YouTube2Text

VE 10 - Term 2 - Lesson 6b - Mga Isyu ng Pakikipagkapuwa Batay sa mga Uri ng Konsensiya — Transcript

by Serdyan · 2,111 words · 356 segments · language en · Watch on YouTube

Full transcript

  1. 0:02Vales Education 10 term 2 learning
  2. 0:04competency 6B na ipaliliwanag ng mga
  3. 0:07issue ng pakikipagkapwa batay sa mga uri
  4. 0:09ng konsyensya ay nangangailangan ng
  5. 0:11tamang pag-unawa na gagabay sa wastong
  6. 0:14paghuhusga o pagpapasya na may pagkiling
  7. 0:16sa kabutihan upang mapanatili at
  8. 0:18mapaunlad ang positibong pakikitungo sa
  9. 0:21iba.
  10. 0:24Tatalakayin natin ngayon ang paksang
  11. 0:26konsyensya at pakikipag-ugnayan.
  12. 0:28Dito natin sisimulan ang pag-unawa na
  13. 0:30ang ating panloob na kaisipan o
  14. 0:32konsensya ay may malaking papel sa ating
  15. 0:34panlabas na pakikitungo.
  16. 0:36Ang pakikipagkapwa at konsensya ay mga
  17. 0:39magkakakabit na konsepto na matagal ng
  18. 0:41pinag-aaralan sa larangan ng filosofya,
  19. 0:44relihiyon at sikolohiya. Bakit? Dahil
  20. 0:47ang pagiging tao natin ay hindi lamang
  21. 0:49nasusukat sa kung paano tayo mag-isip ng
  22. 0:51mag-isa kundi sa kung paano tayo
  23. 0:53kumikilos sa harap ng ibang tao. Ang
  24. 0:56tatlong disiplinang ito ay nagkakaisa na
  25. 0:58ang ating moralidad ay laging may social
  26. 1:00dimension. Dahil dito, kailangang
  27. 1:03malinaw sa atin ang konsyensya ay hindi
  28. 1:05lamang para sa pansariling pagpapasya.
  29. 1:07Hindi ito isang private club o sa loob
  30. 1:10lamang ng iyong utak. Sa hali, ito ay
  31. 1:12may direktang epekto sa ating ugnayan sa
  32. 1:14iba. Ang bawat oo o hindi na idinidik ng
  33. 1:18iyong konsensya ay nag-iiwan ng marka
  34. 1:20positibo man o negatibo sa taong nasa
  35. 1:23harap mo, sa iyong mga kaibigan at sa
  36. 1:26iyong pamilya. Kaya naman ang mahalagang
  37. 1:28tanong na sasagutin natin sa mga susunod
  38. 1:30na slides ay paano nga ba binabago at
  39. 1:33hinuhubog ng ating konsyensya ang ating
  40. 1:35relasyon? Paano nito ginagawang mas
  41. 1:37matatag, mas tapat at mas makatao ang
  42. 1:40ating pakikipagkapwa?
  43. 1:44Ayon kay Myers, ang ating konsyensya ay
  44. 1:46nagsisilbing moral na gabay. Ito ang
  45. 1:49panloob na kompas na nagtuturo sa atin
  46. 1:51patungo sa tama at aktibong umiiwas sa
  47. 1:53atin sa pagkakamali. Kapag inilapat
  48. 1:56natin ito sa ating mga relasyon sa
  49. 1:58kapwa, ang gabay na ito'y naisasalin sa
  50. 2:00tatlong mahahalagang paraan. Una, sa
  51. 2:03kung paano natin tratuhin ang ating
  52. 2:04kapwa ng may dignidad. Ibig sabihin,
  53. 2:07iginagalang natin ang halaga at
  54. 2:09karapatan ng bawat tao sa ating paligid.
  55. 2:11Ikalawa, sa kung paano natin tinutupad
  56. 2:14ang ating mga binitiwang pangako.
  57. 2:16Tinitiyak ng ating konsyensya na ang
  58. 2:18ating mga salita ay may katumbas na
  59. 2:19tapat na gawa. At ikatlo sa kung paano
  60. 2:22tayo nananatiling tapat sa integridad ng
  61. 2:24ating ugnayan. Pinapanatili nitong
  62. 2:27malinis, tapat at matatag ang ating
  63. 2:29pakikipagkapwa sa lahat ng pagkakataon.
  64. 2:35Binigyan diin naman ni Hoffman na ang
  65. 2:36isang maunlad na konsensya ay hindi lang
  66. 2:38usapin ng utak kundi nagbubunga ito ng
  67. 2:41empatya at pagdamay sa ating kapwa.
  68. 2:44Dahil sa empatyang ito, nagkakaroon tayo
  69. 2:46ng kakayahan sa dalawang mahahalagang
  70. 2:48bagay. Una, pinahihintulutan tayo nitong
  71. 2:51maunawaan ng tunay na sitwasyon ng ibang
  72. 2:53tao ng walang pangingilatis o
  73. 2:55panghuhusga. Ikalawa, nagagawa nating
  74. 2:58makibahagi sa damdamin ng ating kapwa.
  75. 3:01Ang mailagay ang ating sarili sa
  76. 3:03kanilang kinaroroonan upang maramdaman
  77. 3:05ang kanilang saya o pasanin. Sa huli,
  78. 3:08ang ganitong antas ng malasakit ay
  79. 3:10napakahalaga upang makabuo tayo ng
  80. 3:12matibay at sumusuportang mga relasyon sa
  81. 3:15ating lipunan.
  82. 3:19Ayon kay Shapiro, kapag nagkakaroon ng
  83. 3:21hindi pagkakaunawaan, ang mga taong may
  84. 3:24malakas na konsyensya ay lumalapit sa
  85. 3:26pagsasaayos ng alitan sa dalawang
  86. 3:28natatanging paraan. Una, humaharap sila
  87. 3:31sa alitan sa paraang patas at magalang.
  88. 3:34Kung saan nangingibabaw ang katarungan
  89. 3:36at paggalang sa halip na galit o
  90. 3:38pansariling emosyon. Ikalawa, aktibo
  91. 3:41silang naghahanap ng mga solusyong
  92. 3:42kapakipakinabang sa lahat o ang
  93. 3:44tinatawag nating win-win situation. kung
  94. 3:47saan walang sinumang naiiwang agrabyado.
  95. 3:49Sa huli, ipinapaalala sa atin ni Shapiro
  96. 3:52na ang paggamit ng konsyensya sa alitan
  97. 3:54ay hindi lamang tungkol sa pagpipilit na
  98. 3:56maging tama kundi tungkol sa
  99. 3:58pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan
  100. 4:01sa ating mga relasyon.
  101. 4:05Paano nga ba nagiging bahagi ang ating
  102. 4:07konsyensya sa usapin ng pakikipagkapwa?
  103. 4:10Dito natin makikita na ang boses sa loob
  104. 4:12natin ay may direktang tungkulin sa
  105. 4:14ating pakikitungo sa iba. Una sa ating
  106. 4:17ugnayan sa kapwa. Ang ating konsyensya
  107. 4:19ang nagsisilbing moral alarm na
  108. 4:21nagpapaalala sa atin na ang pagbibigay
  109. 4:23ng paggalang pag-aaruga at pagtanggap ay
  110. 4:26hindi lamang isang pabor na ibinibigay
  111. 4:28natin kundi isang obligasyon natin
  112. 4:31bilang tao na may tamang pag-iisip at
  113. 4:33damdamin. Pangalawa, binibigyan diin
  114. 4:36natin ang kahalagahan ng koneksyon dahil
  115. 4:38ang ating konsyensya ang nagtutulak sa
  116. 4:40atin na huwag maging manhid. Ginagamit
  117. 4:43natin ang ating panloob na gabay upang
  118. 4:45makita ang halaga ng bawat tao na
  119. 4:47nagbubunga ng tapat na pagmamalasakit at
  120. 4:50mas malalim na pag-unawa sa kanilang
  121. 4:52sitwasyon. At sa huli, ang bawat
  122. 4:54makataong pagkilos natin ay patunay na
  123. 4:57ang ating konsyensya ay buhay at aktibo.
  124. 5:00Ang pagkilala sa halaga ng ating
  125. 5:01koneksyon sa ating paligid ay ang
  126. 5:03pinakamataas na paraan ng pagsunod sa
  127. 5:05ating konsyensya. Dahil dito natin
  128. 5:08naipapakita na ang ating moralidad ay
  129. 5:10laging nauuwi sa paggawa ng mabuti para
  130. 5:13sa ating kapwa.
  131. 5:17Ngayong nauunawaan na natin ang ugnayan
  132. 5:19ng tao sa kanyang kapwa, tingnan naman
  133. 5:21natin ang sientipikong paliwanag kung
  134. 5:22paano ito gumagana sa pamamagitan ng
  135. 5:24empathy, altruism, hypothesis o eah. Ang
  136. 5:28teoryang ito ay nagbibigay ng logic sa
  137. 5:30kung paano nagiging aksyon ang ating
  138. 5:32nararamdaman.
  139. 5:36Sinisimulan natin ito sa pagkilala kung
  140. 5:38saan ang ating mga mata at isipan ay
  141. 5:40nagiging mulat sa pagmamasid sa kapwa.
  142. 5:43Dito natin nauunawaan na ang empatya ay
  143. 5:45nagsisilbing pangunahing motibasyon
  144. 5:47natin. Ayon kay Schwartz, ang
  145. 5:49pakikiramay na idinidan ng ating
  146. 5:51konsyensya ang tunay na driver sa likod
  147. 5:53ng bawat kilos natin.
  148. 5:58Kapag pumasok na sa empatya, nagkakaroon
  149. 6:00tayo ng pakikibahagi sa dusa ng iba. Ang
  150. 6:03ating pag-iisip ay hindi na nakatuon sa
  151. 6:05ating sarili. Ang empatikong damdaming
  152. 6:08ito ang nagtutulak sa ating konsyensya
  153. 6:10na unahin ang kapakanan ng taong
  154. 6:12naghihirap.
  155. 6:15Ang driver na ito ay nagbubunsod ng
  156. 6:17motibasyon o ang tapat na hangad na
  157. 6:20makatulong. Dito na ngayon nabubuo ang
  158. 6:22tunay na altruismo kung saan ang ating
  159. 6:25konsyensya ay nagiging malinis at
  160. 6:26dalisay dahil ang tanging layunin natin
  161. 6:29ay mapabuti ang kalagayan ng iba.
  162. 6:33At sa huling dugto ang pagkilos. Ito na
  163. 6:36ang pagtulong na walang kapalit. Ito ang
  164. 6:38rurok ng ating pakikipag-ugnayan kung
  165. 6:41saan tayo ay nagbibigay ng walang
  166. 6:42hinihintay na anumang reward kundi dahil
  167. 6:45ito ang tama at nararapat para sa ating
  168. 6:48kapwa.
  169. 6:50Dumako naman tayo sa isa sa
  170. 6:52pinakamatanda at pinakamakapangyariang
  171. 6:54gabay sa moralidad, ang golden rule.
  172. 6:57Sinasabi sa panuntunang ito ang isang
  173. 6:59napakasimpleng mensahe na madalas nating
  174. 7:01marinig. Huwag mong gawin sa iba ang
  175. 7:04ayaw mong gawin ng iba sa iyo. Bagam't
  176. 7:07simple, ito ang pinakauniversal na
  177. 7:09sukatan ng ating bawat kilos. Ito'y
  178. 7:12nagsisilbing ating batayang moral dahil
  179. 7:14hinihimok tayo nito na magbigay ng
  180. 7:16parehong antas ng paggalang at
  181. 7:18pagmamahal sa ating kapwa. Tulad ng
  182. 7:20pagpapahalagang ibinibigay natin sa
  183. 7:22ating sarili. Ipinapaalala nito na ang
  184. 7:24lahat ng tao ay may pantay na dignidad
  185. 7:27at dito papasok ang papel ng ating
  186. 7:29konsyensya bilang check and balance. Sa
  187. 7:31bawat pagkakataon na tayo ay
  188. 7:33makikipag-ugnayan, ang ating konsyensya
  189. 7:35ang bumubulong. Patas ka ba? Gusto mo
  190. 7:38bang gawin din ito sa'yo? Ito ang boses
  191. 7:40na naninigurado na ang ating
  192. 7:42pakikipagkapwa ay laging nakabatay sa
  193. 7:44katarungan at pag-ibig.
  194. 7:48Upang tuluyang mabuo ang ating bridge o
  195. 7:50tulay ng pakikipagkapwa. Kailangan
  196. 7:53nating pag-isahin ang tatlong konseptong
  197. 7:54ito na palaging ginagabayan ng ating
  198. 7:57konsyensya. Una ang paggalang. Hindi ito
  199. 8:00basta pagngiti lang. Ito ay ang
  200. 8:02seryosong pagsusulong sa dangal ng bawat
  201. 8:04tao. Ang konsyensya mo ang magsasabi sa
  202. 8:06iyo na bawat tao ay mahalaga ano man ang
  203. 8:09kanilang katayuan. Pangalawa, ang
  204. 8:11pagmamalasakit. Ito ang resulta kapag
  205. 8:13ang iyong empatya ay naging aksyon. Ito
  206. 8:16ay ang aktibong pagtugon sa kailangan ng
  207. 8:18iba. 'yung hindi ka lang makat
  208. 8:20nakatingin kundi talagang tumutulong ka.
  209. 8:23At huli ay ang pag-unawa. Dito natin
  210. 8:25ginagamit ang ating konsensya bilang
  211. 8:27gabay. Sa halip na mabilis tayong
  212. 8:29humusga o magalit, pinipili nating
  213. 8:31unawain ang sitwasyon ng iba. Kapag may
  214. 8:33paggalang, malasakit at pag-unawa, doon
  215. 8:36natin tunay na naisasabuhay ang tapat na
  216. 8:38pakikipagkapwa.
  217. 8:42Ngayon, hihimayin natin ang dalawang
  218. 8:43bahagi na bumubuo sa ating konsyensya.
  219. 8:45Ayon kay Felicidad Lipyo, isipin ninyo
  220. 8:48na ang konsensya ay hindi lang isang
  221. 8:50pakiramdam, ito ay isang proseso. Una,
  222. 8:53ang pagninilay. Ito ang isip ng ating
  223. 8:56konsensya. Bago tayo gumalaw,
  224. 8:58kinikilatis muna natin ang sitwasyon.
  225. 9:00Parang tinitimbang natin sa ating
  226. 9:02isipan. Ito ba ayon sa katotohanan? Ito
  227. 9:05ba ay makabubuti sa kapwa ko? Dito
  228. 9:07nagaganap ang paghuhusga. Pangalawa, ang
  229. 9:10obligasyon. Kung ang pagninilay ay ang
  230. 9:12isip, ang obligasyon naman ay ang utos o
  231. 9:15ang will. Hindi sapat na alam mo lang na
  232. 9:17mali ang isang bagay. Dapat ay
  233. 9:19maramdaman mo ang moral na pananagutan
  234. 9:21na iwasan ito. At ito ang
  235. 9:23pinakaimportanteng tatandaan ninyo ayon
  236. 9:25kay Lipyo, ang konsyensya ay hindi
  237. 9:28lamang nagpapayo. Hindi ito parang
  238. 9:30kaibigan na nagsasabing, "Uy, baka gusto
  239. 9:32mong gawin 'to." Hindi. Ang konsensya ay
  240. 9:35nag-uutos ng may autoridad. Ito ay boses
  241. 9:38sa loob natin na nagsasabing gawin mong
  242. 9:41nararapat dahil iyon ang dikta ng ating
  243. 9:44dignidad bilang tao. Para mas
  244. 9:46maintindihan natin, ito ang isang
  245. 9:48simpleng halimbawa. Bumili ka sa cantin.
  246. 9:50Pagbalik mo sa room, napansin mong sobra
  247. 9:52ang sukli sao ng tindera. Sobra ng
  248. 9:55Php50.
  249. 9:56Sasabihin [sumisingasing] ng isip mo pag
  250. 9:58ninilay to ha. Hindi ko pera 'to. Kung
  251. 10:00itatago ko 'to, ninanakaw ko ang kita ng
  252. 10:03tindera. Mali ang kumuha ng hindi akin.
  253. 10:06Dito mo kinikilatis ang tama at mali.
  254. 10:09Para naman sa obligasyon, sasabihin mo
  255. 10:12hindi lang basta info 'yun. Makakaramdam
  256. 10:14ka ng utos sa loob mo na kailangan mong
  257. 10:16ibalik ang pera. Ibalik mo yan sa cantin
  258. 10:18ngayon din. At kapag hindi mo binalik,
  259. 10:22mababagabag ka. Bakit? Dahil yung utos
  260. 10:24ng konsyensya mo ay may autoridad. Alam
  261. 10:27mong nilabag mo ang prinsipyo ng
  262. 10:29pagiging matapat.
  263. 10:33Mahalagang linawin natin ang isang
  264. 10:34katotohanan. Hindi lahat ng maling
  265. 10:37paghuhusga ng ating konsyensya ay
  266. 10:39matatawag nating immoral. May mga
  267. 10:41pagkakataon na ang ating pagkakamali ay
  268. 10:43hindi lamang dahil masama tayo kundi
  269. 10:46dahil ito ay bunga lamang ng
  270. 10:47kamangmangan. Ayon kay Thomas Aquinas,
  271. 10:50may dalawang uri ito na dapat nating
  272. 10:52maunawaan.
  273. 10:55Una ay ang kamangmangan na madaraig o
  274. 10:57vinsi ignorance. Ito yung mga bagay na
  275. 11:00hindi mo alam pero dapat at kaya mong
  276. 11:02malaman kung nagbigay ka lang ng sapat
  277. 11:04na pagsisikap. Halimbawa, lumabag ka sa
  278. 11:07batas trapiko dahil hindi mo binasa ang
  279. 11:10mga signage. Dahil may pagkakataon kang
  280. 11:12itama ang iyong kaalaman pero hindi mo
  281. 11:14ginawa, mayroon kang buong pananagutan
  282. 11:17sa iyong pagkakamali. Hindi pwedeng
  283. 11:19idahilan ang hindi ko alam kung ang
  284. 11:21dahilan ay katamaran o pagpapabaya.
  285. 11:26Pangalawa ay ang kamangmangan na '
  286. 11:28madaraig o invincible ignorance. Ito
  287. 11:31naman yung sitwasyon na kahit anong
  288. 11:32tapat na pagsisikap mo, wala ka talagang
  289. 11:34paraan para malaman ang tama sa oras na
  290. 11:36iyon dahil sa matinding limitasyon o
  291. 11:39sitwasyon na hindi mo kontrolado. At
  292. 11:41dahil wala kang sadyang intensyon na
  293. 11:43gumawa ng mali, nababawasan o nawawala
  294. 11:46ang iyong moral na pananagutan.
  295. 11:48Halimbawa, may kaklase kang may
  296. 11:50matinding allergy sa mani. Dahil gusto
  297. 11:53mong magpakita ng pakikipagkapwa,
  298. 11:55binilhan mo siya ng biskuit sa cantin.
  299. 11:57Binasa mo ang label at nakasulat doon na
  300. 11:59milk and flour lang ang sangkap. Kaya
  301. 12:01ibinigay mo ito sa kanya. Pero ang totoo
  302. 12:04may contamination pala ng mani sa
  303. 12:06factory na hindi nakasulat sa pakete.
  304. 12:09Nagkaroon ng allergic reaction ng
  305. 12:10kaklase mo. Bakit invincible? Ginawa mo
  306. 12:14ang due diligence o ang lahat ng
  307. 12:15makakaya mo tulad ng pagbabasa ng label
  308. 12:18para masiguro na ligtas ang ibibigay mo.
  309. 12:21Ang kawalan ng impormasyon sa label ay
  310. 12:23isang limitasyon na hindi mo kontrolado.
  311. 12:25Kaya wala kang moral na pananagutan sa
  312. 12:27nangyari. Ang invincible ignorance ay
  313. 12:30hindi excuse para maging tamad mag-isip.
  314. 12:33Mangyayari lang ito kung ginawa mo lahat
  315. 12:35ng makakaya mo para malaman ang tama
  316. 12:38pero sadyang may mga hidden facts o
  317. 12:40limitasyon na hindi mo talaga kayang
  318. 12:42lagpasan. Ano ang aral dito? Ang ating
  319. 12:45konsyensya ay kailangan laging informed
  320. 12:47o may sapat na kaalaman. Obligasyon
  321. 12:50nating daigin ang ating kamangmangan
  322. 12:52upang ang ating pakikipagkapwa ay laging
  323. 12:54nakabatay sa katotohanan.
  324. 12:59Bilang pagbubuod ng lahat ng ating
  325. 13:00tinalakay sa araw na ito, tandaan natin
  326. 13:02na ang ating konsensya ay ang ating
  327. 13:04compass na naglalapit sa atin hindi lang
  328. 13:06sa pagiging mabuting tao kundi sa
  329. 13:09pagiging isang mabuting kapwa. Nakita
  330. 13:11natin sa ating aralin na ang bawat
  331. 13:13desisyong ginagawa natin sa loob ay may
  332. 13:15malaking epekto sa labas sa ating mga
  333. 13:17relasyon. Kapag ang konsyensya ay
  334. 13:19ginagabayan ng empatya, paggalang at
  335. 13:22tamang kaalaman, doon lamang tayo
  336. 13:24makakabuo ng isang lipunang may tunay na
  337. 13:26malasakit. Kaya naman, ang paghubog sa
  338. 13:29ating konsyensya ay hindi lamang isang
  339. 13:31personal na gawain kundi isang
  340. 13:33panlipunang responsibilidad.
  341. 13:38Kaya bago tayo matapos ngayong araw,
  342. 13:40gusto kong iwan sa inyo ang tanong na
  343. 13:41ito. Paano mo gagamitin ang iyong
  344. 13:43konsyensya upang maging liwanag sa buhay
  345. 13:46ng ibang tao ngayong araw? Ang pagiging
  346. 13:48grade 10 student ay hindi lang tungkol
  347. 13:50sa mataas na grado kundi tungkol sa
  348. 13:52pagpapatalas ng ating panloob na gabay.
  349. 13:55Naway sa bawat pagkakataong may
  350. 13:57kailangan kang desisyonan, pakikinggan
  351. 13:59mo ang mga munting tinig na nag-uutos
  352. 14:02saong gawin ang nararapat.
  353. 14:46At hanggang dito na lamang po ang ating
  354. 14:48aralin para sa araw na ito. Sana po ay
  355. 14:50may natutuan kayo. Salamat po sa
  356. 14:52panonood at pakikinig. Paalam. M.

About this transcript

This page contains the full transcript of VE 10 - Term 2 - Lesson 6b - Mga Isyu ng Pakikipagkapuwa Batay sa mga Uri ng Konsensiya by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 2,111 words across 356 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.

What you can do with it

Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to choose a caption track available on the video.

Free YouTube transcript tool

YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, caption language selection, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.