YouTube2Text

VE 10 - Term 1 - Lesson 7c - Sariling Pagpapahalaga Gabay sa Pagpaplano sa Buhay — Transcript

by Serdyan · 1,841 words · 297 segments · language en · Watch on YouTube

Full transcript

  1. 0:02Vales Education 10 term 1 learning
  2. 0:04competency 7C nakapagbabalangkas ng mga
  3. 0:07plano na nagpapakita ng wastong
  4. 0:09paghahanda sa pagpaplano sa buhay.
  5. 0:14Bago tayo matutong lumakad sa tamang
  6. 0:16proseso, kailangan muna nating aminin na
  7. 0:18ang paggawa ng desisyon ay hindi parang
  8. 0:20pagpili lang ng kakainin sa cantin.
  9. 0:23Ito'y mahirap dahil may mga balakid o
  10. 0:25road blocks tayong kinakaharap. Ang mga
  11. 0:28balakid na ito ang dahilan kung bakit
  12. 0:30marami sa atin ang nauuwi sa blind
  13. 0:31commitment o kaya naman ay tuluyang
  14. 0:34nawawala sa landas. Magsimula tayo sa
  15. 0:36mga internal barrier o ang mga balakid
  16. 0:39sa loob ng sarili. Una ay ang takot.
  17. 0:42Takot tayong magkamali. Takot tayong
  18. 0:44mapahiya o takot tayong hindi maabot ang
  19. 0:46expectation ng ating mga magulang. Dahil
  20. 0:49sa takot, mas pinipili nating huwag na
  21. 0:51lang kumilos. Ikalawa, ang katamaran at
  22. 0:54procrastination. Minsan alam na natin
  23. 0:56ang dapat gawin pero dahil sa mamaya na
  24. 0:59habit nawala ang momentum natin. Ang
  25. 1:02pagpapasya ay nangangailangan ng
  26. 1:03determinasyon hindi ng bahala na. Ikatlo
  27. 1:06ay ang kakulangan ng tiwala at ang
  28. 1:08sobrang pag-iisip. Ito yung boses sa
  29. 1:11loob mo na nagsasabing hindi mo kaya
  30. 1:13yan. O sino ka ba para mangarap ng
  31. 1:16ganyan? Ang kawalan ng tiwala sa sarili
  32. 1:19ay parang pagmamaneho na nakatapak lang
  33. 1:21sa break. Hindi ka talaga uusad. Dumako
  34. 1:24naman tayo sa mga external barrier o mga
  35. 1:26balakid mula sa paligid. Magsimula tayo
  36. 1:28sa impluwensya ng barkada o peer
  37. 1:30pressure. Napakahirap panindigan ang
  38. 1:32sariling values kung ang lahat ng
  39. 1:34kaibigan mo ay iba ang direksyon. Minsan
  40. 1:37sumasabay na lang tayo sa agos para
  41. 1:39hindi tayo ma-out o kj. Ikalawa ay ang
  42. 1:41maling impormasyon o misinformation. Sa
  43. 1:44panahon ng social media akala natin alam
  44. 1:46na natin ang lahat. Pero ang pagpapasya
  45. 1:49batay sabi-sabi o fake news ay parang
  46. 1:51paggamit ng outdated na mapa. Maliligaw
  47. 1:54at maliligaw ka talaga. Ikatloy ang
  48. 1:56kakulangan sa materyal na resources.
  49. 1:58Hindi natin maipagkakaila na ang pera o
  50. 2:01kagamitan ay malaking factor. Ang
  51. 2:03kakapusan sa buhay ay maaaring maging
  52. 2:05balakid pero hindi ito dapat maging dulo
  53. 2:07ng ating pangarap. Ngayon, bakit natin
  54. 2:10kailangang malaman ito? Sinasabi ko ang
  55. 2:12mga ito hindi para takutin kayo kundi
  56. 2:14para maging mulat kayo. Kapag alam na
  57. 2:17ninyo kung ano ang mga humaharang sa
  58. 2:18inyo, mas madali na nating gagamitin ang
  59. 2:21limang hakbang na tatalakayin natin sa
  60. 2:23mga susunod na slide.
  61. 2:27Ano nga ba ang pagpaplano? Ayon sa
  62. 2:29pag-aaral nina Arjan at Julia Wati noong
  63. 2:322020, ang pagpaplano ay ang ating paraan
  64. 2:34ng pag-iisip at pag-asa sa ating
  65. 2:37hinaharap. Ito'y hindi lamang basta
  66. 2:39pangarap kundi isang positibong damdamin
  67. 2:41na nagbibigay sa atin ng direksyon.
  68. 2:44Upang matiyak na ang ating mga gagawin
  69. 2:46ay hindi hula-hula lang, kailangan natin
  70. 2:48ng isang maayos na balangkas. Ito ang
  71. 2:51magsisilbing mapa natin upang matiyak na
  72. 2:53tama ang bawat desisyon na gagawin
  73. 2:55natin. Narito ang limang pangunahing
  74. 2:57hakbang na ating hihimayin ngayong araw.
  75. 2:59Ang mga ito magsisilbing gabay din ninyo
  76. 3:02sa ating performance task mamaya.
  77. 3:04Magsimula tayo sa unang hakbang. Paano
  78. 3:06nga ba magtakda ng layunin na magbibigay
  79. 3:08sa atin ng masusing gabay?
  80. 3:12Ang unang hakbang sa pagbuo ng inyong
  81. 3:14kinabukasan ay ang magtakda ng layunin.
  82. 3:16Ito ang pundasyon ng lahat ng ating
  83. 3:18gagawin. Bago tayo kumilos, kailangan
  84. 3:20tanungin natin ang ating sarili. Ano ba
  85. 3:23talaga ang gusto nating marating? Hindi
  86. 3:25ito dikta ng iba kundi ang tunay na
  87. 3:27mithiin na gusto nating paglaanan ng
  88. 3:29panahon at pagod. Kailangan maging tiyak
  89. 3:32tayo. Halimbawa sa halip na sabihing
  90. 3:34gusto kong maging matagumpay, gawin
  91. 3:36nating gusto kong makapagtapos ng
  92. 3:38automotive course sa loob ng dalawang
  93. 3:40taon. Kapag kreto ang layunin,
  94. 3:42nagkakaroon tayo ng masusing plano at
  95. 3:44malinaw na target. Tandaan ninyo, ang
  96. 3:47layunin ang nagbibigay ng direksyon,
  97. 3:49kung wala ito, para kang naglalakad ng
  98. 3:52walang tiyak na pupuntahan. Mapapagod ka
  99. 3:54lang sa paghakbang pero hindi mo alam
  100. 3:56kung nasaan na ang dulo.
  101. 3:59Matapos nating malaman kung saan tayo
  102. 4:01pupunta, kailangan nating tingnan kung
  103. 4:03ano ang baon natin. Ang ikalawang
  104. 4:06hakbang ay ang pagkilala sa iyong mga
  105. 4:08kasanayan at talento na magsisilbing
  106. 4:10pundasyon sa iyong mga pangarap.
  107. 4:13Mahalagang maging tapat sa sarili. Saan
  108. 4:15ka ba biasa o expert? Ano ang mga bagay
  109. 4:17na madali mong natututuhan? Halimbawa,
  110. 4:20kung mahusay ka sa pagco-company o kaya
  111. 4:22naman ay sa arts, ang mga talentong 'yan
  112. 4:25ay isang konkretong aspeto na na mong
  113. 4:27panghawakan. Ang iyong mga galing at
  114. 4:30talino ang magsisilbing tools sa iyong
  115. 4:32toolbox. Kapag kilala mo ang iyong mga
  116. 4:35kalakasan, mas madali mong magagamit ang
  117. 4:37mga ito upang mapalapit sa iyong mga
  118. 4:39ninanais at mapagtagumpayan ang anumang
  119. 4:42hamon sa daan. Tandaan, alamin ang iyong
  120. 4:45puhunan. Ang iyong galing at talino ang
  121. 4:48magdadala sa iyo sa iyong destinasyon.
  122. 4:51Hindi ka magsisimula sa wala.
  123. 4:53Magsisimula ka gamit ang mga regalo na
  124. 4:55meron ka na ngayon.
  125. 4:59Ang ikatlong hakbang ay ang magbigay ng
  126. 5:01prayoridad. Sa dami ng ating mga
  127. 5:03pangarap at gusto sa buhay, madalas ay
  128. 5:05hindi natin alam kung saan tayo
  129. 5:07magsisimula. Dito natin kailangang
  130. 5:09maging mapanuri. Itanong sa sarili. Sa
  131. 5:12lahat ng mga layuning isinulat ko sa
  132. 5:14unang hakbang, alin dito ang kailangang
  133. 5:16matupad muna upang magbukas ang pinto
  134. 5:18para sa iba pangarap? Kailangan nating
  135. 5:21sukatin kung saan natin ibubuhos ang
  136. 5:23ating oras, lakas at pera. Ito ba ay sa
  137. 5:26pag-aaral muna o sa paghahanap ng
  138. 5:29part-time na trabaho? Ang pagbibigay ng
  139. 5:31prayoridad ay ang pagpili kung ano ang
  140. 5:33most important sa kasalukuyan. Tandaan,
  141. 5:36hindi lahat ng gusto natin ay pwedeng
  142. 5:38makuha ng sabay-sabay. Piliin ang
  143. 5:40pinakamahalaga. Ang pag-prioritize ay
  144. 5:43hindi pagsuko sa ibang pangarap kundi
  145. 5:46pag-aayos ng pila para masiguro na bawat
  146. 5:48hakbang mo ay may mararating.
  147. 5:52Ang ikaapat na hakbang ay ang tukuyin
  148. 5:54ang halaga. Kung ang layunin ang iyong
  149. 5:57destinasyon, ang iyong halaga o values
  150. 5:59naman ang iyong magsisilbing moral
  151. 6:01compass. Dito natin tinitingnan kung ano
  152. 6:04ang tunay na mahalaga sa atin. Katapatan
  153. 6:06ba? Pamilya, sipag o integridad? Ang mga
  154. 6:09prinsipyong ito ang bumubuo sa kung sino
  155. 6:11ka bilang tao. Ang iyong mga halaga o
  156. 6:14values ang nagsasabi sa'yo kung ano ang
  157. 6:16tama at mali. Kapag malinaw ang
  158. 6:19prinsipyo mo, hindi ka madaling madadala
  159. 6:21ng pressure ng ibang tao dahil alam mo
  160. 6:23ang iyong pinaninindigan sa bawat
  161. 6:25desisyon at pagkilos na iyong gagawin.
  162. 6:27Tandaan, ang tagumpay na hindi ayon sa
  163. 6:30iyong halaga o values ay isang tagumpay
  164. 6:32na walang kabuluhan. Aanhin mo ang
  165. 6:35marangyang buhay kung nakuha mo naman
  166. 6:36ito sa pamamagitan ng hindi
  167. 6:38karangal-rangal na paraan. Ang tunay na
  168. 6:40tagumpay ay 'yung kaya mong tingnan ang
  169. 6:42sarili mo sa salamin ng may dangal.
  170. 6:47Narito na tayo sa huling hakbang. Ang
  171. 6:49magplano ng aksyon. Matapos nating
  172. 6:51mag-isip, mag-analyze at mag-prioritize,
  173. 6:54oras na para ilapat ito sa realidad.
  174. 6:57Dito mo na isusulat ang bawat yugto o
  175. 6:59stage ng iyong paglalakbay. Ano ang
  176. 7:01kailangan mong gawin sa unang taon? Ano
  177. 7:04ang susunod? Ito ang nagbibigay sa iyo
  178. 7:06ng malinaw na listahan ng mga hakbang na
  179. 7:08kailangan upang maabot ang iyong
  180. 7:10pangarap.
  181. 7:12Hindi ito pangkalahatan o general lang.
  182. 7:14Kailangan ay detalyado. Halimbawa, kung
  183. 7:17kailangan mong mag-enroll sa TESDA, ang
  184. 7:20detalye ay magtanong sa pinakamalapit na
  185. 7:22center, ihanda ang requirements at
  186. 7:24kumuha ng entrance exam. Ang detalyadong
  187. 7:27plano ang nag-aalis sa iyong kaba dahil
  188. 7:29alam mo ang mga susunod mong gagawin.
  189. 7:31Tandaan, ang plano ay mananatiling guhit
  190. 7:34lamang sa papel hangga't hindi mo ito
  191. 7:36nilalapatan ng aksyon. Ang
  192. 7:38pinakamagandang plano sa mundo ay walang
  193. 7:40saysay kung hindi mo ihahakbang ang
  194. 7:42iyong mga paa. Ang aksyon ang tulay na
  195. 7:45magdadala sa iyo sa iyong kinabukasan.
  196. 7:49Mga bata, hindi tayo basta-basta
  197. 7:51nag-aaral lang ng teorya dito sa Values
  198. 7:54Education. Ang goal natin ay maisagawa
  199. 7:56ang mga plano na nagpapakita ng wastong
  200. 7:58paghahanda. Bakit? Dahil ang layunin
  201. 8:01natin ay malinang sa inyo ang pagiging
  202. 8:03mapanagutan. Ang taong may plano ay
  203. 8:06taong responsable sa kanyang sariling
  204. 8:08tagumpay. Ngayon gagawin natin ang
  205. 8:11inyong life blueprint. Ito ang inyong
  206. 8:13magiging personal na mapa para sa inyong
  207. 8:15pinaplanalong landas pagkatapos ng grade
  208. 8:1810 o ng senior high school. Gamit ang
  209. 8:20limang hakbang na hinimay natin kanina,
  210. 8:22bubuo kayo ng isang konkretong plano.
  211. 8:25Hindi ito drawing lang. Ito ay seryosong
  212. 8:27paghahanda para sa inyong buhay.
  213. 8:32Ngayon, hihimayin natin ang bawat bahagi
  214. 8:34ng inyong gagawin. Mga bata, hindi ito
  215. 8:37basta pagsusulat lang sa papel. Ito ay
  216. 8:39ang pagbuo ng inyong pangako sa inyong
  217. 8:41sarili. Kailangang makita sa inyong gawa
  218. 8:43ang limang puntong ito. Una, magsimula
  219. 8:46tayo sa dulo. Isulat ang iyong target na
  220. 8:49propesyon o buhay lima hanggang s taon
  221. 8:52mula ngayon. Huwag kayong matakot
  222. 8:54mangarap ng malaki. Ano ang nakikita
  223. 8:56mong suot mo? Ano ang ginagawa mo sa
  224. 8:58araw-araw? Maging tiyak tayo. Sa halip
  225. 9:01na sabihing maging matagumpay. Sabihin
  226. 9:03mong maging isang lisensyadong
  227. 9:05mechanical engineer o maka-graduate ng
  228. 9:08hotel management. Kapag malinaw ang
  229. 9:11target, mas madaling tatamaan. Ikalawa,
  230. 9:14ilista ang iyong mga skills at talentong
  231. 9:16makakatulong sa pangarap na 'yon.
  232. 9:18Tingnan mo ang sarili mo ngayon. Ano ang
  233. 9:20iyong puhunan? Kung gusto mong maging
  234. 9:22engineer, magaling ka ba sa matth o sa
  235. 9:24pagbuo ng mga bagay? Kung gusto mong
  236. 9:26mag-business, marunong ka bang
  237. 9:28makipag-usap sa tao? Ang pag-alam sa
  238. 9:30iyong kakayahan ay ang pag-alam na handa
  239. 9:33ka ng magsimula. Ikatlo, sa dami ng
  240. 9:36gusto mong mangyari, alin ang dapat mong
  241. 9:38unahin ngayong darating na taon? Hindi
  242. 9:40natin pwedeng sabay-sabay na maabot ang
  243. 9:42lahat. Ano ang step one mo? Halimbawa,
  244. 9:45bago ka maging manager, kailangan ko
  245. 9:47munang makahanap ng tamang kolehiyo o
  246. 9:49makakuha ng NC2 certification. Ano ang
  247. 9:52pinakaimportanteng aspeto na dapat mong
  248. 9:55tutukan ngayon para hindi masayang ang
  249. 9:57iyong oras?
  250. 10:01Ikaapat, tukuin ang mga values na
  251. 10:03mayroon ka. Ano ba ang mahalaga sa iyo?
  252. 10:06Ang iyong pangarap ay dapat nakatapak sa
  253. 10:09iyong mga prinsipyo. Halimbawa, kung ang
  254. 10:11mahalaga sayo ay pagmamahal sa pamilya,
  255. 10:13sila ang magsisilbing inspirasyon mo sa
  256. 10:15bawat puyat at pagod. Kung ang mahalaga
  257. 10:18naman sao ay kasipagan, asahan na
  258. 10:20gagawin mo ang lahat ng makakaya mo sa
  259. 10:22malinis na paraan. O baka naman
  260. 10:24kapayapaan ang priority mo. Kaya
  261. 10:27pipiliin mo ang landas na magbibigay sao
  262. 10:29ng katahimikan ng loob. Ang iyong values
  263. 10:31ang magsisilbing anchor o ankla mo para
  264. 10:34hindi ka maligaw. At panghuli, gumawa ng
  265. 10:37listahan ng tatlong konkretong bagay na
  266. 10:39gagawin mo sa mga susunod na buwan para
  267. 10:42masimulan ang iyong plano. Ayaw nating
  268. 10:44manatili lang itong drawing sa papel.
  269. 10:47Ano ang gagawin mo bukas sa susunod na
  270. 10:49linggo? Maaaring ito ang pagre-research
  271. 10:51ng mga requirements sa kukunin mong
  272. 10:53kurso, ang pag-iipon ng pondo o ang
  273. 10:56pag-e-enroll sa isang maikling training.
  274. 10:59Ang maliit na hakbang na iyon ay ang
  275. 11:01simula ng malaking tagumpay mo bukas.
  276. 11:03Bago kayo magsimula, tandaan, ang inyong
  277. 11:06life blueprint ay dapat isulat sa isang
  278. 11:08malinis na A4 na papel. Dahil gusto
  279. 11:11nating maging formal at organisado ang
  280. 11:13inyong output, ito ang magsisilbing
  281. 11:15dokumento ng inyong mga pangarap. Kaya
  282. 11:17gawin itong presentable, malinis at
  283. 11:20kagalang-galang.
  284. 11:30Bago tayo magtapos, nais kong iwan sa
  285. 11:32inyo ang mga kataga ni Benjamin
  286. 11:34Franklin. If you fail to plan, you plan
  287. 11:36to fail. Sa madaling salita, kapag hindi
  288. 11:39tayo naglaan ng oras para maghanda at
  289. 11:41magplano, para na rin nating pinili na
  290. 11:44mabigo. Ang tagumpay ay hindi tsamba.
  291. 11:47Ito ay pinaghahandaan.
  292. 11:51At dito na po nagtatapos ang lahat ng
  293. 11:53aralin para sa unang term ng Valu's
  294. 11:55Education 10. Sana po ay marami kayong
  295. 11:57natutuan. Salamat po sa panonood at
  296. 12:00pakikinig at sana po'y magkita-kita pa
  297. 12:02tayo sa term 2. Paalam. M.

About this transcript

This page contains the full transcript of VE 10 - Term 1 - Lesson 7c - Sariling Pagpapahalaga Gabay sa Pagpaplano sa Buhay by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 1,841 words across 297 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.

What you can do with it

Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.

Free YouTube transcript tool

YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.