VE 10 - Term 2 - Lesson 8c - Makataong Kilos Gabay ang Pamilya Tungo sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa — Transcript
Full transcript
- 0:02Values Education 10 Term 2 Learning
- 0:04Competency 8C na isa sa kilos ang
- 0:06makataong kilos, gabay ang pamilya tungo
- 0:08sa makabuluhang pakikipagkapwa.
- 0:12Ang gabay ng pamilya ang
- 0:13pinakamahalagang sangkap sa paghubog ng
- 0:16ating mga makataong kilos. May tatlong
- 0:18paraan kung paano tayo ginagabayan. Una,
- 0:21sa pamamagitan ng pagtuturo.
- 0:23Hindi lang ito basta utos. Ito ay ang
- 0:25paglilipat ng mga tamang values at gawi
- 0:28mula sa magulang patungo sa anak.
- 0:31Pangalawa, ang pagbibigay ng suporta at
- 0:33pagmamahal.
- 0:34Ito ang aspetong nagbibigay sa atin ng
- 0:36emosyonal na lakas. At pangatlo, ang
- 0:38pagpapakita ng tamang halimbawa.
- 0:41Dito pumapasok ang modeling, ang paggawa
- 0:43ng magulang sa kung ano ang kanilang
- 0:45itinuturo.
- 0:48Pagtuturo ng halaga at pag-uugali.
- 0:51Ang pamilya ang pundasyon. Ibig sabihin,
- 0:53ang lahat ng kabutihang nakikita sa atin
- 0:55sa labas ay nagsisimula sa mga itinanim
- 0:58na aral sa loob ng bahay. Dito natin
- 1:00nakukuha ang ating mga prinsipyo. Ang
- 1:03mga kaisipang ito ang ginagamit nating
- 1:05mapa upang malaman kung alin ang tama at
- 1:08mabuting pasya sa gitna ng maraming
- 1:10pagpipilian.
- 1:13Pagbibigay ng suporta at pagmamahal.
- 1:16Ang suporta at pagmamahal ay nagbibigay
- 1:18ng seguridad.
- 1:19Kapag alam ng isang tao na mahal siya at
- 1:21suportado siya ng kanyang pamilya, hindi
- 1:24siya madaling matatakot na gumawa ng
- 1:26tama.
- 1:27Nagbubunga rin ito ng kompiyansa
- 1:29dahil may matatag kang basehan sa bahay,
- 1:31mas nagiging matapang kang kumilos na
- 1:33may integridad kahit mahirap ang
- 1:35sitwasyon.
- 1:38Pagpapakita ng mabuting halimbawa.
- 1:41Ang mga halimbawang nakikita natin sa
- 1:43ating mga magulang ang nagtuturo sa atin
- 1:45kung paano maging responsableng
- 1:47mamamayan. Kung nakikita nating
- 1:49sinusunod nila ang batas, susunod din
- 1:51tayo.
- 1:52Dito rin natin natututuhan ang empathy.
- 1:54Kapag nakita nating may malasakit ang
- 1:56ating pamilya sa ibang tao, automatic
- 1:58nating nadadala ang iyon sa ating
- 2:00pakikipagkapwa.
- 2:04Matapos tayong hubugin sa loob, paano
- 2:06naman ito lumalabas? May tatlong
- 2:08pangunahing bunga ang gabay ng pamilya
- 2:10sa ating pakikitungo sa iba. Una, ang
- 2:12kahalagahan ng paggalang sa ating kapwa.
- 2:15Pangalawa, ang pagiging tapat at
- 2:17mapagkakatiwalaan sa lahat ng
- 2:18pagkakataon.
- 2:19At pangatlo, ang pagkakaroon ng
- 2:21malasakit at pagkukusang tulong sa mga
- 2:23nangangailangan.
- 2:26Ang unang epekto ng paggabay ng ating
- 2:28mga magulang sa ating pakikipagkapwa ay
- 2:31ang pagkakaroon natin ng paggalang sa
- 2:33kapwa o ang pagkilala natin sa kanilang
- 2:35dignidad.
- 2:36Sa pakikipagkapwa, ang paggalang ay ang
- 2:38pagkilala na ang bawat tao ay may likas
- 2:40na halaga. Hindi mo tinitingnan ang
- 2:42yaman o posisyon kundi ang pagiging tao
- 2:45nila.
- 2:46Ang paggalang na natutuhan nating sa
- 2:47loob ng bahay gaya ng pagtrato sa mga
- 2:49kapatid at magulang ang siya nating
- 2:51ginagamit upang mapanatili ang kaayusan
- 2:53sa ating lipunan.
- 2:57Ang ikalawang bunga ng paggabay ng ating
- 2:59pamilya sa atin ay ang pagiging tapat at
- 3:01pagiging mapagkakatiwalaan.
- 3:04Ang katapatan ay ang pundasyon ng trust
- 3:05o tiwala.
- 3:07Natutuwa nating maging matapat sa salita
- 3:08at sa gawa dahil iyon ang pundasyong
- 3:10itinanim sa atin. Mahalaga ito dahil
- 3:13kung walang katapatan, masisira ang
- 3:15ugnayan. Sa paaralan o sa trabaho, ang
- 3:17taong tapat ay iginagalang at
- 3:19pinagkakatiwalaan ng lahat.
- 3:23At ang ikatlong bunga ng paggabay ng
- 3:25ating pamilya sa ating pakikipagkapwa ay
- 3:28ang pagmamalasakit at pagtulong sa iba.
- 3:30Dito natin ipapakita ang diwa ng
- 3:32pagtulong ng walang hinihintay na
- 3:34kapalit. Ito ang pagkukusa na magbigay
- 3:36ng serbisyo sa ating komunidad.
- 3:39Ang malasakit ang nagtutulak sa atin na
- 3:41huwag maging makasarili. Pinapaalala
- 3:43nito sa atin na ang ating mga kilos ay
- 3:45may epekto sa kapakanan ng ating kapwa.
- 3:50Ano ang magiging tunguhin natin
- 3:51pagkatapos ng lahat ng ito?
- 3:53Ang pinakalayunin o tunguhin ng lahat ng
- 3:55ito ay ang maging responsableng
- 3:57mamamayan. Ang taong may disiplina sa
- 3:59sarili ay asset ng lipunan. Higit sa
- 4:02lahat ang pagkakaroon ng empathy,
- 4:04ang kakayahang makiramdam at umunawa sa
- 4:06iba ang nagbubunga ng mas maganda at
- 4:08makabuluhang pakikisalamuha.
- 4:13Bago tayo magwakas ay basahin natin ang
- 4:15mensaheng ito. Ang maayos na ugnayan sa
- 4:17loob ng pamilya ay naghahanda sa atin na
- 4:19maging matatag sa pagharap sa mga hamon
- 4:22ng buhay. Ito ang tandaan nating ang
- 4:24gabay ng pamilya ay hindi para sa loob
- 4:26lang ng bahay kundi para sa ating
- 4:28pagharap sa totoong mundo.
- 4:32At hanggang dito lamang po nagtatapos
- 4:33ang ating aralin. Sana po ay matutuwa
- 4:35kayo. Salamat po sa panonood at
- 4:37pakikinig. Paalam.
About this transcript
This page contains the full transcript of VE 10 - Term 2 - Lesson 8c - Makataong Kilos Gabay ang Pamilya Tungo sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 682 words across 125 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.
What you can do with it
Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to choose a caption track available on the video.
Free YouTube transcript tool
YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, caption language selection, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.