VE 9 - Term 1 - Lesson 2b - Mga Salik sa Pagpili ng Karera Ayon sa Gabay ng Pamilya — Transcript
Full transcript
- 0:02Palace Education 9 term 1 learning
- 0:04competency to be naipaliliwanag na ang
- 0:06mga salik sa pagpili ng karera ay dapat
- 0:09isaalang-alang upang matiyak ang
- 0:11kahandaan sa pagpapasya sa nais tahakin
- 0:13na landas sa hinaharap tungo sa
- 0:15matagumpay at makahulugang pamumuhay.
- 0:18Isang magandang araw sa inyong lahat.
- 0:20Welcome sa ikalawang bahagi ng ating
- 0:21talakayan ukol sa pagpaplano ng inyong
- 0:24karera. Noong nakaraan, hinarap natin
- 0:26ang mapait na katotohanan ng job
- 0:28mismatch at ang nakakatakot na 70% na
- 0:31nagsisi sa huli. Ngunit hindi tayo
- 0:33natapos doon sa takot. Iniwan ko sa inyo
- 0:36ang apat na haligi o salik na
- 0:37magsisilbing gabay ninyo upang hindi
- 0:39kayo matulad sa kanila. Ngayong araw,
- 0:42pormal nating bubuksan ang bagong
- 0:44aralin. Ang layunin natin ngayon ay
- 0:46hindi lang basta alamin ang pangalan ng
- 0:48mga salik na ito kundi ang maipaliwanag
- 0:50kung paano natin gagamitin ang mga salik
- 0:52na ito upang matiyak ang inyong
- 0:54kahandaan sa pagpapasya. Hihimayin natin
- 0:56ang inyong sariling gamit ang tulong ng
- 0:58mga eksperto upang sa huli ang landas na
- 1:01inyong tatahakin ay tunay na magbubunga
- 1:04ng isang matagumpay, masaya at
- 1:06makahulugang pamumuhay.
- 1:09Sa nagdaang aralin, nalaman natin na ang
- 1:11pag-alam sa ating talento, hilig at
- 1:14pagpapahalaga ang ating magiging
- 1:16pananggalang laban sa 70% na nagsisi sa
- 1:18huli. Ngunit ang tanong, "Paano ko ba
- 1:21talaga malalaman kung ano ang partikular
- 1:23na talento o hilig ko? Hindi sapat na
- 1:26sabihin mong magaling ako mag-drawing o
- 1:28mahilig ako sa computer. Kailangan natin
- 1:31ng mas malalim at sentipikong batayan.
- 1:33Kaya naman dito sa ating ikalawang
- 1:35bahagi ng aralin, hihimayin natin ang
- 1:37tatlo sa mga salik na ito gamit ang mga
- 1:39eksperto. Titingnan natin ang iba't
- 1:41ibang mukha ng talento sa pamamagitan ng
- 1:44multiple intelligences. Ang iba't ibang
- 1:46direksyon ng hilig gamit ang cooler
- 1:48career interests at ang malalim na
- 1:50prinsipyo ng pagpapahalaga gamit ang
- 1:52teoria ni Shalom Schwartz. Simulan natin
- 1:54sa pagpapalawak ng unang salik ang
- 1:56inyong talento at kasanayan.
- 2:00Madalas kapag sinabing talento, ang agad
- 2:02na naiisip ng mga estudyante ay ang
- 2:04pagkanta, pagsayaw o pagiging magaling
- 2:07sa matth. At kung wala ka ng mga 'yon,
- 2:10iisipin mo agad na wala kang talento.
- 2:12Napakalaking pagkakamali niyan. Ayon sa
- 2:14isang tanyag na psikolohista na si Dr.
- 2:16Howard Gardner, ang katalinuan ng tao ay
- 2:19hindi nasusukat sa iisang IQ test
- 2:21lamang. Ipinakilala niya ang nine
- 2:23multiple intelligences. Ibig sabihin
- 2:26walang taong bobo o walang talento.
- 2:29Sadyang magkakaiba lang tayo ng uri ng
- 2:31talino at galing. Maaaring ang iba sa
- 2:33inyo ay magaling sa salita, ang iba
- 2:35naman ay sa kalikasan o kaya naman ay sa
- 2:38pag-unawa sa kapwa tao. Napakahalagang
- 2:40matukoy mo kung saan sa siam na ito ang
- 2:43iyong dominant intelligence upang
- 2:45matiyak natin na ang pipiliin mong kurso
- 2:47o trabaho sa hinaharap ay doon sa
- 2:50larangan kung saan ka natural na mahusay
- 2:52at produktibo. Oo ang siam na uri ng
- 2:54katalinuhan. Pakinggan ninyong mabuti at
- 2:57suriin kung alin dito ang sa tingin
- 2:58ninyo ang naglalarawan sa inyo.
- 3:03Ang unang uri ng talino ay ang verbal
- 3:05linguistic intelligence o mas kilala
- 3:07bilang word smart. Ito ay ang kahusayan
- 3:11sa paggamit ng mga salita at wika sa
- 3:13iba't ibang paraan. Kung ikaw ay mahilig
- 3:16magbasa, magsulat, magaling magsaulo o
- 3:19mahusay sa pakikipag-usap, ito ang iyong
- 3:21angking galing. Ang talinong ito ay
- 3:24hindi lamang limitado sa pagsusulat o
- 3:26pagbabasa. Isang mahalagang halimbawa
- 3:28nito ay ang mga voice artists o mga
- 3:30dbbers. Sila ay may kakayang baguhin ng
- 3:33kanilang boses at gumamit ng tamang
- 3:35emotion at tono upang bigyang buhay ang
- 3:38mga salita sa pelikula, anunsyo o mga
- 3:41kwento. Para sa mga estudyanteng hindi
- 3:44nagnanais pumasok sa kolehiyo, ang
- 3:46talinong ito ay may ay napakapraktical.
- 3:49Ang pagiging mahusay na sales
- 3:51representative o call center agent ay
- 3:53nangangailangan ng galing sa
- 3:54pakikipag-usap. Gayon din ang mga tour
- 3:56guide na nagpapaliwanag sa mga turista o
- 3:59mga radio announcer na naghahatid ng
- 4:01impormasyon gamit ang kanilang boses. Sa
- 4:04madaling salita, kung mahusay ka sa wika
- 4:06at komunikasyon, marami kang oportunidad
- 4:09na pwedeng pasukin upang maging
- 4:11produktibo.
- 4:14Ang ikalawang uri ng talino ay ang
- 4:16logical mathematical intelligence o ang
- 4:18tinatawag nating number logic smart. Ito
- 4:21ay ang kahusayan sa paglutas ng mga
- 4:23komplikadong problema. pagkilala sa mga
- 4:26pattern at ang kakayahang mag-isip sa
- 4:29lohikal at sistematikong paraan. Kung
- 4:31ikaw ay mabilis makaintindi ng mga
- 4:33kalkulasyon, mahilig mag-solve ng
- 4:35puzcles o mahusay sa pag-aanalisa ng mga
- 4:38sitwasyon bago gumawa ng desisyon,
- 4:40taglay mo ang talinong ito. Ang talinong
- 4:43ito ay may malawak na applikasyon sa
- 4:45mundo ng paggawa. Ginagamit ito ng mga
- 4:47engineers, architects at scientists sa
- 4:50kanilang mga disenyo at pananaliksik. Sa
- 4:53katulad na paraan, mahalaga rin ito para
- 4:55sa mga technicians at electricians na
- 4:57gumagamit ng lohika upang magkumpuni ng
- 5:00mga sirang sistema o kuryente. Ang mga
- 5:03carpenters or o karpentero ay
- 5:05nangangailangan nito para sa tumpak na
- 5:07sukat habang ang mga accountants,
- 5:09bookkeepers at mga negosyante ay
- 5:11gumagamit ito sa araw-araw na pagtutuos
- 5:14ng budget, kita at pagsusuri ng takbo ng
- 5:17kanilang kabuhayan. Ang talinong ito ay
- 5:20nakatuon sa paggamit ng impormasyon at
- 5:22lohika upang makabuo ng solusyon.
- 5:26Ang ikatlong uri ng talino ay ang Visual
- 5:29Spatial Intelligence na mas kilala
- 5:31bilang Picture Smart. Ito ay ang
- 5:33kakayahang makakita at makabuo ng mga
- 5:35disenyo o larawan sa iyong isipan at
- 5:38maipakita ito sa isang pisikal na
- 5:41aspeto. Kung ikaw ay mahusay mag-isip sa
- 5:43pamamagitan ng mga imahe, magaling sa
- 5:46pagbabasa ng mapa o direksyon at mahilig
- 5:48magdisenyo o gumuhit, taglay mo ang
- 5:51talinong ito. Napakahalaga ng talinong
- 5:53ito sa maraming hanapbuhay. Ginagamit
- 5:56ito ng mga architects at interior
- 5:58designers upang makita ang itsura ng
- 6:01isang gusali o kwarto bago pa man ito
- 6:03mabuo. Gayun din ang mga graphic
- 6:06artists, video editors at fashion
- 6:09designers na nagbubuo ng mga visual na
- 6:11konsepto. Sa aspeto ng direksyon at
- 6:14espasyo, ang mga pilots, navigators, at
- 6:17maging ang mga drivers ay gumagamit nito
- 6:20upang matantya ang kalsada o himpapawid.
- 6:23Para naman sa mga mahilig sa sining at
- 6:25pagpapaganda, ang pagiging isang
- 6:27painter, photographer o makeup artist ay
- 6:31nangangailangan ng mataas na antas ng
- 6:33visual intelligence upang makuha ang
- 6:35tamang anggulo, kulay at itsura na nais
- 6:38nilang makamit. Sa madaling salita, ang
- 6:41talinong ito ay ang kakayang makita ang
- 6:43resulta sa iyong isipan bago mo pa man
- 6:46ito masimulan.
- 6:49Ang ikaapat na uri ng talino ay ang
- 6:51Bodily kinesthetic intelligence o ang
- 6:54tinatawag nating body smart. Ito ay ang
- 6:56kahusayan sa paggamit ng buong katawan o
- 6:59bahagi nito gaya ng mga kamay upang
- 7:02lumutas ng mga problema, makalikha ng
- 7:05mga bagay o magsagawa ng isang
- 7:07partikular na gawain. Kung ikaw ay
- 7:09mahusay sa sports, mabilis matuto ng mga
- 7:11sayaw o magaling sa mga gawaing
- 7:14nangangailangan ng kontrol sa kamay at
- 7:16katawan, taglay mo ang talinong ito.
- 7:19Mahalaga ang talinong ito sa
- 7:20napakaraming uri ng hanapbuhay.
- 7:22Ginagamit ito ng mga atleta at mananayaw
- 7:25o dancer sa kanilang propesyon. Ngunit
- 7:28mahalaga rin ito para sa mga surgeons na
- 7:30nangangailangan ng tumpak na pagkontrol
- 7:32sa kanilang mga kamay habang
- 7:34nag-o-opera. Sa aspeto naman ng paglikha
- 7:37at pagkukumponi, ang mga mekaniko,
- 7:39karpintero at mga manggagawa sa
- 7:41construction ay gumagamit ng kanilang
- 7:43lakas at koordinasyon upang makabuo ng
- 7:46mga estruktura o makina. Ang mga sundalo
- 7:49at pulis ay nangangailangan din ito para
- 7:51sa kanilang pisikal na pagsasanay at
- 7:53seguridad. Maging ang mga sculptures,
- 7:56physical therapists at mga mananahi ay
- 7:59umaasa sa kanilang koordinasyon upang
- 8:01makapagbigay ng serbisyo o makagawa ng
- 8:04produkto. Sa madaling salita, ito ay ang
- 8:07kakayahang gamitin ang iyong pisikal na
- 8:09lakas at galaw upang maging
- 8:11kapakipakinabang.
- 8:15Ang ikalimang uri ng talino ay ang
- 8:17musical rhythmic intelligence o ang
- 8:19music smart. Ito ang kahusayan sa
- 8:22pagkilala at pag-unawa sa mga tunog,
- 8:25ritmo at patterns ng musika. Kung ikaw
- 8:27ay sensitibo sa mga tono, madaling
- 8:29makatanda ng himig o mahusay sa paggamit
- 8:32ng mga instrumentong pangmusika, taglay
- 8:34mo ang talinong ito. Maraming
- 8:37oportunidad na naghihintay para sa mga
- 8:39taong may ganitong galing. Bukod sa
- 8:41pagiging isang tanyag na musikero, mga
- 8:44awit o composer, mahalaga rin ang
- 8:46talinong ito sa mga aspektong teknikal.
- 8:48Halimbawa, ang mga sound technicians at
- 8:51sound engineers ay gumagamit nito upang
- 8:53matiyak ang kalidad ng tunog sa mga
- 8:56kaganapan, pelikula o recording. Kasama
- 9:00rin dito ay ang mga disc jockies o DJs
- 9:02na nagtitimpla ng ritmo para sa mga
- 9:04tagapakinig pati na ang mga biyasa sa
- 9:06paggawa o pagkukumponin ng mga
- 9:08instrumento gaya ng gitara o piyano
- 9:11dahil kinakailangan nila ng matalas na
- 9:13pandinig upang makuha ang tamang tono.
- 9:16Ang pagiging isang voice coach o music
- 9:18producer ay nangangailangan din ng
- 9:20mataas na antas ng musical intelligence
- 9:23upang gabayan ang ibang tao sa kanilang
- 9:25sining. Ang talinong ito ay nakatuon sa
- 9:27pagpapahayag ng damdamin at impormasyon
- 9:30sa pamamagitan ng tunog at ritmo.
- 9:34Ang ikapitong uri ng talino ay ang
- 9:36interpersonal intelligence o ang
- 9:38tinatawag nating people smart. Ito ay
- 9:41ang kakayahang makaunawa at
- 9:42makipag-ugnayan ng mabisa sa ibang tao.
- 9:45Kung ikaw ay madaling makaramdam sa
- 9:47damdamin ng iyong kapwa, mahusay mamuno
- 9:51o epektibo sa pakikipag-usap at
- 9:53pag-aayos ng mga hidwaan, taglay mo ang
- 9:55talinong ito. Ang talinong ito ay sentro
- 9:58ng maraming hanapbuhay dahil ang bawat
- 10:01industriya ay nangangailangan ng maayos
- 10:03na ugnayan. Ginagamit ito ng mga
- 10:05managers at human resources staff
- 10:08upangan ang kanilang mga tauhan at
- 10:11matiyak ang maayos na takbo ng opisina.
- 10:14Mahalaga rin ito para sa mga guro,
- 10:16social workers at counselors na
- 10:18direktang tumutulong at gumagabay sa mga
- 10:20tao. Sa aspeto ng serbisyo at negosyo,
- 10:24ang pagiging isang mahusay na
- 10:25salesperson, customer service
- 10:28representative o receptionist ay
- 10:30nakadepende sa iyong galing sa
- 10:32pakikitungo upang maging komportable ang
- 10:34mga kliyente. Gayun din para sa mga
- 10:37pulitiko at community leaders na
- 10:39kailangang makinig at tumugon sa
- 10:41pangangailangan ng kanilang nasasakupan.
- 10:44Ang talinong ito ay nakatuon sa paggamit
- 10:46ng mabisang komunikasyon at empatiya
- 10:49upang bumuo ng matibay na ugnayan sa
- 10:51kapwa.
- 10:54Ang ikaanim na uri ng talino ay ang
- 10:56intrapersonal intelligence o ang
- 10:58tinatawag nating selfsmart. Ito ay ang
- 11:00kakayahang kilalanin ng malalim ang
- 11:02iyong sarili, ang iyong mga kalakasan,
- 11:05kahinaan, damdamin at ang mga bagay na
- 11:08nagpapakilos sa iyo. Kung ikaw ay
- 11:10mapagnilay, mahusay magplano para sa
- 11:12iyong kinabukasan o mas gustong gumawa
- 11:15ng mag-isa upang mas makapag-isip,
- 11:17taglay mo ang talinong ito. Napakahalaga
- 11:20ng talinong ito sa mga karerang
- 11:22nangangailangan ng mataas na disiplina
- 11:23sa sarili at malalim na pag-unawa sa
- 11:26pagkatao. Halimbawa, ang mga
- 11:28psychologist at counselors ay gumagamit
- 11:31nito upang gabayan ang ibang tao. Habang
- 11:34ang mga manunulat at philosophers naman
- 11:37ay ginagamit ito upang ilarawan ang mga
- 11:39karanasan at kaisipan ng tao. Sa mundo
- 11:42ng negosyo, ang pagiging isang
- 11:44entrepreneur o freelancer ay
- 11:46nangangailangan ng mataas na
- 11:48intrapersonal intelligence dahil ikaw
- 11:50ang nagtatakda ng iyong sariling oras,
- 11:53layunin at motibasyon ng hindi umaasa sa
- 11:56utos ng iba. Mahalaga rin ito sa mga
- 11:58researchers at life coaches na
- 12:01kailangang manatiling naka-focus sa
- 12:03kanilang layunin. Ang talinong ito ay
- 12:05nakatuon sa paggamit ng kaalaman tungkol
- 12:07sa sarili upang makagawa ng matatalinong
- 12:10desisyon at makamit ang tagumpay.
- 12:15Ang ikawalong uri ng talino ay ang
- 12:18naturalist intelligence o ang nature
- 12:20smart. Ito'y ang kahusayan sa pag-unawa,
- 12:23pagkilala at pag-uuri ng iba't ibang
- 12:26aspeto ng ating natural na kapaligiran.
- 12:29Kung ikaw ay may malalim na koneksyon sa
- 12:31kalikasan, mahilig mag-alaga ng mga
- 12:33hayop o halaman at mabilis makapansin ng
- 12:36pagbabago sa panahon o kapaligiran,
- 12:39taglay mo ang talinong ito. Ang mga
- 12:41taong may ganitong galing ay mahalaga sa
- 12:43pagpapanatili ng ating kabuhayan at
- 12:46kapaligiran. Ginagamit ito ng mga
- 12:48biologists, veterinarians at
- 12:51agriculturists sa kanilang pagsusuri at
- 12:54pag-aaral. Gayun din ang mga forest
- 12:56rangers at environmentalists na
- 12:59nangangalaga sa ating mga kagubatan at
- 13:02likas na yaman. Napaka-praktical din ng
- 13:04talinong ito sa ating bansa. Ang ating
- 13:07mga magsasaka at mangingisda ay mga
- 13:09eksperto sa naturalist intelligence
- 13:12dahil alam nila ang tamang panahon ng
- 13:14pagtatanim, pagpalaot, batay sa galaw ng
- 13:17kalikasan. Kasama rin dito ang mga
- 13:19gardeners, landscapers at animal
- 13:22breeders na ginagamit ang kanilang
- 13:24kaalaman upang magpalago ng buhay at
- 13:27sining sa kapaligiran. Sa madaling
- 13:29salita, ang talinong ito ay nakatuon sa
- 13:32pagkakaroon ng malasakit at mabisang
- 13:34pakikipag-ugnayan sa daigdig na ating
- 13:37ginagalawan.
- 13:40Ang ikasyam at huling uri ng talino ay
- 13:42ang existential intelligence o ang
- 13:44tinatawag nating big question or
- 13:47existential smart. Ito ay ang kakayahan
- 13:49ng isang tao na mag-isip at magtanong
- 13:52tungkol sa mga malalim na misteryo ng
- 13:54buhay. Kung ikaw ang uri ng tao na
- 13:56madalas mag-isip kung bakit tayo narito
- 13:58sa mundo, ano ang layunin ng universe o
- 14:02kung ano ang tama at mabuti para sa
- 14:04katauhan, taglay mo ang natatanging
- 14:06talinong ito. Ang mga taong may ganitong
- 14:09talino ay nagiging gabay ng lipunan sa
- 14:11aspeto ng moralidad, pananampalataya at
- 14:14malalim na pag-iisip. Karaniwan din
- 14:16silang nagiging mga philosopo at teologo
- 14:19na nag-aaral ng malalim na teorya o kaya
- 14:22naman ay mga spirituwal leaders gaya ng
- 14:25mga pari at pastor na nagbibigay ng
- 14:28direksyon sa buhay ng mga tao. Bukod
- 14:30dito, ang talinong ito ay mahalaga rin
- 14:33para sa mga eticists o otis na sumusuri
- 14:37sa moralidad ng mga makabagong
- 14:39teknolohiya at medisina pati na rin sa
- 14:41mga scientists tulad ng mga cosmologists
- 14:44at physicists na nag-aaral sa pinagmulan
- 14:48ng universe. Sa madaling salita, ito ay
- 14:51ang talino sa pagtingin sa malaking
- 14:53larawan ng buhay upang bigyang kahulugan
- 14:56ang ating pag-iral.
- 15:00Ngayong alam na ninyo kung saan kayo
- 15:02matalino at magaling. Dumako naman tayo
- 15:04sa ikalawang salik. Ang inyong hilig at
- 15:07inter. Naalala ninyo sa nagdaang aralin
- 15:10ang hilig ang sandata natin laban sa
- 15:12burnout at bordom. Ang tanong, paano
- 15:15kung marami akong gustong gawin? Paano
- 15:17ko malalaman kung anong uri ng hilig ang
- 15:20pwedeng pagkakitaan? Upang gabayan tayo,
- 15:23gagamitin natin ang 10 areas of interest
- 15:26na binu ng isang eksperto na si
- 15:28Frederick Coder. Hinati niya ang mga
- 15:30interest ng tao sa s malilinaw na
- 15:32kategorya na may direktang koneksyon sa
- 15:35mga industriya at trabaho sa totoong
- 15:37buhay. Tandaan natin class. Ang hilig ay
- 15:40pwedeng magbago habang lumalaki o
- 15:42tumatanda tayo. Pero kapag natukoy natin
- 15:45ang inyong core interest o ang
- 15:47pinakamalalim ninyong hilig ngayon, mas
- 15:50madali nating mapipili ang hanapbuhay na
- 15:52magbibigay sa inyo ng motivation at
- 15:54pangmatagalang saya sa paggawa.
- 15:59Ang unang larangan ay ang musical. Dito
- 16:02ang isang tao ay nasisiyahan sa
- 16:03pagpapahalaga at pagbuo ng musika. Kung
- 16:07ang paborito mong libangan o hobby ay
- 16:09ang pagtugtog ng instrumento,
- 16:11pangongolekta ng mga record o album o
- 16:14ang mismong pagsusulat ng sarili mong
- 16:15kanta, pasok ka rito. Ang mga interest
- 16:18na ito ay direktang nagagamit sa mga
- 16:20karera tulad ng pagiging isang musician,
- 16:23audio engineer, music producer o
- 16:26conductor.
- 16:30Pangalawa ay ang computational. Nasisian
- 16:32ang mga tao rito sa pagtatrabaho gamit
- 16:35ang mga numero at data. Kung ang
- 16:37kinahihiligan mong gawin sa iyong
- 16:39bakanteng oras ay ang pag-aaral tungkol
- 16:41sa financial investing o kaya ay mahilig
- 16:43kang sumagot sa mga puzzles tulad ng
- 16:45Sudoku angkop sao ang laranganang ito.
- 16:48Maaari kang maging isang data analyst,
- 16:51actuary, accountant o financial advisor
- 16:55balang araw.
- 16:58Ang ikatlo ay ang clerical. Nasisian ang
- 17:00mga taong nasa larang ito sa pag-aayos
- 17:03ng mga dokumento at schedule. Kung ang
- 17:06iyong hobby ay ang paggawa ng bullet
- 17:07journaling o kaya ang masusing
- 17:09pagsasaayos ng iyong mga digital files
- 17:11sa computer o phone, malaki ang
- 17:14potensyal mo rito. Ilan sa mga karerang
- 17:16maaari mong pasukin ay ang pagiging
- 17:18administrative assistant, office
- 17:20manager, data entry specialist o
- 17:24paralegal.
- 17:27Ikaapat ay ang artistic. Dito nasisian
- 17:30ang isang tao sa pagpapahayag ng
- 17:31kaniyang pagkamalikhain. Kung ang iyong
- 17:34mga paboritong gawain o hobbies ay
- 17:35pagpipinta, pattery, photography o
- 17:39paggawa ng origami, ang iyong scing ay
- 17:42pwedeng maging isang ganap na karera.
- 17:44Maaari kang maging isang graphic
- 17:46designer, photographer, art curator o
- 17:49fashion designer sa hinaharap.
- 17:53Ang ikalima ay ang scientific. Nasisian
- 17:56ang mga taong nasa larang ito sa
- 17:58pananaliksik at pag-e-eksperimento.
- 18:01Kung ang libangan mo ay stargazing,
- 18:03paggawa ng mga simpleng DIY science
- 18:05experiments sa bahay o pagbabasa ng mga
- 18:08scientific journals, taglay mo ang
- 18:10interest na ito. Ang larang ito ay
- 18:12mahalaga sa mga karera bilang biologist,
- 18:15chemist, research scientist o
- 18:18pharmacist.
- 18:21Ang anim ay ang literary. Nasisi ng mga
- 18:24tao rito sa sining ng pagsulat at
- 18:26pagbabasa. Kung ang iyong hobby ay
- 18:29creative writing, pagsali sa mga book
- 18:31clubs o pagsusuri ng mga tula o poetry,
- 18:34pasok ka rito. Ang hilig na ito ay
- 18:37nagbubukas ng pinto sa mga karera tulad
- 18:39ng pagiging isang journalist, author,
- 18:41editor, technical writer o content
- 18:44strategist.
- 18:48Ang ikapito ay ang persuasive. Nasisian
- 18:51ng mga tao rito sa pakikipag-ugnayan at
- 18:53panghihikayat. Kung ang hilig mo ay
- 18:55makipagdebate, sumubok ng standup comedy
- 18:58o makipagtawaran sa mga flee markets o
- 19:01tianggi, ito ang iyong larangan. Angkop
- 19:04rito ang mga karera bilang sales
- 19:06manager, public relations specialist,
- 19:09talent agent o lawyer.
- 19:14Ikawalo ang social services. Nasisiya ng
- 19:17isang tao rito sa pagtulong at paggabay
- 19:20sa kapwa. Kung ang paborito mong gawain
- 19:22sa komunidad ay volunteering, community
- 19:25organizing o kaya pag-mentor sa mga
- 19:27bata, napakahalaga ng papel mo rito.
- 19:30Maaari itong maging karera bilang isang
- 19:32social worker, counselor, guro, nurse o
- 19:36iba pang health care provider.
- 19:40Ang ikaam ay ang outdoor. Nasisian ng
- 19:42mga taong nasa larang ito na magtrabaho
- 19:45sa gitna ng kalikasan. Kung ang iyong
- 19:48mga hobbies ay hiking, camping,
- 19:50gardening o wildlife watching, angkop sa
- 19:53iyong larang ito. Ito ay mahalaga sa mga
- 19:55karera tulad ng landscape architect,
- 19:58park ranger, marine biologist o
- 20:00agricultural scientist.
- 20:05At ang ika-1 ay ang mechanical.
- 20:07Nasisiyaan ng isang tao rito sa paglikha
- 20:09at pagkukumponi ng mga bagay. Kung ang
- 20:12libangan mo ay woodworking, DIY
- 20:14mechanics, pagkakalikot ng mga makina o
- 20:17kaya paggamit ng 3D printing, taglay mo
- 20:20ang interest na ito. Ang mga hilig na
- 20:22ito ay magagamit sa mga karera gaya ng
- 20:24mechanical engineer, carpenter, welder o
- 20:27automotive technician.
- 20:31Matapos nating makita kung saan kayo
- 20:33magaling at kung ano ang inyong
- 20:35kinahihiligang gawin, dumako naman tayo
- 20:37sa ikatlo at pinakamalalim na salik. ang
- 20:40inyong pagpapahalaga o values. Kung
- 20:43matatandaan ninyo, ang values ang
- 20:45sumasagot sa tanong na bakit ko ba ito
- 20:47ginagawa? Ito ang nagtatakda ng
- 20:49pananatili at kapayapaan ng isip mo sa
- 20:52isang trabaho. Upang mas maunawaan natin
- 20:55ang ating mga panloob na motibasyon,
- 20:57hihiram tayo ng karunungan sa teorya ng
- 21:00isang kilalang psychologist na si Shalom
- 21:02Schwartz. Ayon sa kanya, mayroong
- 21:05sampung pangunahing uri ng pagpapahalaga
- 21:07o human values na nagpapatakbo sa
- 21:10desisyon ng bawat tao sa buong mundo.
- 21:13Maaaring para sa iyo ang pinakamahalaga
- 21:15ay security o katatagan. Para naman sa
- 21:17katabi mo, maaaring ito ay benevolence o
- 21:20ang pagtulong sa kapwa o kaya naman ay
- 21:22achievement o ang personal na tagumpay.
- 21:25Walang tama o maling sagot dito. Ang
- 21:28mahalaga ay maging tapat ka sa iyong
- 21:30prinsipyo. Dahil kung ang trabaho mo sa
- 21:32hinaharap ay babangga sa iyong Schwarz
- 21:35Values, doon ka makakaranas ng matinding
- 21:37frustration at pagsisisi. Kaya naman,
- 21:40himayin natin ang 10 pagpapahalagang ito
- 21:43upang mahanap mo ang iyong tunay na
- 21:45panloob na motibasyon.
- 21:49Unahin natin ang selfdction. Ito ang
- 21:52pagpapahalaga na nakatuon sa pagkakaroon
- 21:54ng absolute na kalayaan sa pag-iisip at
- 21:57paglikha. Masasabing ito ang
- 21:59nagpapatakbo sa isang tao kung labis
- 22:01siyang naiinis kapag may laging
- 22:03nakasubaybay sa kanyang ginagawa dahil
- 22:06mas gusto niyang patunayan ang sarili
- 22:08gamit ang sarili niyang paraan. Ang mga
- 22:11taong may ganitong pananaw ay kadalasang
- 22:13nagiging matagumpay na freelancers,
- 22:16inventor o mga negosyante dahil kaya
- 22:18nilang tumayo sa sarili nilang mga paa
- 22:21ng walang nagdidikta.
- 22:25Sunod ay ang stimulation. Naka-focus
- 22:27naman ito sa pag-iwas sa boring o
- 22:29matabang na pamumuhay. Para sa isang
- 22:32taong pinahaan ng kapanapanabik na
- 22:34karanasan, ang bawat araw ay dapat may
- 22:37kaunting kaba, aksyon o bagong
- 22:40natututuhan upang manatili siyang gising
- 22:42at inspirado. Kaya naman mas pinipili
- 22:45nila ang mga gawaing pabago-bago ang
- 22:47takbo tulad ng travel, field jobs o mga
- 22:50proyektong may matataas na challenge na
- 22:52nagbibigay sa kanila ng adrenaline rush.
- 22:57Ang ikatlo ay ang hedonism. Ang
- 22:59pangunahing core o sentro ng value na
- 23:01ito ay ang kaginhawaan at kasiyahan ng
- 23:04sarili. Madaling mapansin ang
- 23:06katangihang ito kung ang pananaw ng tao
- 23:08sa buhay ay nakatali sa idea ng work
- 23:11life balance o ang prinsipyo na gumagawa
- 23:14tayo upang mag-enjoy hindi upang maging
- 23:17robot. Ang mga taong may ganitong hilig
- 23:19ay mahusay sa mga larang may kinalaman
- 23:21sa sining, pagkain, turismo o anumang
- 23:25karera na nagpapahintulot sa kanila na
- 23:28kontrolin ang sarili nilang oras para
- 23:30mag-relax.
- 23:33Dumako naman tayo sa achievement. Ito
- 23:36naman ang lakas na nagtutulak sa isang
- 23:38tao na maging pinakamagaling sa kanyang
- 23:40larangan. Para sa mga taong uhaw sa
- 23:42tagumpay, hindi sapat ang salitang pwede
- 23:44na. Kailangan nilang makita na lumampas
- 23:47sila sa inaasahan ng iba at nakakakuha
- 23:50ng kaukulang recognition o palakpak.
- 23:53Karaniwan silang nagiging top performers
- 23:55sa sales, kilalang atleta o mga pinuno
- 23:59ng mga malalaking proyekto dahil sa
- 24:01kanilang mataas na ambisyon at
- 24:03motibasyon.
- 24:06Ang ikalima ay power. Huwag nating
- 24:08isipin na masama ito. Ibig sabihin lang
- 24:10nito ay ang pagnanais na magkaroon ng
- 24:12kontrol at pamumuno. Makikita ito sa
- 24:15isang tao kung komportable siyang
- 24:17humawak ng malalaking responsibilidad,
- 24:20mag-utos para sa ikabubuti ng plano at
- 24:23magpasya sa mga kritikal na sandali. Ang
- 24:25mga indibidwal na may ganitong value ay
- 24:28angkop sa pagpapatakbo ng sariling
- 24:30negosyo gaya ng pagiging CEO o kaya ay
- 24:33sa pamamahala ng komunidad bilang mga
- 24:36pinuno.
- 24:39Ang ikaanim ay security. Ito naman ang
- 24:41pagpapahalaga na nakatutok sa pagiging
- 24:44segurista sa buhay at kabuhayan. Para sa
- 24:47isang taong may ganitong mindset, mas
- 24:49mahalaga ang pangmatagalang katatagan
- 24:52kaysa sa mga malalaking tsansa o sugal
- 24:54na pwedeng magdulot ng pagkalugi o
- 24:57kapahamakan. Kaya naman mas gaganahan
- 25:00silang magtrabaho o magnegosyo sa mga
- 25:02industriyang subok na ng panahon, ligtas
- 25:04ang kapaligiran at garantisadong may
- 25:07proteksyon para sa kanilang kinabukasan.
- 25:12Sunod ay ang conformity. Ang focus naman
- 25:15nito ay ang pagpapanatili ng kaayusan sa
- 25:17pamamagitan ng paggalang sa mga
- 25:19itinakdang batas at patakaran. Para sa
- 25:22taong may ganitong prinsipyo, ang mga
- 25:24pasaway o walang disiplina ay nagdudulot
- 25:27ng abala sa grupo. Kaya mas pipiliin
- 25:30niyang makipagtulungan ng maayos ayon sa
- 25:32napagkasunduang protocol. Mahalaga ang
- 25:35ganitong pananaw sa mga larang
- 25:37nangangailangan ng mataas na kalidad at
- 25:39zero mistakes tulad ng operasyon sa
- 25:41pabrika, engineering o pamamahala ng
- 25:45seguridad.
- 25:47Ikawalo ang tradition. Ito naman ang
- 25:50pagpapahalaga na nag-uugnay sa atin sa
- 25:52ating kasaysayan, kultura at
- 25:54pananampalataya.
- 25:56Para sa taong may mataas na tradisyon,
- 25:58ang makabagong pagbabago na walang
- 26:00malalim na basehan ay madalas na hindi
- 26:03kapananiwala.
- 26:04Mas mahalaga sa kanya ang protektahan
- 26:06ang mga nakagawiang scing o recipe ng
- 26:09pamilya. Napakayaman ng value na ito
- 26:12para sa mga taong gustong magtayo ng mga
- 26:14tradisyonal na negosyo, pangangalaga sa
- 26:17mga katutubong produkto o pagsisilbi sa
- 26:20mga institusyong pangrehiyon.
- 26:24Pang Siam ang benevolence. Ito ang
- 26:26pagpapahalaga na nakatutok sa kapakanan
- 26:29at kaligayahan ng ating inner circle o
- 26:32mga taong direkta nating nakakasama.
- 26:35Madaling mapansin ang value na ito dahil
- 26:37ang tao ay hindi marunong magdamot.
- 26:39Palagi niyang iniisip kung paano siya
- 26:41makakatulong sa pamilya o sa kanyang mga
- 26:44kapangkat upang sabay-sabay na gumaan
- 26:46ang kanilang pasanim. Ang ganitong uri
- 26:48ng tao ay napakahalaga sa anumang team o
- 26:51negosyo dahil sila ang nagbibigay ng
- 26:53puso, nagtataguyid ng malasakit. at
- 26:56nagpapanatili ng pagkakaisa sa paggawa.
- 27:01At ang huli ay ang universalism. Ito ang
- 27:03pinakamalawak na value dahil lumalagpas
- 27:06ito sa pamilya o kaibigan. Sakop nito
- 27:08ang kabutihan ng buong sangkatauhan at
- 27:11ng mundo. Para sa isang taong may
- 27:13ganitong paninindigan, ang kanyang mga
- 27:15gawa, negosyo o freelancing projects ay
- 27:18dapat laging may social impact o
- 27:20positibong ambag sa kapaligiran at
- 27:23lipunan. Ito ang dahilan kung bakit may
- 27:25mga social entrepreneurs o mga manunulat
- 27:28na nagtatagumpay dahil ang layunin ng
- 27:30kanilang paggawa ay ang iwanang mas
- 27:32mabuti at mas patas ang mundo para sa
- 27:35lahat.
- 27:38Ang tagumpay ay hindi lang nasusukat sa
- 27:40laki ng sweldo katayuang pinansyal. Ang
- 27:44tunay na makahulugang pamumuhay ay kapag
- 27:46ang trabaho mo gabi-gabi ay nagpapatulog
- 27:49sa iyo ng may kapayapaan dahil
- 27:51hinding-hindi mo inapakan ang iyong
- 27:53sariling pagpapahalaga o values.
- 27:58Ang huling salik na dapat nating tingnan
- 28:00ng buong katapatan ay ang katayuang
- 28:02pinansyal. Mga bata, hindi ito para
- 28:05panghinaan kayo ng loob. Ito ay para
- 28:08magkaroon kayo ng matalinong diskarte.
- 28:10Una, kailangan ang kakayahan ng pamilya.
- 28:13Dito papasok ang reality check sa income
- 28:16ng magulang sa distansya ng paaralan na
- 28:18pwedeng magastos sa pamasahe o dorm at
- 28:21sa mga hidden costs gaya ng internet,
- 28:24laptop o mga tool sa napiling kurso o
- 28:27negosyo. Ito ang pangunahing
- 28:29konsiderasyon kung kailangan limitahan
- 28:32ang pagpili ng landas batay lamang sa
- 28:34kung ano ang kayang tustusan ng pamilya
- 28:36sa kasalukuyan. Makikita ang bigat ng
- 28:39salik na ito kapag binibilang ang bawat
- 28:41senti mo para sa pamasahe, renta sa dorm
- 28:45o pambili ng mga kagamitang kailangan sa
- 28:47napiling career. Kasunod ang pagtimbang
- 28:50sa opportunity cost. Para sa ilan ang
- 28:54apat na taon sa kolehiyo ay
- 28:55nangangahulugang apat na taon din walang
- 28:58maiaambag na kita sa bahay. Kaya
- 29:01kailangang pag-isipan didiretso ba sa
- 29:03kolehiyo? Maghahanap muna ng mabilisang
- 29:06trabaho o pagsasabayin ba ang dalawa
- 29:08bilang working student? Ngunit tandaan,
- 29:11hindi rito nagtatapos ang pangarap dahil
- 29:14may mga alternatibong solusyon. Kung
- 29:16masikip ang budget, nandiyan ang mga
- 29:18state universities na walang tuition,
- 29:21mga scholarship mula sa gobyerno tulad
- 29:23ng DOST at Cheed o mga programa tulad ng
- 29:27study now pay later o mga allowance
- 29:30grants mula sa inyong mga munisipyo.
- 29:32Lumilitaw ang kahalagahan nito sa
- 29:34paghahanap ng mga financial extenders o
- 29:37tulong gaya ng scholarship upang hindi
- 29:39mapatigil sa pangarap dahil lamang sa
- 29:42kakulangan ng pondo. Ang tawag dito ay
- 29:45diskarte.
- 29:48Bilang pagtatapos sa ating talakayan
- 29:50tungkol sa mga salik sa pagpili ng
- 29:52karera, tandaan natin ang mahalagang
- 29:54aral na ito. Ang paghinto at pag-iisip
- 29:57ng iyong talino, hilig, pagpapahalaga at
- 30:00katayuang pinansyal ay hindi pag-aaksaya
- 30:03ng oras. Ito ay ang pagtitiyak na ang
- 30:06papasukin mong pinto ay talagang para sa
- 30:08iyo. May tuturing na matagumpay ang
- 30:10pagkilala sa sarili kung ang landas na
- 30:13tatahakin ay hindi lamang base sa dikta
- 30:15ng iba kundi sa kombinasyon ng iyong
- 30:18kakayahan, hilig at realidad. Kapag ang
- 30:21iyong trabaho o kurso ay swak sa iyong
- 30:23tunay na pagkatao, hindi ka na
- 30:25kailangang pilitin pang bumangon sa
- 30:27umaga. Ang motibasyon ay kusang lalabas
- 30:30dahil mahal mahal mo ang iyong ginagawa
- 30:32at kampante ka sa iyong landas. Lilitaw
- 30:35ang tunay na sigla sa paggawa kapag ang
- 30:37araw-araw na gawain ay nagbibigay ng
- 30:40inspirasyon sa halip na pagod. Sa huli,
- 30:43ang layunin natin ay hindi lang
- 30:45makahanap ng trabahong may sweldo kundi
- 30:48makahanap ng bokasyon na magbibigay sa
- 30:50iyo ng positibong pakiramdam, kasiyahan
- 30:53at tunay na kahulugan sa buhay.
- 30:55Masasalamin ang tamang desisyon sa
- 30:57pagkakaroon ng kapayapaan ng isip at
- 31:00pagmamalaki sa bawat hakbang na ginagawa
- 31:03para sa kinabukasan.
- 31:26K
- 32:19At hanggang dito lamang po ang ating
- 32:20aralin para sa araw na ito. Sana po ay
- 32:23may natutuan kayo. Salamat po sa
- 32:25panonood at pakikinig. Paalam. M.
About this transcript
This page contains the full transcript of VE 9 - Term 1 - Lesson 2b - Mga Salik sa Pagpili ng Karera Ayon sa Gabay ng Pamilya by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 4,387 words across 742 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.
What you can do with it
Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.
Free YouTube transcript tool
YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.