YouTube2Text

VE 10 - Term 2 - Lesson 8a - Makataong Kilos Gabay ang Pamilya Tungo sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa — Transcript

by Serdyan · 4,372 words · 704 segments · language en · Watch on YouTube

Full transcript

  1. 0:01Vales Education 10 term 2 learning
  2. 0:03competency 8A nasusuri ang mga makataong
  3. 0:06kilos gabay ang pamilya tungo sa
  4. 0:08makabuluhang pakikipagkapwa
  5. 0:12bago tayo magsimula, tatanungin ko muna
  6. 0:13kayo. Dapat bang panagutan ng tao ang
  7. 0:16lahat ng kanyang kinikilos? Para masagot
  8. 0:18yan, dapat maunawaan natin na merong
  9. 0:20dalawang kategorya ang ating mga kilos.
  10. 0:23Ayon sa filosofya, partikular na sa
  11. 0:25larangan ng etika, ang mga kilos natin
  12. 0:27ay nahahati sa dalawa. kilos ng tao o
  13. 0:30acts of men at makataong kilos o human
  14. 0:33acts. Marahil ay itatanong ninyo, bakit
  15. 0:35pa kailangan lagyan ng label ang ating
  16. 0:37mga ginagawa? Ito'y dahil ang ating
  17. 0:39moralidad at pagkatao ay hindi nasusukat
  18. 0:41sa mga bagay na ginagawa natin ng kusa
  19. 0:43at automatic. Sa halip, ito ay nasusukat
  20. 0:46sa mga kilos na pinili nating gawin ng
  21. 0:48may sapat na kaalaman at malayang
  22. 0:50kagustuhan. Sabi nga ni Ramon Agapay,
  23. 0:53"Ang uri ng tao sa kasalukuyan at sa
  24. 0:54hinaharap ay nakasalalay sa kanyang mga
  25. 0:57kilos. Kaya sa aralin natin ngayon,
  26. 0:59bubuksan natin ang pinto upang maunawaan
  27. 1:01kung kailan ka may kontrol sa iyong
  28. 1:03sarili at kailan ka may pananagutan sa
  29. 1:05iyong mga ginagawa.
  30. 1:08Magsimula tayo sa unang uri ng kilos.
  31. 1:10Ang kilos ng tao o acts of men. Ang mga
  32. 1:13ito ay tumutuky sa mga kilos na
  33. 1:15nagaganap sa tao o ginagawa natin ng
  34. 1:17hindi sinasadya at walang kaakibat na
  35. 1:19kamalayan. Sa madaling salita, ito ay
  36. 1:21ang mga automatic na reaksyon o proseso.
  37. 1:24Bakit ito nagaganap? Dahil ang mga ito
  38. 1:26ay bunga ng ating kalikasan bilang tao.
  39. 1:29Ito ay ang mga biological at
  40. 1:30physiological na proseso na kailangan ng
  41. 1:32ating katawan upang manatiling buhay at
  42. 1:34maayos ang takbo. Halimbawa nito ay ang
  43. 1:36paghinga, ang pagtibok ng ating puso,
  44. 1:39ang pagkurap ng ating mga mata o ang
  45. 1:41paggalaw ng ating mga bituka para
  46. 1:43tumunaw ng pagkain.
  47. 1:46Sa mga kilos na ito, walang konsepto ng
  48. 1:48moralidad. Ibig sabihin, ang paghinga o
  49. 1:51pagkurapt ng ating mata ay hindi mo
  50. 1:52maaaring tawaging mabuti o masama. Ito
  51. 1:55ay mga amoral na gawain sapagkat wala
  52. 1:58itong kinalaman sa ating pagpili sa
  53. 2:00pagitan ng tama at mali. Bakit nga ba
  54. 2:02wala itong moral na bigat? Gamitin natin
  55. 2:04ang isang simpleng formula na ito.
  56. 2:06Walang isip plus walang kilos loob
  57. 2:08equals walang pananagutan. Dahil ang mga
  58. 2:11kilos na ito ay kusa at hindi dumaan sa
  59. 2:13proseso ng deliberasyon ng ating isip at
  60. 2:15hindi rin ito pinili o niloob ng ating
  61. 2:17kalayaan, automatikong wala ring
  62. 2:19pananagutan ang tao rito. Hindi ka
  63. 2:21pwedeng sisihin at hindi ka rin pwedeng
  64. 2:23purihin sa mga kilos na nagaganap lamang
  65. 2:25bilang bahagi ng iyong kalikasan. Sa
  66. 2:28madaling salita, kung saan nagtatapos
  67. 2:30ang iyong kamalayan at pagpapasya, doon
  68. 2:32din nagtatapos ang iyong moral na
  69. 2:33pananagutan.
  70. 2:36Upang higit nating maunawaan ang
  71. 2:37konseptong ito, narito ang ilang mga
  72. 2:39konkretong halimbawa ng kilos ng tao na
  73. 2:41nararanasan nating lahat. Una, ang mga
  74. 2:44biological na proseso at reflexes.
  75. 2:46Isipin natin ang ating paghinga, ang
  76. 2:48pagdibok ng ating puso o ang bawat
  77. 2:50pag-corup ng ating mga mata. Kasama rin
  78. 2:52dito ang tinatawag nating mannerisms.
  79. 2:54Yong mga maliliit na galaw ng katawan na
  80. 2:56nakasanayan na nating gawin ng hindi na
  81. 2:58natin namamalayan. Gayon din ang mga
  82. 3:00biglaang reaksyon gaya ng pagkagulat,
  83. 3:02ang pagtawa o ang pag-iyak na hindi
  84. 3:04natin sinasadya o pinaplano. Ang mga ito
  85. 3:06ay kusang lumalabas bilang tugon sa
  86. 3:08ating nararamdaman sa partikular na
  87. 3:10sandali. Panghuli, kabilang din dito ang
  88. 3:13mga kilos ng isang sanggol ng mga taong
  89. 3:15tulog o nananaginip. Maging ang mga
  90. 3:17taong nawalan ng katwiran gaya ng mga
  91. 3:19baliw o yaong mga sobrang lasing na wala
  92. 3:21na sa tamang wisyo. Sa lahat ng mga
  93. 3:23halimbawang ito iisa ang ating
  94. 3:25mapapansin. Ang mga kilos na ito ay
  95. 3:27nagaganap ng wala ang ating intensyon o
  96. 3:30sadyang pagpili. Dahil dito, ang mga ito
  97. 3:33ay mananatiling natural na proseso
  98. 3:34lamang at hindi sakop ng ating moral na
  99. 3:37pananagutan. Dahil ang mga kilos na ito
  100. 3:39hindi dumaan sa ating isip at hindi
  101. 3:41pinili ng ating kilos loob, ang kilos ng
  102. 3:43tao ay itinuturing na neutral sa
  103. 3:45moralidad. Ibig sabihin, hindi tayo
  104. 3:48maaaring husgahan bilang mabuti o masama
  105. 3:50dahil lamang sa mga natural na prosesong
  106. 3:52ito ng ating katawan. Pero take note,
  107. 3:55kapag ang isang taong lasing sa alak o
  108. 3:57sa bawal na gamot ay nakagawa ng isang
  109. 3:59kilos lalo kung masama at nakaapekto sa
  110. 4:01kapwa, siya ay maaaring mapanagot lalo
  111. 4:04kung kagustuhan naman niya ang malasing
  112. 4:05sa alak o sa droga.
  113. 4:09Dumako naman tayo sa makataong kilos.
  114. 4:11Kabaligtaran ng kilos ng tao. Ang
  115. 4:13makataong kilos ay mga kilos na
  116. 4:15isinasagawa natin ng may ganap na
  117. 4:16kamalayan at tiyak na layunin. Dito
  118. 4:19hindi tayo basta-basta kumikilos dahil
  119. 4:21sa udyok ng kalikasan natin bilang tao.
  120. 4:24Sa halip, ginagamit natin ang ating isip
  121. 4:26upang suriin ang sitwasyon at ang ating
  122. 4:28kilos loob upang piliin ang ating
  123. 4:30gagawin. Dahil meron kang kaalaman at
  124. 4:32kalayaan sa iyong bawat pasya, sa iyo
  125. 4:34rin nakasalalay ang buong bigat ng
  126. 4:36pananagutan sa magiging bunga nito.
  127. 4:38Mabuti man o masama. Sa madaling salita,
  128. 4:41ang makataong kilos ay ang sining ng
  129. 4:43pagpapasya kung saan ikaw ang mismong
  130. 4:45mayakda ng iyong mga gawa.
  131. 4:49Upang higit nating maunawaan ang
  132. 4:50kalikasan ng makataong kilos, dapat
  133. 4:52nating tingnan ang tatlong mahahalagang
  134. 4:54katangian nito. Una, ang isang makataong
  135. 4:57kilos ay isinagawa ng hindi pinilit.
  136. 5:00Mayroon kang ganap na kalayaan at sapat
  137. 5:02na pag-unawa sa kung ano ang magiging
  138. 5:04kahihinatnan ng iyong gagawin. Hindi ka
  139. 5:06itinulak ng pagkakataon. Ikaw ang
  140. 5:09nagtulak sa iyong sarili. Ikalawa, ang
  141. 5:12kilos na ito ay dumaan sa masusing
  142. 5:14proseso ng pagtitimbang at pagpapasya.
  143. 5:16Bago mo isinagawa ang kilos, kumilos
  144. 5:19muna ang iyong isip upang suriin ang
  145. 5:21sitwasyon. Pinag-isipan mo ang bakit at
  146. 5:23ang paano bago ka nagpasya. Dahil dito,
  147. 5:27ang bawat makataong kilos ay maaaring
  148. 5:28hatulan bilang mabuti o masama. Dito
  149. 5:31nagkakaroon ng moral na halaga ang ating
  150. 5:33mga gawa. Halimbawa, ang iyong pag-aaral
  151. 5:36ng mabuti ay isang makataong kilos dahil
  152. 5:38pinili mong magsumikap para sa iyong
  153. 5:40kinabukasan. Ang pagtulong sa iyong
  154. 5:42kapwa ay makataong kilos dahil ninais
  155. 5:45mong maging bahagi ng kabutihan. Ngunit
  156. 5:48maging ang pagsisinungaling ay isa ring
  157. 5:49makataong kilos. sapagkat alam mong ito
  158. 5:52ay mali. Tinimbang mo ang sitwasyon
  159. 5:54ngunit pinili mo pa ring gawin ito. Sa
  160. 5:56madaling salita, dahil ikaw ang mayakda
  161. 5:58ng iyong kilos, ikaw rin ang tatanggap
  162. 6:00ng anumang hatol dito.
  163. 6:04Upang mas mapalalim natin ang ating
  164. 6:05pagsusuri sa makataong kilos, pag-aralan
  165. 6:08natin ang filosofiya ni Aristotel. Ayon
  166. 6:10sa kanya, hindi sapat na malaman lamang
  167. 6:12kung ang kilos ay makatao o hindi. Dapat
  168. 6:15din nating maunawaan ang antas ng
  169. 6:17kapanagutan o accountability ng tao sa
  170. 6:19kanyang ginagawa. Hinati ni Aristotel
  171. 6:22ang mga kilos sa tatlong kategorya base
  172. 6:24sa kung gaano kalaki ang kaalaman at
  173. 6:26kalayaan ng tao ang gumagawa nito. Ito
  174. 6:28ay ang kusang loob, kusang loob at
  175. 6:31walang kusang loob. Sa mga susunod na
  176. 6:33bahagi ng ating aralin, hihimayin natin
  177. 6:35ang bawat isa upang malaman ninyo kung
  178. 6:37kailan kayo dapat purihin, kailan kayo
  179. 6:39dapat sisihin at kailan maituturing na
  180. 6:41limitado ang iyong pananagutan.
  181. 6:45Simulan natin sa kusang loob o voluntary
  182. 6:47Act. Sa uring ito, ang gumagawa ng kilos
  183. 6:50o doer ay may malinaw na kaalaman sa
  184. 6:52kanyang ginagawa at siya mismo ang
  185. 6:54pumili ng kanyang ikikilos ng walang
  186. 6:56anumang pilit. Dahil ikaw ang may gusto,
  187. 6:59ikaw ang may ganap na pananagutan. Dito
  188. 7:01ang kilos na ito ay maaaring magbunga ng
  189. 7:03dalawang bagay. Una, ito ay kapuri-puri
  190. 7:05kung ang resulta ay maganda at tama.
  191. 7:07Ngunit ito ay kasuklamsuklam at
  192. 7:09nararapat na paninisi kung ang resulta
  193. 7:11ay masama. Sa madaling salita, dahil
  194. 7:13ginusto mo ito, sa'yo ang papuri ngunit
  195. 7:16sa'yo rin ang sisi.
  196. 7:19Upang higit nating maunawaan ng kusang
  197. 7:21loob, tingnan natin ang dalawang
  198. 7:22magkaibang mukha nito. Isang halimbawa
  199. 7:25na ang kilos na kapuri-puri ay ang
  200. 7:26pagpapasya na isauli ang isang napulot
  201. 7:28na pitaka sa may-ari nito. Kahit na ikaw
  202. 7:31mismo ay nangangailangan ng salapi,
  203. 7:33dahil pinili mo ang tama ng may ganap na
  204. 7:35kaalaman, karapatdapat ka sa pagkilala.
  205. 7:38Sa kabilang banda, ang isang kilos na
  206. 7:40kasuklam-suklam ay ang sinasadyang
  207. 7:42pagpapakalat ng fake news o paninira sa
  208. 7:44isang kapwa mag-aaral. Dahil alam mo ang
  209. 7:47epekto nito at malaya mo itong pinili sa
  210. 7:49iyo ang buong bigat ng paninisi at
  211. 7:51pananagutan.
  212. 7:54Ang ikalawang uri ay ang dikusang loob o
  213. 7:56involuntary act. Dito ang tao ay
  214. 7:59kumikilos sa ilalim ng dalawang
  215. 8:00kondisyon. Maaaring siya ay una pilitan
  216. 8:03lang dahil pinuwersa o kaya naman
  217. 8:06gumagawa siya ng may kamangmangan sa
  218. 8:08tunay na sitwasyon. Ang pinakamahalagang
  219. 8:10palatandaan ng dikusang loob ay ang
  220. 8:12pagkakaroon ng pagsisisi sa der. Ibig
  221. 8:14sabihin kung meron ka lang sanang sapat
  222. 8:17na kaalaman o lakas upang tumanggi mo
  223. 8:19sana ito gagawin. Dahil dito, ang kilos
  224. 8:22ay maaaring hindi ituring na kapuri-puri
  225. 8:25kung ito ay mabuti o hindi rin ganap na
  226. 8:27kasuklam-suklam kung ito ay masama dahil
  227. 8:29hindi ito ang iyong tunay na hangarin.
  228. 8:34Upang higit nating maunawaan ang
  229. 8:35kalikasan ng dikusang loob, suriin natin
  230. 8:38ang dalawang konkretong halimbawang ito.
  231. 8:40Sa unang sitwasyon, isipin na binigyan
  232. 8:42mo ng pagkain ang iyong kaibigan nang
  233. 8:44hindi mo namamalayang may sangkap pala
  234. 8:45itong ikapapahamak niya dahil hindi mo
  235. 8:48nabasa ang label. Dito ang kilos ay
  236. 8:51nagmula sa kamangmangan o kawalan ng
  237. 8:53sapat na impormasyon. Bagam't ikaw ang
  238. 8:55gumawa ng kilos, hindi mo hangad ang
  239. 8:58panganib sa iyong kaibigan. Ang iyong
  240. 9:00matinding pagsisisi matapos malaman ng
  241. 9:02nangyari, ang nagpapatunay na ito ay
  242. 9:04isang involuntary act. Sa ikalawang
  243. 9:06halimbawa naman, isipin na ikaw ay
  244. 9:08nakatayo sa gilid ng hagdan at bigla
  245. 9:10kang tinulak ng malakas ng isang
  246. 9:12kamag-aral mo. Dahil sa lakas ng tulak
  247. 9:14na ito, nabangga mo ang isang matanda at
  248. 9:16siya ay nahulog. Sa pagkakataong ito,
  249. 9:19ang kilos ay bunga ng pisikal na pwersa.
  250. 9:21Ang iyong katawan ay nagsilbing
  251. 9:23instrumento lamang ng pwersa ng iba.
  252. 9:25Wala kang kontrol at wala kang
  253. 9:27pagkakataong pumili. Sa parehong
  254. 9:29sitwasyon, makikita natin na ang mitsa
  255. 9:31ng kilos ay wala sa iyong malayang
  256. 9:33pagpapasya. Dahil dito, ang iyong
  257. 9:36pananagutan ay limitado o nawawala
  258. 9:38sapagkat ang iyong puso at isip ay hindi
  259. 9:40sumang-ayon sa naging masamang bunga ng
  260. 9:42pangyayari.
  261. 9:45Ngayon ay dumako naman tayo sa ikatlong
  262. 9:47uri ng kilos ayon kay Aristotel. Ang
  263. 9:49walang kusang loob o nonvoluntary act.
  264. 9:52Tingnan nating mabuti ang kondisyon dito
  265. 9:53para hindi tayo malito. Una, ang
  266. 9:55gumagawa ng kilos o ang doer ay maaaring
  267. 9:58nasa ilalim ng pamumuwersa. Ibig
  268. 10:00sabihin, may external force o physical
  269. 10:02na pwersang nagtulak sa kanya. O kaya
  270. 10:04naman gumagawa siya ng may kamangmangan.
  271. 10:06Hindi niya talaga alam ang ginagawa
  272. 10:08niya. Pero anong pinagkaiba nito sa
  273. 10:10dikusang loob o involuntary act na
  274. 10:11tinalakay natin kanina? Nasa reaksyon
  275. 10:14pagkatapos ng kilos. Sa walang kusang
  276. 10:16loob, walang pagsisisi sa panig ng
  277. 10:18gumagawa at siya ay indifferent o walang
  278. 10:21pakialam sa naging resulta. Bakit? Hindi
  279. 10:24dahil masama siyang tao o matigas ang
  280. 10:26puso niya kundi dahil wala talaga siyang
  281. 10:28kamalayan o kontrol sa nangyari. At
  282. 10:31kahit malaman pa niya ang resulta, hindi
  283. 10:32niya ito pinagsisihan o kinalulungkot.
  284. 10:37Para mas maintindihan natin ang walang
  285. 10:39kusang loob o nonvoluntary act, tignan
  286. 10:41natin ang dalawang halimbawang ito.
  287. 10:43Unang halimbawa, hindi mo alam na bawal
  288. 10:45pala ang pagkuha ng larawan sa loob ng
  289. 10:47museum. Nang malaman mo ito, hindi ka na
  290. 10:50nag-sorry o nagsisiman lang dahil natuwa
  291. 10:53ka sa ganda ng mga larawan. Bakit ito
  292. 10:55pumasok sa walang kusang loob? Tandaan
  293. 10:58natin ang dalawang sangkap. Una, nagawa
  294. 11:00mo ang kilos ng may kamangmangan. Hindi
  295. 11:03mo alam na bawal pa lang mag-picture.
  296. 11:05Ikalawa, nang nalaman mo na ang
  297. 11:07patakaran, hindi ka rin naman nagsisi at
  298. 11:09naging indifferent ka sa paglabag dahil
  299. 11:11mas nangibabaw ang tuwa mo sa mga kuha
  300. 11:13mong larawan. Dahil walang pagsisisi
  301. 11:15pagkatapos malaman ang pagkakamali,
  302. 11:18hindi ito di kusang loob o involuntary.
  303. 11:20Ito ay walang kusang loob o
  304. 11:22nonvoluntary. Ikalawang halimbawa naman
  305. 11:25dahil sa lindol naitulak mo ang TV ninyo
  306. 11:28at ito ay nabasag. Dito naman hindi
  307. 11:30kamangmangan ang dahilan kundi
  308. 11:32pamumuwersa o external force ang malakas
  309. 11:34na pagyanig ng lindol. Wala kang kontrol
  310. 11:37sa paggalaw ng lupa kaya tumama ang
  311. 11:39katawan mo sa TV. At syempre hindi mo
  312. 11:42rin naman pinagsisihan na nagalaw mo ang
  313. 11:43TV dahil hindi mo yun kagustuhan.
  314. 11:46Natural na pwersa ng kalikasan ang
  315. 11:48nagtulak sa iyo.
  316. 11:51Matapos nating himayin ang tatlong uri
  317. 11:53ng kilos, mahalagang talakain ang isa
  318. 11:55pang kategorya na madalas nating
  319. 11:56maranasan sa tunay na buhay ang
  320. 11:58tinatawag ni Aristotel na mixed acts.
  321. 12:01Bakit ito tinawag na mixed o pinaghalong
  322. 12:03kilos? Dahil sa mga sitwasyong ito, ang
  323. 12:06tao ay kumikilos sa ilalim ng matinding
  324. 12:08takot o banta. Sa isang banda, tila ito
  325. 12:11ay voluntary dahil ikaw ang nagpasya sa
  326. 12:13sandaling iyon. Ngunit sa kabilang
  327. 12:15banda, ito ay involuntary dahil hindi mo
  328. 12:17naman ito gagawin kung wala ang banta.
  329. 12:19Halin at suuriin natin kung paano
  330. 12:21naghahalo ang kalayaan at pamumwersa sa
  331. 12:23ganitong uri ng kilos.
  332. 12:27Paano natin susuriin ang mixed acts?
  333. 12:29Ayon kay Aristotel, ang mga ito ay mas
  334. 12:31malapit sa pagiging kusang loob sa
  335. 12:33partikular na sandali ng pagkilos.
  336. 12:35Bakit? Dahil ikaw pa rin ang nag-utos sa
  337. 12:37iyong katawan na gumalaw. Pinili mo ang
  338. 12:39isang lesser evil upang maiwasan ang
  339. 12:42isang mas malaking pinsala. Gayun pa man
  340. 12:45sa pangkalahatang pananaw ito ay
  341. 12:46tinuturing na kusang loob dahil ang
  342. 12:48iyong puso o will ay tutol sa ginagawa
  343. 12:51mo. Kung malaya ka lang hindi mo ito
  344. 12:53gagawin.
  345. 12:55Sa usaping moral ang iyong pananagutan
  346. 12:57ay nababawasan. Kinikilala ng batas at
  347. 13:00ng etika na ang iyong kalayaan ay
  348. 13:02limitado o compromise sa mga oras na
  349. 13:05iyon.
  350. 13:07Gamitin nating halimbawa ang tanyag na
  351. 13:09sitwasyon ni Aristotel tungkol sa isang
  352. 13:11kapitan ng barko. Sa gitna ng isang
  353. 13:13malakas na bagyo, nagpasya ang kapitan
  354. 13:15na itapon ang lahat ng kargamento upang
  355. 13:17gumaan ang barko at hindi ito lumubog.
  356. 13:19Ito ay isang mixed act. Kung titingnan
  357. 13:22ang sandaling iyon, voluntary ang
  358. 13:23pagtatapon dahil siya ang nagpasya.
  359. 13:25Ngunit involuntary ito sa kabuuan dahil
  360. 13:28walang matinong kapitan ang magtatapon
  361. 13:30ng kanyang karga kung payaapa pa ang
  362. 13:32dagat. Ginawa niya ito dahil sa banta ng
  363. 13:34kamatayan. Dito natin makikita na ang
  364. 13:36pananagutan ng kapitan sa pagkawala ng
  365. 13:38mga gamit ay nababawasan sapagkat ang
  366. 13:41kanyang kilos ay tugon lamang sa isang
  367. 13:43abnormal na sitwasyon upang protektahan
  368. 13:45ang mas mahalagang bagay ang buhay ng
  369. 13:48tao. Suriin natin ang isa pang
  370. 13:49napakalinaw na halimbawa ng Mixed
  371. 13:51Actwasyon ng isang bank manager sa gitna
  372. 13:54ng isang panloloob. Isipin na ang
  373. 13:56manager ay tinututukan ng baril at
  374. 13:58inuutusang ilabas ang lahat ng pera mula
  375. 14:00sa vault. Sa sandaling iyon, ang manager
  376. 14:03ay nahaharap sa isang mabigat na
  377. 14:04pagpili. Kung titingnan natin, ang
  378. 14:07pagbubukas niya ng vault ay voluntary o
  379. 14:09may pagkukusa dahil siya mismo ang
  380. 14:11pipindot ng code at maglalabas ng pera
  381. 14:13upang hindi siya mabaril. Subalit ang
  382. 14:15kilos na ito ay involuntary sa kabuuan
  383. 14:18sapagkat hindi niya ito gagawin sa
  384. 14:20ilalim ng normal na sitwasyon. Wala sa
  385. 14:22kanyang orihinal na will o kalooban ang
  386. 14:24magnakaw o mamigay ng pera ng bangko.
  387. 14:27Ginawa niya lamang ito dahil sa
  388. 14:28mantinding takot at ang tanging layunin
  389. 14:30niya ay ang mabuhay. Sa usaping moral at
  390. 14:33legal, ito ay isang mixed act. Bagam't
  391. 14:36may partisipasyon ang kanyang katawan sa
  392. 14:37kilos, ang kanyang pananagutan sa
  393. 14:39pagkawala ng pera ay nababawasan o
  394. 14:41tuluyang nawawala. Ipinapakita nito na
  395. 14:44ang kalayaan ng isang tao ay maaaring
  396. 14:46makompromiso kapag ang kanyang buhay ay
  397. 14:48nakataya na.
  398. 14:51Matapos nating pag-aralan ng mga uri ng
  399. 14:53kilos ayon kay Aristotel, dumako naman
  400. 14:55tayo sa kaisipan at teoria ni Thomas
  401. 14:58Aquinas. Ipinakilala niya ang tinatawag
  402. 15:00na modifiers of human acts. Ito ang mga
  403. 15:03salik na tila nagmo-modify o nagpapabago
  404. 15:06sa bigat ng ating pananagutan. Parang
  405. 15:08filter ito. Tinitingnan natin kung ang
  406. 15:10isang tao ay dapat bang managot ng buo o
  407. 15:13kung may mga rason para bawasan ang
  408. 15:15kanyang kasalanan. Mahalagang tandaan na
  409. 15:17ang ating isip at kilos loob ay hindi
  410. 15:19laging malaya o nasa rurok ng katwiran
  411. 15:21sa lahat ng pagkakataon. May mga panloob
  412. 15:24at panlabas na pwersa na maaaring
  413. 15:26magpalabo sa ating pagpapasya. Ayon sa
  414. 15:28pagsusuri ni Aquinas, may limang
  415. 15:30pangunahing salik na dapat nating
  416. 15:32isaalang-alang. Ang kamangmangan, ang
  417. 15:34masidhing damdamin, ang takot o fear,
  418. 15:37ang karahasan, at ang gawi o habit. Ang
  419. 15:40pag-aaral sa mga salik na ito ay
  420. 15:42mahalaga upang hindi tayo maging
  421. 15:43padalos-dalos sa paghatol. Sa halip,
  422. 15:46binibigyan tayo nito ng mas malalim na
  423. 15:48pangunawa sa human condition na ang
  424. 15:50pananagutan ay nakadepende sa antas ng
  425. 15:52kaalaman at kalayaang taglay ng tao sa
  426. 15:54sandaling ginagawa niya ang kilos.
  427. 15:59Simulan natin sa pinakakaraniwang salik.
  428. 16:01Ang kamangmangan. Ito ay ang kawalan o
  429. 16:03kakulangan ng kaalaman na dapat ay
  430. 16:05taglay ng isang tao bago siya gumawa ng
  431. 16:07isang moral na desisyon. Dahil ang isip
  432. 16:09ang nagbibigay ng liwanag sa ating mga
  433. 16:11kilos, kapag madilim o kulang ang
  434. 16:13kaalaman, ang ating pagpapasya ay
  435. 16:15nakokompromiso. Tandaan ninyo, may mga
  436. 16:18pagkakataon na ang isang maling kilos ay
  437. 16:20nagiging involuntary o di kusang loob
  438. 16:23dahil lamang sa bunga ito ng
  439. 16:25kamangmangan. Ngunit ang tanong, lahat
  440. 16:27ba ng hindi ko alam ay katanggap-tanggap
  441. 16:29na dahilan? Alamin natin sa mga susunod
  442. 16:31na slide.
  443. 16:34Ngayon, pag-aralan natin ang iba't ibang
  444. 16:36uri ng kamangmangan at tingnan natin
  445. 16:38kung paano nito mino-modify ang
  446. 16:40makataong kilos. Una ay ang Invincible
  447. 16:42Ignorance. Ito ang uri ng kamangmangan
  448. 16:45na hindi maaaring maiwaksi kahit anong
  449. 16:47pagsusumikap ang gawin mo. At dahil
  450. 16:49hindi mo rin alam na may kamangmangan ka
  451. 16:51sa pagkakataong ito. Dahil dito, ang
  452. 16:53kilos ay nagiging involuntary. Ang doer
  453. 16:56o ang nagkasala ay hindi papanagutin sa
  454. 16:58kahihinatnan ng kanyang kilos.
  455. 17:00Halimbawa, isang waiter ang
  456. 17:02nakapag-serve ng pagkaing may lason.
  457. 17:04Kung wala siyang kaalaman na kontaminado
  458. 17:06ang pagkain at wala siyang paraan para
  459. 17:07malaman nito, hindi siya ang dapat
  460. 17:09sisiin sa aksidente. At sa naturalesa o
  461. 17:12sa tunay na pangyayari, hindi naman
  462. 17:15talaga trabaho ng waiter na magtanong sa
  463. 17:17chef kung malinis ba o may lason ang
  464. 17:18pagkaing ise-serve niya. Ikalawa naman
  465. 17:21ay ang vinsi ignorance. Ito ay ang
  466. 17:23kamangmang maaaring maiwaksi o labanan
  467. 17:26gamit ang simpleng paraan gaya ng
  468. 17:28pagtatanong. Dito alam ng doer na may
  469. 17:30kamangmangan siya. Hindi nito
  470. 17:32tinatanggal ang pagkukusa ng kilos
  471. 17:34subalit maaaring makabawas ito sa
  472. 17:36pananagutan ng kaniyang kilos.
  473. 17:38Halimbawa, isang nurse na nag-alinlangan
  474. 17:40sa kung anong gamot ang ibibigay niya sa
  475. 17:42pasyente. Pero sa halip na magtanong sa
  476. 17:45doktor, nagpatuloy pa rin siya sa
  477. 17:46pagbibigay nito. Dahil kaya naman niyang
  478. 17:49itama ang kanyang kaalaman pero hindi
  479. 17:50niya ginawa, may pananagutan pa rin siya
  480. 17:52sa magiging epekto nito.
  481. 17:56May isa pang uri ng kamangmangan na
  482. 17:58dapat nating bantayan. Ang affected o
  483. 18:00pretended ignorance. Ito ay nangyayari
  484. 18:02kapag sinadya ng isang taong maging
  485. 18:04mangmang upang manatiling inosente sa
  486. 18:06mata ng iba o ng batas. Sa halip ng
  487. 18:08mabawasan ang kanyang maling ginawa ay
  488. 18:10maaari pang mapalala ang kanyang
  489. 18:12pananagutan kapag nagawa na ito sa
  490. 18:14ilalim ng affected ignorance. Halimbawa,
  491. 18:17isang estudyante na sadyang hindi
  492. 18:18nagbabasa ng kanyang student handbook.
  493. 18:21akala niya ay ligtas siya kapag nahuli
  494. 18:22siya sa violation dahil sasabihin niyang
  495. 18:24hindi ko po alam ang rules. Pero ang
  496. 18:26totoo dahil sinadya niyang huwag
  497. 18:27magbasa, mas lalong bumibigat ang
  498. 18:30kanyang pananagutan dahil itinatago niya
  499. 18:31ang katotohanan.
  500. 18:36Ang ikalawang modifier ay ang masidhing
  501. 18:38damdamin. Ito yung mga pagkakataon na
  502. 18:40nadadala tayo ng ating emosyon. Isipin
  503. 18:42ninyo ang isang timbangan. Sa normal na
  504. 18:45sitwasyon, dapat ang isip ang mas
  505. 18:47mabigat at nagkokontrol sa ating kilos.
  506. 18:50Pero sa masiding damdamin, ang emosyon
  507. 18:52gaya ng sobrang galit, pag-ibig o
  508. 18:54pagnanasa ang bumibigat ng husto. Ano
  509. 18:57ang epekto nito? Nagiging padalos-dalos
  510. 18:59tayo dahil kapag masyadong mataas ang
  511. 19:02emosyon tulad ng sobrang saya, sobrang
  512. 19:04galit o sobrang takot, lumalabo ang
  513. 19:06ating paghuhusga. Parang may noise o
  514. 19:09ingay o kaya naman parang may usok sa
  515. 19:11isip mo kaya hindi mo makita ng malinaw
  516. 19:13kung ano ang tama o mali.
  517. 19:17Hindi lahat ng bugso ng damdamin ay
  518. 19:19pareho ang hatol. May dalawang uri tayo
  519. 19:22ng passions ayon sa kung kailan sila
  520. 19:23pumasok sa eksena. Una ay ang anent
  521. 19:26passion. Isipin ninyo itong parang
  522. 19:28kidlat biglaang sumabog bago pa man
  523. 19:31makapag-isip ang ating katwiran. Dahil
  524. 19:33ang damdaming ito ang naging sanhi para
  525. 19:35mabulag ang ating isip, ang kilos ay
  526. 19:37nagiging involuntary. Halimbawa, ang
  527. 19:40isang babaeng nakagawa ng marahas na
  528. 19:42kilos sa sandaling mahuli niya ang
  529. 19:44pagtataksil ng kanyang asawa dahil hindi
  530. 19:46naman niya plinano at nabigla lamang
  531. 19:48siya maaaring mawala ang kanyang moral
  532. 19:50na pananagutan. Ikalawang uri naman ay
  533. 19:53ang consequent passion. Dito ang
  534. 19:55damdamin ay sadyang inalagaan at
  535. 19:57kinunsente. Hindi ito biglaan kundi
  536. 20:00pinatagal. Dahil pinili mong panatilihin
  537. 20:02ang galit o puot sa iyong puso, hindi
  538. 20:05nawawala ang iyong pagkukusa. Halimbawa,
  539. 20:07ang pagpatay ni Jonggit kay Bert dahil
  540. 20:09sa matagal na nilang alitan. Dahil
  541. 20:11sadyang inalagaan ni Jonggit ang kanyang
  542. 20:13galit sa loob ng mahabang panahon, ang
  543. 20:16kanyang pananagutan ay buo at maaari pa
  544. 20:18ngang lumala dahil sa kanyang intensyon.
  545. 20:23Ang ikatlong salik ay ang takot o fear.
  546. 20:25Sa etika, ito ay tumutukoy sa
  547. 20:27pagkabagabag ng ating isip dahil sa
  548. 20:30isang nagbabantang panganib. Modifiery
  549. 20:32ito dahil kapag tayo ay natatakot, ang
  550. 20:34ating kalayaan sa pagpili ay naiipit o
  551. 20:37nalilimitahan. May pagkakaiba ang kilos
  552. 20:39na ginawa ng may takot at dahil sa
  553. 20:42takot.
  554. 20:45Mayroon itong dalawang uri. Ang mga
  555. 20:47kilos na ginawa ng may takot at ang mga
  556. 20:49kilos na isinagawa dahil sa takot. Kung
  557. 20:52ang kilos ay ginawa ng may takot,
  558. 20:54halimbawa nag-hiking ka kasama ang tropa
  559. 20:57kahit takot ka sa heights, ang kilos mo
  560. 20:59ay may pagkukusa pa rin. Alam mo ang
  561. 21:01ginagawa mo at ginusto mo itong gawin sa
  562. 21:03kabila ng kaba. Kaya naman meron kang
  563. 21:05buong pananagutan sa iyong mga aksyon.
  564. 21:08Ngunit kung ang kilos ay isinagawa dahil
  565. 21:10sa takot, halimbawa napilitan kang
  566. 21:12magbigay ng impormasyon o gumawa ng
  567. 21:14masama dahil may nakatutok na baril sao
  568. 21:16o may banta sa buhay ng pamilya mo, ang
  569. 21:19iyong pananagutan ay nababawasan o
  570. 21:21tuluyang nawawala. Bakit? Dahil sa
  571. 21:23sandaling iyon, ang iyong kilos loob ay
  572. 21:25hindi na malaya. Ito ay naging
  573. 21:27involuntary dahil sa tindi ng banta.
  574. 21:32Ang ikaapat na salik ay ang karahasan.
  575. 21:34Kung ang takot ay pressure sa isip, ang
  576. 21:36karahas naman ay pisikal na pwersa na
  577. 21:38inilalapat sa isang tao. Ito'y kapag
  578. 21:41pinilit kang gawin ng isang bagay na
  579. 21:42labag sa iyong kalooban gamit ang lakas.
  580. 21:45Ayon sa ating panuntunan, ang anumang
  581. 21:47kilos na bunga ng karahas ay itinuturing
  582. 21:50na involuntary. Ibig sabihin, walang
  583. 21:52moral na pananagutan ang taong biktima
  584. 21:54nito. Basta't ginawa niya ang kanyang
  585. 21:56makakaya upang lumaban o tumutol.
  586. 22:01Tingnan natin ang unang halimbawa ni
  587. 22:02Jolicor. Kinaladkad niya ang kanyang
  588. 22:04ex-girlfriend palabas ng gusali. Kahit
  589. 22:07ayaw lumabas ng babae, naglakad o
  590. 22:09lumabas pa rin siya dahil sa hatak ni
  591. 22:11Jolicor. Sa sitwasyong ito, ang babae ay
  592. 22:14walang pananagutan sa kilos na iyon
  593. 22:16dahil ang kanyang will o kilos loob ay
  594. 22:18hindi sumang-ayon. Ang kanyang katawan
  595. 22:21lamang ang napilitang sumunod dahil sa
  596. 22:23panlabas na pwersa. Ganyan din ang
  597. 22:25nangyari sa ikalawang halimbawa. ang
  598. 22:27empleyadong pisikal na hinawakan ng
  599. 22:29kanyang boss ang kamay upang sapilitang
  600. 22:32igiit ang panulat at mabuo ang pirma sa
  601. 22:34isang dokumentong may anomalya. Kahit
  602. 22:37nakikita sa papel ang pirma ng
  603. 22:38empleyado, wala siyang pananagutan sa
  604. 22:41korupsyong iyon dahil hindi ang kilos
  605. 22:43loob niya ang nagpasya. Pisikal na
  606. 22:45ginamit lamang ang kanyang kamay laban
  607. 22:47sa kanyang kalooban. Sa karahasan,
  608. 22:50parang naging tool o kasangkapan na lang
  609. 22:52ang katawan mo ng ibang tao. Gaya mismo
  610. 22:54ng panulat o ballpen sa halimbawa ng
  611. 22:56empleyado. Ang ballpen ang sumusulat sa
  612. 22:59papel pero ang kamay na may hawak nito
  613. 23:01ang may pananagutan sa isinusulat. Hindi
  614. 23:03ang ballpen mismo. Sa karahasan, ang
  615. 23:06biktima ang nagsisilbing ballpen at ang
  616. 23:08nananamwantala ang siyang sumusulat.
  617. 23:13Ang huling salik ay ang gawi o habit.
  618. 23:15Ito ay ang mga kilos na dahil sa sobrang
  619. 23:17dalas nating gawin, naging bahagi na ng
  620. 23:19ating sistema o autopilot mode. Isipin
  621. 23:22ninyo ang mga salitang kanto na nasasabi
  622. 23:24ninyo o yung mga mannerisms ninyo. Ang
  623. 23:27tanong, dahil ba automatic na ang kilos
  624. 23:29wala na tayong pananagutan? Hindi po.
  625. 23:31Ang gawi ay hindi pumupuksa sa
  626. 23:33pagkukusa. Maaaring mabawasan ang bigat
  627. 23:35ng pananagutan dahil hindi na ito dumaan
  628. 23:38sa mahabang pag-iisip pero nananatili
  629. 23:40ang accountability mo.
  630. 23:45Bakit hindi nawawala ang pananagutan mo
  631. 23:47dahil ikaw ang bumuo sa habit na yan?
  632. 23:49Halimbawa si Ramoniko na nakasanayan ng
  633. 23:51humikab ng malakas noong nagawa niya ito
  634. 23:54habang nasa silid paaralan, maaaring
  635. 23:56hindi niya yun sinadya sa pagkakataong
  636. 23:58yon. Pero pananagutan niya pa rin ito
  637. 24:00dahil obligasyon niyang kontrolin ang
  638. 24:02kanyang gawi at itama ang kanyang kilos
  639. 24:05bago pa ito maging bastos sa paningin ng
  640. 24:07iba. Isa pang halimbawa ay ang
  641. 24:09pagmumura. Si Diego ay lumaki sa isang
  642. 24:11kapaligiran kung saan ang pagmumura ay
  643. 24:13normal na ekspresyon lang sa bawat
  644. 24:15pangungusap. Dahil dito, naging gawin na
  645. 24:18niya ito. Isang araw, sa harap ng
  646. 24:20kanyang guro, bigla siyang nakapagmura
  647. 24:22dahil sa gulat. Bagam't automatic o
  648. 24:24hindi sinadya ang pagbanggit ng masamang
  649. 24:27salita sa sandaling iyon, may
  650. 24:28pananagutan pa rin siya. Nababawasan ng
  651. 24:31bigat dahil sa gawi o habit pero hindi
  652. 24:33ito nawawala. Bakit? Dahil bilang tao,
  653. 24:36may obligasyon siyang maging aware sa
  654. 24:38kanyang pananalita at magsumikap na
  655. 24:40baguhin ang maling na kasanayan. Ang
  656. 24:42gawi ay hindi parang bagyo na dumarating
  657. 24:44lang. Ito ay resulta ng paulit-ulit mong
  658. 24:47pagpili na gawin ang isang bagay
  659. 24:49hanggang sa maging autopilot na ito. Ang
  660. 24:51moral na obligasyon natin ay bantayan
  661. 24:53ang ating mga gawi at i-unlearn o alisin
  662. 24:56ang mga maling bisyo bago pa ito
  663. 24:58tuluyang makasira sa ating pagkatao.
  664. 25:03Bilang pagbubuod sa modifiers of human
  665. 25:05acts ni Thomas Aquinas, tandaan natin
  666. 25:06ang limang ito. Sa kamangmangan, ang
  667. 25:09problema ay nasa isip. May kulang sa
  668. 25:11impormasyon. Sa masiding damdamin, ang
  669. 25:13puso o emosyon ang masyadong mabilis
  670. 25:15kaya nao-overtake ang katwiran. Sa
  671. 25:17takot, ang isip ay nababagabag ng isang
  672. 25:20panlabas na banta kaya napipilitan ang
  673. 25:22ating kilos loob na gumawa ng
  674. 25:23kompromiso. Sa karahasan, ang katawan
  675. 25:26lamang ang pinipilit. Ang pananagutan ay
  676. 25:28wala sa biktima dahil ang kanyang will
  677. 25:30ay hindi sumang-ayon. At sa gawi, ang
  678. 25:33ating sistema na ang nakasanayan kaya
  679. 25:35nagiging automatic ang ating mga galaw.
  680. 25:37Sa madaling salita, ang kamalayan ng
  681. 25:39isip at kalayaan ng kilos loob ang
  682. 25:41laging tinitingnan para malaman kung
  683. 25:43gaano kabigat ang iyong pananagutan.
  684. 25:48Bilang pagtatapos ng ating aralin,
  685. 25:50balikan natin ang tatlong mahalagang
  686. 25:51haligi ng makataong kilos. Ang
  687. 25:54kamalayan. Tandaan na ang bawat galaw
  688. 25:56natin ay hindi aksidente. Ito'y dumaan
  689. 25:58sa ating isip. Ang kilos mo ang
  690. 26:00nagsasabi kung sino ka talaga. Kalayaan.
  691. 26:03Kahit may mga modifiers gaya ng takot o
  692. 26:05gawi, ang ating kilos loob ay may
  693. 26:07kapangyarihan pa ring pumili ng tama.
  694. 26:09Huwag nating gawing dahilan ang mga
  695. 26:10salik na ito para iwasan ang ating
  696. 26:12pananagutan at dignidad. Higit sa lahat,
  697. 26:15laging itanong, "Ang kilos ko ba ay
  698. 26:17nag-aangat ng dignidad ng iba? Dahil ang
  699. 26:19tunay na makataong kilos ay laging para
  700. 26:21sa kabutihan.
  701. 26:51At hanggang dito na lamang po ang ating
  702. 26:52aralin para sa araw na ito. Sana po ay
  703. 26:54marami kayong natutuan. Salamat po sa
  704. 26:56panonood at pakikinig. Paalam.

About this transcript

This page contains the full transcript of VE 10 - Term 2 - Lesson 8a - Makataong Kilos Gabay ang Pamilya Tungo sa Makabuluhang Pakikipagkapuwa by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 4,372 words across 704 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.

What you can do with it

Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to choose a caption track available on the video.

Free YouTube transcript tool

YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, caption language selection, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.