YouTube2Text

VE 10 - Term 2 - Lesson 8b - Makataong Kilos Gabay ang Pamilya Tungo sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa — Transcript

by Serdyan · 1,303 words · 226 segments · language en · Watch on YouTube

Full transcript

  1. 0:10ng ugnayan na may pagpapahalaga sa
  2. 0:12dignidad ng tao at kusang pagpapasya na
  3. 0:14may pagsasaalang-alang sa kabutihan ng
  4. 0:16lahat.
  5. 0:19Ngayong alam na natin ang mga salik na
  6. 0:21nagpapabago sa ating mga kilos, dumako
  7. 0:23naman tayo sa ating gabay. Ayon sa
  8. 0:25konsepto ni Dr. Kenneth Ginesberg, ang
  9. 0:27pamilya ay maihahambing sa isang parola
  10. 0:29o lighthouse. Bakit lighthouse? Dahil
  11. 0:31ang isang lighthouse ay hindi lumalapit
  12. 0:33sa barko para pilitin itong dumaong. Sa
  13. 0:36halip, nagbibigay ito ng liwanag upang
  14. 0:38makita ng kapitan ang daan. Ang ating
  15. 0:40mga magulang ang nagbibigay ng liwanag,
  16. 0:43ang mga turo at disiplina upang hindi
  17. 0:45tayo sumadsad sa mga bato o magkamali ng
  18. 0:47landas.
  19. 0:48Sila ang unang humuhubog ng ating
  20. 0:50konsensya. Dito sa loob ng tahanan unang
  21. 0:53minomold ang ating kakayahang kumilala
  22. 0:55ng tama at mali bago pa man tayo lumabas
  23. 0:57sa mundo.
  24. 0:59Kaya bago pa tayo makipagkapwa-tao sa
  25. 1:00labas, ang pamilya ang ating
  26. 1:02nagsisilbing safe harbor at training
  27. 1:04ground ng ating mga makataong kilos.
  28. 1:07Sila ang nagbibigay sa atin ng pundasyon
  29. 1:09para maging matatag na kapitan ng sarili
  30. 1:11nating buhay.
  31. 1:14Ngayon, ano ba ang standard o sukatan
  32. 1:16kung ang kilos mo ay tama o mali? Ang
  33. 1:18sagot ay dignidad. Dito natin ibinabatay
  34. 1:21ang moralidad ng ating mga galaw. Sabi
  35. 1:23sa Universal Declaration of Human Rights
  36. 1:25at maging ni Thomas Aquinas, ang bawat
  37. 1:28tao ay may halagang hindi matatawaran.
  38. 1:30Bakit?
  39. 1:31Dahil tayo ay nilikhang may isip at
  40. 1:33kilos loob. Kaya naman ang bawat
  41. 1:35makataong kilos mo ay dapat laging
  42. 1:37nagpapakita ng paggalang sa dangal ng
  43. 1:39iyong kapwa.
  44. 1:42Gamitin nating halimbawa ang bullying.
  45. 1:44Itanong natin, makataong kilos ba ito?
  46. 1:46Ang sagot ay oo. Bakit? Dahil ginagamit
  47. 1:49ng bully ang kanyang isip sa pagpaplano
  48. 1:52at ang kanyang intensyon na manakit.
  49. 1:54Ngunit kahit ito ay makataong kilos, ito
  50. 1:56ay itinuturing na mali. Bakit na naman?
  51. 1:59Dahil ang
  52. 2:00ay direktang pag-atake at pagsira sa
  53. 2:02dignidad ng isang tao.
  54. 2:04Ang tunay na makataong kilos ay dapat
  55. 2:06nag-aangat, hindi nagpapababa ng dangal
  56. 2:09ng ating kapwa.
  57. 2:12Tingnan natin ang social media shaming.
  58. 2:14Isipin ninyo, isang estudyante ang
  59. 2:16nag-video sa kanyang kaklase na
  60. 2:18nagkamali o nabulol sa recitation at
  61. 2:20ipinost niya ito para maging viral o
  62. 2:22katatawanan. Itanong natin, makataong
  63. 2:25kilos ba ito? Ang sagot ay oo dahil
  64. 2:27hindi ito aksidente. Pinag-isipan ang
  65. 2:30pag-record at may intensyon o will ang
  66. 2:32nag-post na ipakita ito sa mundo.
  67. 2:34Dito natin makikita ang epekto sa
  68. 2:35dignidad.
  69. 2:37Kahit sabihin nating trip o joke lang
  70. 2:38ito, ang kilos na ito ay mali dahil
  71. 2:40tinatapakan nito ang dangal ng biktima.
  72. 2:43Ayon sa ating tinalakay, ito ay
  73. 2:45halimbawa ng consequent passion. Pinili
  74. 2:47nating pakainin ng ating ego o
  75. 2:49kagustuhang sumikat kaysa sa paggalang
  76. 2:51sa ating kapwa.
  77. 2:53Tandaan, ang pagiging cool sa social
  78. 2:55media ay hindi sapat na dahilan para
  79. 2:57gumawa ng kilos na nakakasira ng
  80. 2:59pagkatao ng iba.
  81. 3:02Tingnan naman natin ang isa pang kaso
  82. 3:03tungkol sa katapatan. Gutom na gutom na
  83. 3:06si Ramoniko, wala siyang pera at nakita
  84. 3:08niyang walang bantay sa kantin. Walang
  85. 3:10makakakita kung kukuha siya ng tinapay.
  86. 3:13Dito natin makikita ang tunay na lakas
  87. 3:14ng tao. Ginamit ni Arturito ang kanyang
  88. 3:17isip para timbangin ang sitwasyon. Gutom
  89. 3:19ako pero mali ang kumuha ng hindi akin
  90. 3:22at ginamit niya ang kanyang kilos-loob
  91. 3:23para panindigan ang tama.
  92. 3:25Ito ang epekto ng lighthouse o ang gabay
  93. 3:27ng pamilya. Kahit walang pulis o CCTV,
  94. 3:30ang kanyang konsensya na hinubog sa
  95. 3:32tahanan ang nagsilbing liwanag niya para
  96. 3:34hindi siya sumadsad sa maling desisyon.
  97. 3:37Ipinapakita nito na ang tunay na
  98. 3:38kalayaan ay hindi ang paggawa ng gusto
  99. 3:40mo kundi ang pagkakaroon ng lakas na
  100. 3:43gawin ng tama kahit sa gitna ng
  101. 3:45matinding pangangailangan.
  102. 3:48At para sa huling kaso, tungkol sa peer
  103. 3:50pressure.
  104. 3:51Pinipilit si Jolly Cor ng kanyang mga
  105. 3:53kaibigan na subukan ang bisyo. Natatakot
  106. 3:55siyang mabuli o mawalan ng kaibigan kaya
  107. 3:57sumunod siya kahit alam niyang may mali.
  108. 4:00Makataong kilos ba ito? Oo kasi ginawa
  109. 4:03pa rin niya. Pero ayon kay Aristotle at
  110. 4:05Aquinas, ang pananagutan ni Jollibee ay
  111. 4:08nababawasan, limited, dahil sa salik ng
  112. 4:10takot.
  113. 4:11Ang kanyang kilos-loob ay
  114. 4:12naimpluwensyahan ng banta ng kanyang mga
  115. 4:15barkada.
  116. 4:16Dito natin makikita na ang takot ay
  117. 4:17isang modifier na sumisira sa ating
  118. 4:20kakayahang magpasya ng malaya.
  119. 4:22Nawala ang paggalang ni Jollibee sa
  120. 4:23kanyang sariling dignidad dahil mas
  121. 4:25pinahalagahan niya ang sasabihin ng
  122. 4:27ibang tao.
  123. 4:28Ang hamon sa atin, paano tayo
  124. 4:30mananatiling kapitan ng ating kilos kung
  125. 4:32ang paligid natin ay pilit tayong
  126. 4:34inililigaw ng landas?
  127. 4:38Maraming naliligaw sa salitang kalayaan.
  128. 4:40Madalas nating isipin na ang pagiging
  129. 4:42malaya ay ang kakayahang gawin ang lahat
  130. 4:44ng gusto mo.
  131. 4:45Pero sa slide na 'to, hihimayin natin
  132. 4:47ang malaking pagkakaiba ng gusto ko lang
  133. 4:49sa pinili kong gawin dahil ito ang tama.
  134. 4:52Dito sa kaliwa, makikita natin ang
  135. 4:54maling akala.
  136. 4:55Ito 'yung kalayaang nakasentro lang sa
  137. 4:57sarili.
  138. 4:58Kapag galit ka at nanigaw ka dahil gusto
  139. 4:59mo lang o kapag nag-skip ka ng klase
  140. 5:01dahil pansariling aliw lang ang habol
  141. 5:03mo, hindi katotunay na malaya.
  142. 5:06Ayon kay Aristotle, instinct o emosyon
  143. 5:08lang ang nagpapatakbo sa 'yo, para kang
  144. 5:10sasakyang walang preno. Sunod ka lang
  145. 5:12kung saan ka dalhin ng damdamin mo.
  146. 5:14Ngayon, tingnan naman natin ang kanan.
  147. 5:16Ang tunay na kalayaan,
  148. 5:18ito ang kalayaan para sa kabutihan.
  149. 5:20Hindi ito basta-basta. Dumaan ito sa
  150. 5:22deliberation o masusing pag-iisip.
  151. 5:25Dito tinatanong mo ang sarili mo, ito ba
  152. 5:27ang mabuti? Ito ba ang tama? May
  153. 5:29pananagutan ka rito kasi alam mong ang
  154. 5:31desisyon mo ay hindi lang para sa iyo,
  155. 5:33kundi para sa kabutihan ng lahat.
  156. 5:36Kaya tandaan natin ang linyang ito sa
  157. 5:38baba.
  158. 5:39Ang tunay na kalayaan ay hindi ang
  159. 5:40paggawa ng gusto, kundi ang pagpili sa
  160. 5:43mabuti. Ang hayop kapag nag-utom, kakain
  161. 5:45agad, instinct 'yun. Pero ang tao, kahit
  162. 5:48gutom, kayang maghintay at mag-isip kung
  163. 5:50ang pagkain ba ay sa kanya o sa iba.
  164. 5:52Iyan ang deliberate free will.
  165. 5:58Ang tunay na kalayaan ay pagpili sa
  166. 5:59mabuti.
  167. 6:01Pero bakit? Para kanino?
  168. 6:03Makikita natin sa slide na 'to na ang
  169. 6:05bawat
  170. 6:05kilos natin ay may ripple effect sa
  171. 6:07buong mundo.
  172. 6:08Hindi lang ito teorya. Ayon sa World
  173. 6:11Report on Violence Against Children, ang
  174. 6:13mga maling makataong kilos tulad ng
  175. 6:15karahasan at bullying ay hindi lang
  176. 6:17panandaliang sakit. Sinisira nito ang
  177. 6:19pundasyon ng dignidad ng isang tao na
  178. 6:21minsan ay bitbit pa nila habang buhay.
  179. 6:23Ang bawat kilos na walang pakundangan ay
  180. 6:25isang pag-atake sa sangkatauhan. Sa
  181. 6:28kabilang banda, ang UNESCO ay
  182. 6:30nananawagan para sa cultural diversity.
  183. 6:32Kapag pinili nating gumalang sa taong
  184. 6:34iba ang paniniwala, iba ang itsura o iba
  185. 6:37ang katayuan sa buhay, gumagawa tayo ng
  186. 6:39isang makataong kilos na nagtataguyod ng
  187. 6:41pandaigdigang kapayapaan. Ang pagtanggap
  188. 6:44ay isang choice, isang deliberate
  189. 6:46choice. Kaya mga mag-aaral, huwag nating
  190. 6:49isipin na ako lang naman ito, maliit na
  191. 6:51bagay lang ito. Ang bawat desisyon mo na
  192. 6:54gumawa ng mabuti ay isang boto para sa
  193. 6:56isang mas makataong mundo.
  194. 6:58Ang kilos mo ay hindi lang para sa iyo,
  195. 7:00ito ay para sa ating lahat.
  196. 7:04Bilang pagtatapos sa ating talakayan sa
  197. 7:06aralin na ito, narito ang mahahalagang
  198. 7:08paghihinuha na dapat nating ibaon sa
  199. 7:10ating pag-uwi.
  200. 7:11Sabi natin ang pamilya ang ating
  201. 7:13lighthouse. Kapag hinayaan nating ang
  202. 7:15mga turo at pagpapahalagang nakuha natin
  203. 7:17sa ating tahanan ang magsilbing gabay,
  204. 7:20hindi tayo maliligaw. Bakit? Dahil ang
  205. 7:22tunay na turo ng pamilya ay laging
  206. 7:24naka-angkla sa paggalang sa dignidad ng
  207. 7:26kapwa.
  208. 7:27Paalala sa atin ni Thomas Aquinas sa
  209. 7:29kanyang konsepto ng natural law, ang
  210. 7:31ating isip at kilos-loob ay ibinigay sa
  211. 7:33atin hindi para sa pansariling agenda
  212. 7:36lang kundi para itaguyod ang kabutihan
  213. 7:38panlahat.
  214. 7:39Ang bawat makataong kilos natin ay dapat
  215. 7:41naglalapit sa atin sa pagiging mas
  216. 7:43mabuting tao.
  217. 7:44Kaya mga mag-aaral, sa susunod na
  218. 7:46kailangan mong pumili, huwag mong
  219. 7:48itanong kung ano ang gusto ko. Sa halip
  220. 7:50itanong mo, ito ba ang kilos ng isang
  221. 7:53taong may dignidad? Ito ba ang kilos na
  222. 7:55magpapasalamat ang mundo?
  223. 8:00At hanggang dito na lamang po ang ating
  224. 8:01aralin para sa araw na ito. Sana po ay
  225. 8:03may natutunan kayo. Salamat po sa
  226. 8:05panonood at pakikinig. Paalam.

About this transcript

This page contains the full transcript of VE 10 - Term 2 - Lesson 8b - Makataong Kilos Gabay ang Pamilya Tungo sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 1,303 words across 226 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.

What you can do with it

Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to choose a caption track available on the video.

Free YouTube transcript tool

YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, caption language selection, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.