VE 10 - Term 2 - Lesson 2c - Pagpili ng Iba't Ibang Bokasyon Gabay ang Pamilya — Transcript
Full transcript
- 0:03Vales education 10 term 2 learning
- 0:05competency 2C nailalapat ang positibong
- 0:07pananaw sa pipiliing bukasyon gabay ang
- 0:09pamilya
- 0:13ang pagpili ng bukasyon ay hindi parang
- 0:15pag-order sa fast food na pagkatapos
- 0:17mong mamili ay hihintay mo na lang
- 0:19dumating. Ito ay isang proseso ng
- 0:21pagpapaunlad sa sarili. May tatlong
- 0:23mahalagang aspeto na dapat nating
- 0:25pagtuunan ng pansin. Una, ang ating
- 0:27kaisipan. Dapat tayong maging bukas sa
- 0:29pagkatuto. Pangalawa, ang ating
- 0:31kakayahan, ang patuloy na pagpapaunlad
- 0:34ng ating mga kasanayan at talento. At
- 0:36pangatlo, ang ating layunin, ang
- 0:38paghahanda para sa paglilingkod. Sa mga
- 0:41susunod na slide, hihimayin natin ang
- 0:43bawat isa upang mas maunawaan ninyo kung
- 0:46paano ito nagpapatibay sa inyong
- 0:48positibong pananaw.
- 0:52Pagiging bukas sa pagkatuto o openness
- 0:54to learning. Kailangan nating maging
- 0:57bukas sa pagkatuto. Hindi sapat na may
- 0:59alam na tayo. Ang tunay na mahusay ay
- 1:02ang taong marunong tumanggap na marami
- 1:04pa siyang hindi alam. Ang pagiging
- 1:06teachable o madaling turuan ay kailangan
- 1:09upang magtagumpay.
- 1:13Ikalawa ay ang pagpapaunlad ng mga
- 1:15kasanayan at talento. Mastery of skills
- 1:18and talents. Natatandaan niyo pa ba yung
- 1:20mga gears natin sa nakaraang PowerPoint?
- 1:22Dito natin sila pinapatakbo. Hindi sapat
- 1:25na may talento ka. Kailangan mo itong
- 1:27hain sa pamamagitan ng disiplina at
- 1:30paulit-ulit na pagsasanay hanggang sa
- 1:32maging eksperto ka sa iyong napiling
- 1:34larangan.
- 1:37At ikatlo, ang paghahanda para sa
- 1:40paglilingkod o service oriented growth.
- 1:43Hindi natin pinauunlad ang ating sarili
- 1:45para lang maging sikat o mayaman.
- 1:47Pinauunlad din natin ang ating sarili
- 1:49para maging mas kapakipakinabang tayo sa
- 1:51ating pamilya at sa ating komunidad. Ang
- 1:54kasanayan ay nagiging bukasyon lamang
- 1:56kapag ito ay iniaalay na sa kapwa.
- 2:01Ngunit mag-ingat. Sa gitna ng ating
- 2:03paghahanda, may isang tahimik ngunit
- 2:06mapanganib na kalaban tayong dapat
- 2:08iwasan. Ang matatag na triangle ng
- 2:10personal development ay maaaring gumuho
- 2:13dahil sa isang bagay, ang pagiging
- 2:15kampante o ang tinatawag nating
- 2:17complacency.
- 2:19Nagsisimula ito kapag sinabi mo sa
- 2:21sarili mo na alam ko na yan. Ang
- 2:23kaisipang ito ang pumapatay sa
- 2:25curiosity. Tandaan, ang isang basong
- 2:28puno na ay hindi na malalagyan pa ng mga
- 2:31bagong tubig. Huwag mong hayaang mapuno
- 2:33ang iyong isipan ng maling akala na wala
- 2:36ka nang dapat i-improve. Maraming tao
- 2:38ang may malaking talento pero dahil
- 2:41naging kampante sila sa kung ano ang
- 2:42meron sila ngayon, hindi na nila naabot
- 2:45ang best version ng kanilang sarili. Ang
- 2:47pagiging kampante ay parang paghinto sa
- 2:50gitna ng karera habang ang iba ay
- 2:52patuloy na tumatakbo. Sayang ang iyong
- 2:55gears o talento kung mo ito patuloy na
- 2:57gagamitin at hahasain. Ang teknolohiya,
- 3:01ang mga trabaho at ang pangangailangan
- 3:03ng mundo ay mabilis magbago. Kung
- 3:06mananatili kang kampante sa kung ano
- 3:07lang ang alam mo sa kasalukuyan,
- 3:10darating ang panahon na hindi na
- 3:11magiging sapat ang iyong kakayahan. Ang
- 3:13positibong pananaw ay nangangahulugang
- 3:16laging handa na sumabay at matuto sa
- 3:18agos ng panahon.
- 3:22Hindi tayo naglalakad ng mag-isa sa
- 3:24pagpili ng ating bukasyon. Sa likod ng
- 3:27bawat matagumpay na pangarap, may isang
- 3:29pamilyang nagsisilbing lakas at
- 3:31inspirasyon. Bakit nga ba napakalaki ng
- 3:34papel ng pamilya sa ating pananaw? Bago
- 3:37pa man tayo pumasok sa eskwelahan, sa
- 3:39loob ng ating tahanan, naisabuhay ang
- 3:41disiplina, tiyaga at pagpapahalaga sa
- 3:43paggawa. Ang pagkakita natin sa
- 3:46pagsisikap ng ating mga magulang ay ang
- 3:48unang lesson natin sa pagbuo ng isang
- 3:50positibong pananaw sa trabaho at
- 3:52bukasyon. Ang pamilya ang nakakakilala
- 3:55sa ating tunay na pagkatao. Sila ang
- 3:57ating reality check. Sa mga oras ng
- 4:00pag-aalinlangan, ang kanilang payo at
- 4:02suporta ang nagbibigay sa atin ng linaw
- 4:05upang hindi tayo maligaw ng landas. Sila
- 4:08ang nagsisilbing compass na laging
- 4:10nakaturo sa kung ano ang makabubuti para
- 4:12sa ating kinabukasan.
- 4:14Kapag ang pamilya ay kabahagi ng iyong
- 4:16pangarap, mas madaling yakapin ang
- 4:19hirap. Ang pagkakaroon ng support system
- 4:21ay nagbibigay sa atin ng kagalakan at
- 4:23determinasyon. Hindi ka natatakot
- 4:26magkamali o mapagod dahil alam mong may
- 4:28home base kang babalikan na laging
- 4:30naniniwala sa iyong mga kakayahan.
- 4:33Tandaan, ang iyong bukasyon ay hindi
- 4:35lamang para sa iyong sarili. Ito ay alay
- 4:38mo rin sa pamilyang nagmahal at nag-arga
- 4:40sa iyo. Sa kanila nagmumula ang
- 4:43inspirasyon upang magpatuloy.
- 4:47Mga mag-aaral, tingnan natin ang
- 4:49larawang ito. Ang isang iceberg ay may
- 4:51dalawang bahagi. Ang nakikita natin sa
- 4:54ibabaw at ang nakatago sa ilalim. Ganito
- 4:57rin ang ating bukasyon. Hindi tayo
- 4:59pwedeng kumuha ng bunga ng hindi natin
- 5:01pinapahalagahan ang sakripisyo. Ang
- 5:04bawat tagumpay ay may price tag na
- 5:06kailangang bayaran sa pamamagitan ng
- 5:08paghahanda. Simulan natin sa itaas ang
- 5:11mga bagay na nais nating makita sa ating
- 5:14sarili balang araw. Una ay ang paglago
- 5:17ng pagkatao. Hindi ka lang naging
- 5:20magaling sa trabaho. Naging buo at
- 5:22matatag pa ang iyong karakter. Pangalawa
- 5:25ay ang kapasidad na makatulong. Ito ang
- 5:27bunga kung saan ang iyong galing ay
- 5:30nagiging biyaya na para sa iyong pamilya
- 5:32at sa lipunan. At ikatlo ay ang
- 5:34katapatan sa prinsipyo. Ang tagumpay mo
- 5:37ay marangal dahil nanatili kang tapat sa
- 5:40iyong mga values o prinsipyo. Ngunit
- 5:42paano ito mananatiling nakalutang? Dito
- 5:45papasok ang dambuhalang pundasyon sa
- 5:47ilalim ng tubig ang iyong mga sakripisyo
- 5:50ngayon. Una, disiplina. Ang pagsunod sa
- 5:53tama kahit walang nakatingin at kahit
- 5:56mahirap. Ikalawa ay ang positibong
- 5:58pananaw. Ang kakayahang makita ang
- 6:00liwanag at pag-asa sa gitna ng mga
- 6:02pagsubok sa pag-aaral. Ikatlo ay ang
- 6:05mapanuring pag-iisip. Ang hindi
- 6:07basta-basta pagpapasya, tinitimbang mo
- 6:10muna ang tama sa mali. Ikaapat, ang
- 6:13karunungan sa pagpili. Ang pagpili sa
- 6:16landas na alam mong makabubuti sa iyo sa
- 6:18hinaharap hindi lang ang madali sa
- 6:20kasalukuyan. Tandaan, ang lawak at tibay
- 6:24ng iyong disiplina, pananaw, pag-iisip
- 6:27at karunungan sa ilalim ng tubig ang
- 6:30magdidikta kung gaano kataas ang
- 6:32mararating ng iyong paglago, kapasidad
- 6:35at prinsipyo sa ibabaw. Walang bungang
- 6:38matamis na hindi nagmula sa malalim na
- 6:40ugat ng sakripisyo.
- 6:45Para sa ating performance task, gagawa
- 6:47tayo ng vocation roadmap.
- 6:50Ang layunin nito ay maipakita ang
- 6:52paglalapat ng positibong pananaw sa
- 6:54paghahanda para sa senior high tungo sa
- 6:56iyong pangarap na bukasyon gamit ang
- 6:59karunungan mula sa pamilya. Sa isang A4
- 7:02na papel, gumuhit ng iyong road map. Ito
- 7:05ang magsisilbing blueprint ng iyong
- 7:07tatahaking landas mula grade 10 hanggang
- 7:10sa maabot mo ang iyong pangarap.
- 7:12Siguraduhing makikita ang mga sumusunod
- 7:14na milestones.
- 7:18Milestone 1, The SHS preparation.
- 7:21Lalagyan ito ng label na ang aking
- 7:23pundasyon at pangarap. Isulat ang iyong
- 7:26target na course degree sa kolehiyo o
- 7:29ang iyong bokasyon. Halimbawa, nurse,
- 7:32software engineer, agriculturist.
- 7:35mag-interview ng isang kapamilya at
- 7:37itanong, "Ano po ang mga katangian,
- 7:41skills o attitude na dapat kong linangin
- 7:43sa senior high school upang maging handa
- 7:46ako sa kolehiyo?"
- 7:49Milestone 2, The SHS years. Lalagyan
- 7:53naman ito ng label na ang aking
- 7:55investment, the Iceberg Base. Paano mo
- 7:59gagamitin ang iyong disiplina upang
- 8:01mag-excel sa mga subjects na kailangan
- 8:03sa iyong pangarap na kurso o bokasyon?
- 8:07Itanong sa pamilya. Paano po ninyo
- 8:09pinapanatili ang positibong pananaw sa
- 8:12trabaho kahit pagod o nahihirapan na
- 8:14kayo?
- 8:17Milestone 3. Consequence and sacrifice.
- 8:21Lagyan ng label na mapanuring pag-iisip
- 8:24ang halaga ng tagumpay. Gawain. Magtala
- 8:27ng dalawang sakripisyo na kailangan mong
- 8:29gawin sa senior high. Halimbawa, mas
- 8:32malalim na research, pag-aaral ng extra
- 8:34skill sa labas ng school, pagbabawas ng
- 8:37screen time o time management.
- 8:40Isulat kung paano mo tinitingnan ang mga
- 8:42sakripisyong ito bilang investment para
- 8:45sa iyong future self.
- 8:49At milestone 4, the goal.
- 8:52Lagyan ng label na ang bunga ng aking
- 8:54pagsisikap.
- 8:56Gawain. Ilarawan ang iyong sarili
- 8:59matapos ang senior high school at
- 9:00kolehiyo. Paano nakatulong ang gabay ng
- 9:03iyong pamilya sa iyong tagumpay? Sa
- 9:06anong paraan mo gagamitin ang iyong
- 9:08bukasyon para makatulong sa lipunan?
- 9:13Narito ang mga kinakailangang label sa
- 9:16mapa o sa roadmap na iyong gagawin. Una
- 9:19ang title vocation roadmap mula grade 10
- 9:22tungo sa tagumpay.
- 9:25Ikalawa, ang aking bakit. Isang
- 9:27pangungusap na nagpapaliwanag kung bakit
- 9:30ito ang napili mong bukasyon. At ikatlo,
- 9:34family anchor. Pangalan at pirma ng
- 9:36kapamilyang kinapanayam.
- 9:43Narito ang halimbawa ng vocation road
- 9:45map na inaasahang magagawa mo. Maaaring
- 9:48hindi kasing ganda nito syempre maaaring
- 9:50mas maganda pa ang iyong magawa.
- 9:52Makikita diyan sa screen o sa larawan
- 9:55ang apat na milestone. Makikita rin yung
- 9:58ang aking bakit, ang family anchor at
- 10:01syempre ang pamagat ng gawain. Ang
- 10:04vocation road map mula grade 10 tungo sa
- 10:07tagumpay.
- 10:11Narito ang pamantayan sa pagmamarka.
- 10:13Nilalaman at pagsusuri 35%.
- 10:16Gabay ng pamilya at pagpapahalaga 30%.
- 10:20Akson at pagkamalikha 35.
- 10:25At hanggang dito lamang ating aralin
- 10:27para sa ito. Sana po marami kayong
- 10:30natutuan. Salamat po atikinam.
- 10:34। ।
About this transcript
This page contains the full transcript of VE 10 - Term 2 - Lesson 2c - Pagpili ng Iba't Ibang Bokasyon Gabay ang Pamilya by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 1,396 words across 243 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.
What you can do with it
Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.
Free YouTube transcript tool
YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.