kumita ng Php400,000 kada
- 11:09buwan. Bukod sa inyong Bachelor's
- 11:10degree, ang mga pangunahing kailangan ay
- 11:13ang mga kilalang international tech
- 11:14certifications gaya ng Microsoft o Cisco
- 11:17at husay sa English.
- 11:21Panglima, ang mga hotel at restaurant
- 11:23workers dahil patuloy na lumalago ang
- 11:26turismo sa mga sikat na bansa tulad ng
- 11:28UAE, Japan at mga bansa sa Europa.
- 11:31Paboritong kumuha ng mga Pinoy ang mga
- 11:33dayuang hotel dahil likas tayong
- 11:35magiliw, magalang at magaling
- 11:38mag-asikaso ng mga bisita o customer.
- 11:41Ang mga kailangan mo rito ay test the
- 11:42certificate sa cookery, bartending o
- 11:45housekeeping at magandang karanasan sa
- 11:47mga kilalang hotel dito sa ating bansa.
- 11:52Pang-anim, ang mga guro. Partikular ang
- 11:54mga magtuturo ng English o ESL dahil
- 11:58prayoridad ngayon ang English education
- 12:00sa mga karatig bansa natin sa Asya.
- 12:03Malaki ang demand sa mga bansa tulad ng
- 12:05Japan, South Korea at Vietnam sapagkat
- 12:08kilala ang mga Pilipino na mahuhusay at
- 12:10madaling makabagay.
- 12:12Ang mga kailangan para matanggap ay
- 12:14bachelor's degree sa education, lisensya
- 12:16mula sa PRC at mga special certificates
- 12:19sa pagtuturo ng English gaya ng TESOL at
- 12:22TL.
- 12:26Pampito ay ang mga truck at heavy
- 12:28equipment drivers dahil kulang na kulang
- 12:31ang mga driver ng malalaking sasakyan sa
- 12:33mga bansang tulad ng Canada at New
- 12:35Zealand. Ang karerang ito ay mabilis
- 12:38lumago dahil ang mga sektor ng
- 12:40transportasyon, construction at
- 12:42pagmimina sa abroad ay patuloy na
- 12:44nangangailangan ng mga operator. Ang mga
- 12:47kailangan dito ay professional driver's
- 12:49license mula sa LTO, Tesla NC2 para sa
- 12:52heavy equipment operation at sapat na
- 12:55karanasan sa pagmamaneho.
- 12:58Pangwalo ang mga factory workers
- 13:00sapagkat ang mga bansa tulad ng Taiwan,
- 13:03South Korea at Japan ay may malalaking
- 13:06pabrikan ng teknolohiya na umaasa sa mga
- 13:08dayuhang manggagawa. Ito ay isang
- 13:11magandang option para sa marami dahil
- 13:13malaki ang kita rito at kadalasan ay
- 13:16sapat na ang high school o senior high
- 13:18school diploma para makapasok. Ang mga
- 13:21kailangan mo ay malakas na
- 13:22pangangatawan, pagpasa sa medical exam
- 13:25at pag-aaral ng basic language ng bansa
- 13:27gaya ng nihonggo o Korean language test.
- 13:32Pangyam ang mga agricultural workers at
- 13:35farmers dahil ang pagsasaka at
- 13:37pagpapatakbo ng mga bukid ay
- 13:39napakalaking industriya sa Canada at New
- 13:41Zealand. Naghahanap sila ng mga Pilipino
- 13:44para sa mga gawaing tulad ng fruit
- 13:46picking, pamamahala ng mga pananim sa
- 13:48greenhouse at pag-aalaga ng mga hayop o
- 13:51livestock. Ang mga kailangan dito ay
- 13:53test the certification sa agricultural
- 13:56production, karanasan sa pagbubukid at
- 13:58matibay na pisikal na kalusugan dahil
- 14:01mabigat ang trabaho sa bukid.
- 14:04At ang ikaamp ay ang mga domestic
- 14:06helpers at household service workers
- 14:09dahil napakalaki ng tiwala ng mga
- 14:11pamilya sa Hong Kong at Singapore sa mga
- 14:13Pilipino. Kilala ang mga Pinoy sa
- 14:16pagiging maalaga sa bata o matatanda.
- 14:18Maayos mamahala ng tahanan at may
- 14:21kakayaang makipag-usap ng maayos gamit
- 14:23ang wikang English. Ang mga kailangan
- 14:25dito ay TESDA Domestic Work NC2
- 14:28certificate, kaunting kaalaman sa wika
- 14:30ng bansang pupuntahan at magandang
- 14:32kalusugan ng katawan at isip.
- 14:36Bago tayo lumipat sa susunod na hakbang,
- 14:39tandaan ninyo na ang pagkalap ng tamang
- 14:41impormasyon ang magliligtas sa inyo sa
- 14:43maling pagpili ng kurso. Ang
- 14:45pananaliksik ay mahalaga upang hindi
- 14:47kayo basta sumunod sa kung ano lang ang
- 14:49uso o sa sabi-sabi ng iba kundi ibay
- 14:53ninyo ang inyong kinabukasan sa totoong
- 14:56datos ng merkado. Kapag may sapat kayong
- 14:58kaalaman tungkol sa mga indemand na
- 15:00trabaho, mas magiging madali, praktikal
- 15:03at matalino ang gagawin nating pagpili
- 15:05sa mga susunod na hakbang.
- 15:09Matapos ninyong kilalanin ang inyong
- 15:11sarili sa step one at makita ang
- 15:13malalawak na oportunidad sa merkado sa
- 15:15step two, dumako na tayo sa pangatlong
- 15:18hakbang o step 3. Limitahan ang opsyon
- 15:21at bumuo ng pasya. Sa puntong ito,
- 15:24normal lang na marami pa ring idea ang
- 15:26tumatakbo sa isip ninyo. Pero ang
- 15:28layunin ng hakbang na ito ay ang
- 15:30pag-focus.
- 15:32Mula sa napakaraming strand at kurso na
- 15:34inyong nakita, kailangan ninyong piliin
- 15:37ng landas na tunay na makapagbibigay sa
- 15:39inyo ng pagkakataong makamit ang
- 15:41pangarap ninyong buhay. Hindi lahat ng
- 15:43nakita ninyong indemand ay dapat ninyong
- 15:46pasukin. Pipiliin lang ninyo ang top
- 15:48choices ninyo. Yung mga trabaho na kung
- 15:51saan kayo magiging masaya, produktibo at
- 15:54sapat ang kikitain. Binibigyang diin ang
- 15:57matalinong pagpapasya. Hindi ito
- 15:59hula-hula o sunod sa uso. Ito ay isang
- 16:02desisyon na pinag-isipan ninyo kasama
- 16:05ang inyong pamilya. Kapag nakapili na
- 16:07kayo ng landas dito sa pangatlong
- 16:09hakbang, mas madali na nating gagawin
- 16:11ang final na detalye o ang malalim na
- 16:14pag-aaral sa inyong napiling option.
- 16:19Narito na tayo sa huling bahagi. Ang
- 16:21step four, pagpapasya. Matapos nating
- 16:24limitahan ang ating mga option sa step
- 16:26three, hindi tayo pwedeng huminto doon.
- 16:28Kailangan nating himayin o aralin ang
- 16:31bawat detalye ng napili nating landas.
- 16:33Tanungin ninyo ang inyong sarili gamit
- 16:35ang apat na gabay na ito. Una, sigurado
- 16:38ka na ba sa strand at kurso na kailangan
- 16:40mo? Pangalawa, saan ka mag-aaral?
- 16:43Mayroon bang malapit na pamantasan o
- 16:46institusyon sa inyo? Pangatlo, ano ang
- 16:48kailangan para makapasok? Halimbawa,
- 16:51entrance exam o grades? At pang-apat,
- 16:54ang pinakaimportante, magkano ang
- 16:56gastos? Dito sa huling hakbang,
- 16:58kailangang-kailangan ninyo ang inyong
- 17:00pamilya. Sila ang makakatulong sa inyo
- 17:02sa pagba-budget at pagpili ng paaralan
- 17:05na swak sa inyong kakayahan. Kapag
- 17:07nasagot na ninyo ang apat na ito, handa
- 17:09na kayong humarap sa inyong kinabukasan.
- 17:14Upang maging matagumpay ang inyong
- 17:16pinili, kailangan nating planuhing
- 17:18mabuti ang bawat yugto na inyong
- 17:20tatahakin at dito napapasok ang
- 17:22napakalaking papel ng inyong pamilya.
- 17:24Ang suporta ng magulang ay hindi lang
- 17:26simpleng pagtatapos sa pagbibigay ng
- 17:29baon. Kailangan natin ang kanilang
- 17:31aktibong pakikisangkot at bukas na
- 17:33komunikasyon upang gabayan kayo sa
- 17:36pagbuo ng isang makabuluhang kinabukasan
- 17:38sa mundo ng paghahanap buhay.
- 17:43Pagdating sa pagpili ng karera, hindi
- 17:45natin pwedeng ihiwalay ang usapin ng
- 17:47pera. Ang unang papel ng ating pamilya
- 17:50ay tulungan tayong harapin ang realidad
- 17:52ng mga gastusin. Hindi lang ito tungkol
- 17:55sa matrikula o tuition fee. Kasama rito
- 17:57ang pamasahe araw-araw. ang mga
- 18:00gagamiting libro, uniporme, mga proyekto
- 18:03at ang inyong baon. Ang mga magulang
- 18:05ninyo ang makakatulong sa inyo para
- 18:07makita kung magkano ba talaga ang
- 18:10totoong halaga ng landas na gusto
- 18:12ninyong tahakin.
- 18:15Pangalawa, kapag nakita na ninyo ang
- 18:17posibleng gastusin, hindi ibig sabihin
- 18:19nito ay susuko na kayo kung medyo
- 18:21mabigat. Dito papasok ang pamilya para
- 18:24maghanap ng solusyon. Sila ang
- 18:26makakatulong sa inyo sa paghahanap ng
- 18:28mga scholarship programs mula sa
- 18:30gobyerno man o sa mga pribadong
- 18:32kumpanya. Sila rin ang gagawa ng
- 18:34diskarte sa tamang pagba-budget ng kita
- 18:36ng tahanan para masiguradong may
- 18:38maitatabi para sa inyong pag-aaral.
- 18:43Pangatlo, katuwang natin ang pamilya sa
- 18:45pagpili ng tamang eskwelahan. Maraming
- 18:48unibersidad o institusyon ang nag-aalok
- 18:51ng parehong kurso pero magkakaiba ang
- 18:53halaga. Tutulungan kayo ng inyong mga
- 18:56magulang na magsaliksik at maghambing
- 18:59kung aling pamantasan ang magbibigay ng
- 19:01dekalidad na edukasyon na pasok at
- 19:03kayang-kaya sa budget ng inyong pamilya
- 19:06nang hindi kayo lubog sa utang.
- 19:10Pang-apat, tandaan ninyo class, ang
- 19:13papel ng magulang ay hindi nagtatapos sa
- 19:15pagiging tagatustos o tagabayad lang ng
- 19:18mga bills. Ang tunay na gabay ay
- 19:20tinatawag na aktibong pakikisangkot.
- 19:23Ibig sabihin kasama natin sila mula sa
- 19:25simula ng pagpaplano hanggang sa
- 19:28pagtatapos. Interesado sila sa kung ano
- 19:31ang mga asignatura ninyo. Ano ang mga
- 19:33nahihirapan kayo at paano ninyo
- 19:35unti-unting inihahanda ang inyong sarili
- 19:38para maging isang propal.
- 19:42Panglima, napakahalaga ng bukas na
- 19:44komunikasyon. Ibig sabihin, walang
- 19:46taguan ng nararamdaman. Kung nahihirapan
- 19:49ka sa kursong napili mo, dapat masasabi
- 19:51mo ito sa magulang mo ng walang takot.
- 19:54Kung ang magulang mo naman ay may
- 19:55alalahanin sa pera, dapat masasabi nila
- 19:58ito sao ng maayos. Ang malayang usapan
- 20:01sa loob ng bahay ang nagpapatibay sa
- 20:03inyong plano sa bawat yugto na inyong
- 20:06tatahakin.
- 20:09At panghuli, ang pamilya ang gabay mo
- 20:11para makagawa ng matalinong pagpapasya.
- 20:14Ang emosyon lang o ang bugso ng damdamin
- 20:17ay hindi sapat sa pagpili ng karera. Sa
- 20:20tulong ng karanasan ng inyong mga
- 20:22magulang at sa lawak ng inyong
- 20:23pananaliksik, magkasama ninyong bubuin
- 20:26ang isang desisyon na hindi lang
- 20:28praktikal kundi magiging susi ninyo para
- 20:31sa isang matagumpay, produktibo at
- 20:34makabuluhang kinabukasan sa mundo ng
- 20:37pagtatrabaho.
- 20:40Bago tayo dumako sa ating huling gawain,
- 20:42muli nating balikan ang apat na
- 20:44mahahalagang hakbang na ating
- 20:45pinag-aralan. Ang pagkilala sa inyong
- 20:48sarili. ang pagsasaliksik sa merkado,
- 20:51ang pagliliman ng option at ang huli ay
- 20:54ang pagpapasya. Tandaan ninyo na ang mga
- 20:56hakbang na ito ay hindi magiging matibay
- 20:59kung wala ang suporta at gabay ng inyong
- 21:01pamilya lalo na sa aspeto ng
- 21:04pagba-budget at pagpaplano ng inyong
- 21:06kinabukasan. Ngayon, kumpleto na natin
- 21:08ang ating kaalaman. Oras na para isalin
- 21:11nito sa isang aktwal na personal na
- 21:13plano na magsisilbing mapa ninyo patungo
- 21:15sa inyong pangarap.
- 21:18Para sa pagbuo ng inyong career road
- 21:20map, kailangan ninyong sundin ng tumpak
- 21:23ang apat na hakbang na nasa screen upang
- 21:25maging malinaw ang inyong plano. Sa
- 21:28unang hakbang, maging tapat kayo sa
- 21:30inyong sarili. Isulat ninyo ang inyong
- 21:32mga talento at interes at pati na rin
- 21:35ang mga kahinaan na kailangan ninyong
- 21:37pagtagumpayan.
- 21:40Para naman sa ikalawa, ikatlo at ikaapat
- 21:42na hakbang, pumili lang kayo ng tatlong
- 21:45pinakagusto ninyong indemand jobs sa mga
- 21:47tinalakay natin.
- 21:51Direkta ninyong isulat kung anong kurso
- 21:53at paaralan ang target ninyong pasukan
- 21:55pagkatapos ninyo ng grade 10.
- 22:00Hindi kumpleto ang inyong roadmap kung
- 22:02walang bahagi para sa inyong pamilya
- 22:04dahil sila ang inyong magiging
- 22:06pangunahing gabay at katuwang sa
- 22:08biyaheng ito. Kailangan ninyong ilagay
- 22:10sa inyong plano kung paano kayo
- 22:12tutulungan ng inyong mga magulang
- 22:14pagdating sa usapin ng budget, matrikula
- 22:17at pang-araw-araw na baon. Isama rin
- 22:20ninyo kung may plano ba kayong maghanap
- 22:22ng scholarship o pumasok sa mga
- 22:24pampublikong paaralan upang masiguradong
- 22:26ang inyong roadmap ay praktikal at
- 22:29kayang panindigan ng inyong pamilya.
- 22:34At hanggang dito na lamang po nagtatapos
- 22:36ang ating aralin. Sana po ay may
- 22:38natutuhan kayo. Salamat po sa panonood
- 22:41at pakikinig. Paalam. M.
About this transcript
This page contains the full transcript of VE 9 - Term 1 - Lesson 2c - Mga Salik sa Pagpili ng Karera Ayon sa Gabay ng Pamilya by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 3,220 words across 549 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.
What you can do with it
Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.
Free YouTube transcript tool
YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.