YouTube2Text

VE 10 - Term 2 - Lesson 1b - Mga Katangian ng Pagmamagulang — Transcript

by Serdyan · 1,759 words · 285 segments · language en · Watch on YouTube

Full transcript

  1. 0:02Vales Education 10 term 2 learning
  2. 0:04competency 1B naputunayan na ang mga
  3. 0:07katangian ng pagmamagulang ay nakaugat
  4. 0:09sa paniniwala kultura at karanasan ng
  5. 0:11pamilya na nakaiimpluwensya sa paghubog
  6. 0:14ng kabuuang pagkatao at mga
  7. 0:17pagpapahalaga niya.
  8. 0:21Ilarawan natin ang pagmamagulang bilang
  9. 0:23isang puno. Ang nakikita nating bunga o
  10. 0:26ang paraan kung paano pinalalaki ang
  11. 0:28isang bata ay nakadepende sa kalusugan
  12. 0:30ng mga ugat nito. Pag-usapan muna natin
  13. 0:33ang bunga o ang parenting style o paraan
  14. 0:35ng pagpapalaki. Ito ang mga nakikita at
  15. 0:38nararamdaman ng anak. Kung ang magulang
  16. 0:41ba ay is strikto, mapagbigay o mainitin
  17. 0:43ang ulo. Ang bawat aksyon ng magulang ay
  18. 0:46ang resulta ng lahat ng nutrisyon o
  19. 0:49lason. na nakuha ng mga ugat mula sa
  20. 0:51kinalakihang kapaligiran.
  21. 0:54Punta naman tayo sa katawan o ang
  22. 0:56pagkatao at mga desisyon. Ang katawan ng
  23. 0:59puno ang nagdadala ng sustansya mula sa
  24. 1:01ugat patungo sa bunga. Ito ang
  25. 1:03nagsisilbing tulay. Dito pumapasok ang
  26. 1:05iyong impulse control at kung paano mo
  27. 1:08pinoproseso ang iyong emosyon bago ka
  28. 1:10gumawa ng isang desisyon sa
  29. 1:12pagdidisiplina.
  30. 1:13At ang ugat o ang paniniwala, kultura at
  31. 1:16karanasan. Ito ang mga pundasyong hindi
  32. 1:18nakikita ngunit nagdidikta sa tibay ng
  33. 1:21puno. Kung ang mga ugat na ito ay
  34. 1:23nakatanim sa maling paniniwala o mapait
  35. 1:25na karanasan, kailangan ang sadyang
  36. 1:28pag-aalaga o intensionality upang hindi
  37. 1:30maging mabagsik ang bunga. Kung ang mga
  38. 1:33ugat ay matatag at malusog, magbubunga
  39. 1:35ito ng isang maayos at mapagmahal na
  40. 1:37pamilya. Ngunit kung ang ugat ay may
  41. 1:40lamat, maaari itong makaapekto sa
  42. 1:42kabuuan ng puno. Sa madaling salita, ang
  43. 1:45iyong magiging estilo bilang magulang ay
  44. 1:47hindi lamang isang desisyon sa
  45. 1:49kasalukuyan. Ito ay produkto ng kung ano
  46. 1:52ang nakatanim sa iyong pagkatao.
  47. 1:57Bakit nga ba natin kailangang balikan
  48. 1:59ang ating mga ugat? Una, para sa
  49. 2:01selfawareness. Kailangan nating
  50. 2:03kilalanin kung bakit tayo nag-iisip at
  51. 2:05kumikilos ng ganito. Sa pag-alam ng
  52. 2:08iyong ugat, maiintindihan mo kung bakit
  53. 2:10may mga bagay na madali para sa iyo at
  54. 2:13may mga bagay na nagpapagalit sa iyo
  55. 2:15kaagad. Mga trigger points. Pangalawa,
  56. 2:18para maging intensional tayo. Ang isang
  57. 2:20ekspertong magulang ay hindi lamang
  58. 2:22sumusunod sa agos. Pinipili niya kung
  59. 2:25ano ang mga paniniwala at kultura ang
  60. 2:27karapat-dapat ipasa sa susunod na
  61. 2:29henerasyon. Hindi ka lang basta nagiging
  62. 2:31magulang dahil sa instinct. Nagiging
  63. 2:34magulang ka dahil may malinaw kang plano
  64. 2:36kung anong klaseng tao ang nais mong
  65. 2:38hubugin. Higit sa lahat, ang pag-alam sa
  66. 2:41ating mga ugat ang nagbibigay sa atin ng
  67. 2:44kapangyarihang itama ang mga
  68. 2:45pagkakamaling ating naranasan sa
  69. 2:47nakaraan upang hindi na ito maulit sa
  70. 2:50ating magiging mga anak. Ang kaalaman sa
  71. 2:52ugat ang nagbibigay sa iyo ng gunting
  72. 2:55upang putulin ang mga tradisyon o gawi
  73. 2:58na nakasasakit. Halimbawa, ang pisikal
  74. 3:00na pananakit bilang disiplina at palitan
  75. 3:03ito ng mas malusog na paraan. Ang
  76. 3:06pag-aaral sa mga ugat ay nakatutulong
  77. 3:08din upang maging maunawain ka sa iyong
  78. 3:10sariling mga magulang dahil malalaman mo
  79. 3:12na sila rin ay bunga lamang ng kanilang
  80. 3:15sariling mga ugat at kinalakihan. Ang
  81. 3:17pag-aayos ng mga ugat ngayon pa lang
  82. 3:20bilang grade 10 ay isang regalo hindi
  83. 3:23lang para sa iyong magiging anak kundi
  84. 3:25pati na rin sa iyong magiging mga apo.
  85. 3:28Mga bata, ang pagkilala sa ugat ay hindi
  86. 3:30lang parang manisi ng ating mga magulang
  87. 3:33kundi para bigyan tayo ng kapangyarihang
  88. 3:35piliin kung anong klase ng puno ang
  89. 3:37itatanim natin balang araw.
  90. 3:42Alam ba ninyo kung bakit may mga
  91. 3:44magulang na sobrang higpit at mayroon
  92. 3:46namang parang wala lang? Hindi yun dahil
  93. 3:48sa trip lang nila. Ang bawat pitik,
  94. 3:50bawat sermon at bawat yakap na ibibigay
  95. 3:53ninyo sa anak ninyo balang araw ay may
  96. 3:55pinanggagalingan. Ito ang tinatawag
  97. 3:57nating mga ugat. Ngayon, hihimayin natin
  98. 3:59ang tatlong higanteng poste na humuhubog
  99. 4:02sa inyo ngayon at huhubog sa inyo bilang
  100. 4:04tatay o nanay bukas. Ang inyong
  101. 4:07paniniwala, kultura at karanasan.
  102. 4:12Ang unang ugat o haligi ng pagmamagulang
  103. 4:14ay ang paniniwala. Ang paniniwala ay
  104. 4:17hindi lang tungkol sa relihiyon o
  105. 4:19pagpunta sa mga puok sambahan. Ito ay
  106. 4:22ang dahilan kung bakit mo ginagawa ang
  107. 4:24ginagawa mo. Sabi sa mga research, ang
  108. 4:27bawat kilos ng magulang ay dumadaan sa
  109. 4:29isang filter ng mga paniniwala. Isipin
  110. 4:32ninyo ito. Kapag ang isang magulang ay
  111. 4:34naniniwala na ang bata ay dapat sumunod
  112. 4:36ng walang reklamo dahil iyon ang moral
  113. 4:38na prinsipyo nila. Ang bawat pagkakamali
  114. 4:41ng bata ay ituturing nilang
  115. 4:43pagrerebelde. Ano ang resulta nito?
  116. 4:46Magiging restrictive o sobrang higpit ng
  117. 4:48kanilang disiplina dahil ang paniniwala
  118. 4:50nila ay kailangang kontrolin ang bata.
  119. 4:54Pero kung ang paniniwala o relihiyon ng
  120. 4:56pamilya ay nakatuon sa warmth at
  121. 4:58pag-unawa sa kahinaan ng tao, ang
  122. 5:01disiplina ay nagiging gabay sa halip na
  123. 5:03parusa. Ang paniniwala mo ang nagdidikta
  124. 5:06kung ang disiplina mo ba ay galing sa
  125. 5:08galit o galing sa pagtuturo. Dito rin
  126. 5:11papasok ang tinatawag na parental
  127. 5:13attribution. Halimbawa, kapag nahulog ng
  128. 5:16anak mo ang baso, ano ang unang
  129. 5:18paniniwala mo? Sinasadya ka ba niyang
  130. 5:20bwisitin o hindi pa kasi sapat ang motor
  131. 5:23skills niya? Kung ang paniniwala mo ay
  132. 5:26negatibo, ang disiplina mo ay magiging
  133. 5:28marahas. Pero kung ang paniniwala mo ay
  134. 5:30positibo at accurate, magiging epektibo
  135. 5:33kang magulang. Kaya tandaan, ang moral
  136. 5:36na prinsipyo ninyo ngayon ang
  137. 5:37magsisilbing preno o gasolina ninyo sa
  138. 5:40pagdidisiplina balang araw. Ang
  139. 5:43paniniwala ninyo, ang magsasabi kung ang
  140. 5:45anak ninyo ay lalaking takot sa inyo o
  141. 5:48lalaking may respeto sa inyo.
  142. 5:53Dumako naman tayo sa ikalawang ugat. Ang
  143. 5:56kultura. Ang kultura ay ang invisible
  144. 5:58rules ng ating paligid. Bilang mga
  145. 6:01Pilipino, ang ating pagmamagulang ay
  146. 6:03kakaiba. Bakit? Dahil ang kultura natin
  147. 6:06ay nakatali sa tinatawag nating close
  148. 6:08family ties. Ito yung dahilan kung bakit
  149. 6:11ang pagdidisiplina sa atin ay laging may
  150. 6:13kasamang paggalang tulad ng po at opo.
  151. 6:16Pero alam ba ninyo ayon sa mga research,
  152. 6:18ang mga kulturang hindi anglo-european
  153. 6:21gaya ng sa atin ay mas tumatanggap ng
  154. 6:23tinatawag na high control o mahigpit na
  155. 6:26pagdidisiplina. Sa ibang bansa, kapag
  156. 6:29mahigpit ang magulang, iniisip ng bata
  157. 6:31na hindi siya mahal. Pero sa kulturang
  158. 6:33Pilipino, ang paghihigpit ay madalas
  159. 6:36nating tinitignan bilang pagmamalasakit
  160. 6:38o pagpoprotekta.
  161. 6:40Ang hamon dito, paano mo gagamitin ang
  162. 6:43kulturang Pilipino ng hindi nagiging
  163. 6:45toxic? Ang pagmamalasakit ba ay nagiging
  164. 6:48pagsakal na? Ang close family ties ba ay
  165. 6:51nagiging dahilan para hindi na matutong
  166. 6:53tumayo sa sariling paa ang anak? Bilang
  167. 6:55future parents, kailangan ninyong
  168. 6:57balansehin ang ganda ng ating tradisyon
  169. 7:00at ang pangangailangan ng anak na lumaki
  170. 7:02ng may sariling pagkatao.
  171. 7:07At ang ikatlong ugat ng pagmamagulang ay
  172. 7:09ang karanasan. Ito ang pinakapersonal sa
  173. 7:12lahat, ang iyong childhood history. Sabi
  174. 7:15sa artikulo, "Ang isang dahilan kung
  175. 7:17bakit tayo kumikilos ng ganito ay dahil
  176. 7:19mino-model lang natin ang nakita natin
  177. 7:21sa ating sariling mga magulang habang
  178. 7:23tayo ay pinalalaki. Tinatawag itong the
  179. 7:26mirror effect. Kung ang naranasan mo ay
  180. 7:28magulang na laging nakikinig at
  181. 7:30mahinahon, iisipin mo na ganito ang
  182. 7:33tamang paraan. Pero kung ang naranasan
  183. 7:35mo ay coldness o pagbabaliwala, may
  184. 7:38panganib na maging ganito ka rin. Hindi
  185. 7:40dahil masama kang tao kundi dahil yun
  186. 7:42ang blueprint na nakita mo. Pero tandaan
  187. 7:45ninyo ang mahalagang punto. Ang
  188. 7:47karanasan mo ay hindi mo tadhana. Kung
  189. 7:50ang karanasan mo ay maladaptive o hindi
  190. 7:52maganda, ang pag-aaral natin ngayon ang
  191. 7:55iyong retraining. May kapangyarihan
  192. 7:57kayong putulin ang maling sistema. Ang
  193. 8:00iyong karanasan ay dapat magsilbing
  194. 8:01gabay. Alin ang dapat mong i-copy paste
  195. 8:04at alin ang dapat mong i-delete para sa
  196. 8:06susunod na henerasyon.
  197. 8:11Matapos nating himayin ang mga ugat,
  198. 8:13tingnan naman natin ang kinalabasan
  199. 8:15nito. Ang paniniwala, kultura at
  200. 8:17karanasan na tinalakay natin ay hindi
  201. 8:19lang basta impormasyon. Ito ang mga
  202. 8:22salik na humuhubog sa kabuuan ng
  203. 8:24pagkatao ng isang anak. Paano ito
  204. 8:26nangyari? Ang paraan ng pagpapalaki ng
  205. 8:28magulang ang nagdidikta kung paano
  206. 8:31makikitungo ang isang bata sa kanyang
  207. 8:33kapwa at kung paano niya ihaharap ang
  208. 8:35kanyang sarili sa mundo. Kung ang mga
  209. 8:37ugat na ito ay matatag, lumalaki ang
  210. 8:40bata na may maayos na emosyonal at
  211. 8:42sosyal na pundasyon. Dito rin nagmumula
  212. 8:45ang mga pagpapahalaga o values. Ang mga
  213. 8:48prinsipyo ng magulang gaya ng katapatan,
  214. 8:50kasipagan at paggalang ay naipapasa sa
  215. 8:53anak hindi lang sa salita kundi sa gawa.
  216. 8:56Ang mga pagpapahalagang nakikita ng anak
  217. 8:58sa loob ng tahanan ang magiging batayan
  218. 9:00ng kanyang sariling mga prinsipyo sa
  219. 9:02buhay. Sa madaling salita, ang iyong
  220. 9:05pinagmulan ay may direktang koneksyon sa
  221. 9:07iyong identity o sa kung sino ka ngayon.
  222. 9:10Bilang mga future parents, kailangang
  223. 9:12maging mulat kayo na ang bawat aspeto ng
  224. 9:15inyong pagkatao ay mag-iiwan ng marka sa
  225. 9:18pagkatao at mga pagpapahalaga ng inyong
  226. 9:20magiging mga anak.
  227. 9:25Ang lahat ng tinalakay natin ngayon, ang
  228. 9:27inyong paniniwala, kultura at karanasan
  229. 9:29ay bumubuo ng isang siklo. Pero ito ang
  230. 9:32mahalagang tanong. Anong bahagi ng
  231. 9:34siklong ito ang gusto mong ituloy at
  232. 9:36alin ang gusto mong putulin sa aspeto ng
  233. 9:39legacy. Kung ang nakita mo sa magulang
  234. 9:41mo ay ang pagiging mapanalanginin,
  235. 9:43masipag at maunawain, tungkulin mong
  236. 9:45bitbitin yan patungo sa magiging pamilya
  237. 9:48mo. Yan ang mga positibong impluwensya
  238. 9:50na dapat mong ipagmalaki. Huwag nating
  239. 9:52hayaang mamatay ang apoy ng mabubuting
  240. 9:55gawi ng pamilya. Pero sa aspeto ng
  241. 9:57breaking the cycle, kailangan nating
  242. 9:59maging matapang. Kung may mga nakita o
  243. 10:01naranasan kayo na sa tingin ninyo ay
  244. 10:03hindi tama, halimbawa ang hindi
  245. 10:05pagkakaunawaan na nauuwi sa sigawan o
  246. 10:08ang kulturang hindi nagpapahayag ng
  247. 10:10pagmamahal, may kapangyarihan kayong
  248. 10:12sabihin na hindi ko na ito ipaparanas sa
  249. 10:14magiging anak ko. Huwag nating ipasa ang
  250. 10:17sakit na naranasan natin sa susunod na
  251. 10:20henerasyon. Ang pagiging magulang ay
  252. 10:22tungkol sa intentionality. Hindi ka lang
  253. 10:24basta nagiging kopya ng magulang mo.
  254. 10:27Ikaw ang gagawa ng sarili mong desisyon.
  255. 10:30Ang pag-unawa sa iyong pinagmulan ay
  256. 10:32hindi para manisi kundi para bigyan ka
  257. 10:34ng kalayaang pumili kung anong klaseng
  258. 10:36ugat ang itatanim mo para sa susunod na
  259. 10:39henerasyon. Ikaw ang magdedesisyon kung
  260. 10:41saan patungo ang pamilyang itatayo mo.
  261. 10:46Bilang pagtatapos sa ating aralin,
  262. 10:48iiwanan ko sa inyo ang katotohanang ito.
  263. 10:51Ang pagkilala sa ating ugat ay hindi
  264. 10:53para manatili sa nakaraan kundi upang
  265. 10:55magsilbing susi sa pagbuo ng isang
  266. 10:57matatag na pamilya.
  267. 10:59Bakit natin pinag-aaralan ang ating mga
  268. 11:01ugat, ang ating paniniwala, kultura at
  269. 11:04karanasan? Hindi ito para manisi tayo sa
  270. 11:06kung ano ang kulang sa atin kundi para
  271. 11:08magkaroon tayo ng susi. Kapag kilala mo
  272. 11:11ang iyong pinagmulan, hawak mo ang susi
  273. 11:13kung anong pinto ang bubuksan mo at
  274. 11:15anong pinto ang isasara mo para sa iyong
  275. 11:17sariling pamilya. Ang pagiging
  276. 11:19intentional parent ay nagsisimula sa
  277. 11:22pag-unawa sa iyong sarili. Ngayon kayo
  278. 11:24ang arkitekto ng susunod na henerasyon.
  279. 11:27Simulan natin ang pagbuo ng matibay na
  280. 11:29pamilya sa pamamagitan ng pagkilala sa
  281. 11:31ating tunay na pagkatao.
  282. 11:35At hanggang dito lamang po ang ating
  283. 11:37aralin para sa araw na ito. Sana po ay
  284. 11:39may natutuan kayo. Salamat po sa
  285. 11:41panonood at pakikinig. Paalam. M.

About this transcript

This page contains the full transcript of VE 10 - Term 2 - Lesson 1b - Mga Katangian ng Pagmamagulang by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 1,759 words across 285 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.

What you can do with it

Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.

Free YouTube transcript tool

YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.