VE 10 - Term 1 - Lesson 7b - Sariling Pagpapahalaga Gabay sa Pagpaplano sa Buhay — Transcript
Full transcript
- 0:02Vales Education 10 term 1 learning
- 0:04competency 7B na ipaliliwanag na ang
- 0:07sariling pagpapahalaga sa pagpaplano sa
- 0:09buhay ay nangangailangan ng ibaong
- 0:11paghahanda at commitment bilang moral na
- 0:14pananagutan.
- 0:17Bago tayo pumunta sa pinakapuso ng ating
- 0:19aralin, pag-usapan muna natin ang
- 0:21salitang commitment. Kung babasahin
- 0:23ninyo ang nasa slide, nakasaad dito na
- 0:26ang commitment ay ang pandikit ng iyong
- 0:28plano. Bakit natin ito tinatawag na
- 0:30pandikit? Isipin ninyo, kahit gaano
- 0:33kaganda o kagaling ang binu ninyong
- 0:35plano sa papel, kung wala kayong
- 0:37commitment, madali itong mabubuwag sa
- 0:39oras na makaranas kayo ng pagsubok. Ang
- 0:42commitment ang humahawak sa plano ninyo
- 0:44para hindi ito maglaho. Tandaan ninyo,
- 0:47ang commitment ay higit pa sa simpleng
- 0:49gusto ko. Madaling sabihin ang gusto
- 0:51kong makatapos o gusto kong yumaman,
- 0:54lahat naman tayo ay may gustong
- 0:55marating. Pero ang tanong, kapag naging
- 0:58mahirap na ang sitwasyon, naroon pa rin
- 1:00ba ang kagustuhan mo? Ito ay ang
- 1:02desisyong manatili sa iyong values kahit
- 1:04mahirap. Kapag sinabi mong may
- 1:06commitment ka, pinanghahawakan mo ang
- 1:08iyong mga prinsipyo at pagpapahalaga
- 1:10kahit pakiramdam mo ay nakakapagod na.
- 1:13At sa huli, ang commitment ay ang
- 1:15pagpili sa right kaysa sa easy. Ang
- 1:18paggawa ng tama at ang pagtahak sa
- 1:19tamang landas ay madalas na hindi
- 1:22madali. Maraming beses na mas masarap
- 1:24pumili ng shortcut o ng mas madaling
- 1:26paraan pero ang taong may tunay na
- 1:28commitment sa kanyang kinabukasan ay
- 1:31laging pipiliin ang kung ano ang tama at
- 1:33makabuluhan. kahit gaano pa katarik ang
- 1:36kailangang akyatin,
- 1:40mamaya ay pag-aaralan natin ang limang
- 1:42landas na maaari mong tahakin pagkatapos
- 1:44ng grade 10 o senior high. Pero bago
- 1:47tayo pumili sa limang landas na iyon,
- 1:49pag-usapan muna natin ang kahulugan ng
- 1:51moral na pananagutan o moral
- 1:53accountability. Ano nga ba ito? Ito ang
- 1:56pag-amin na ikaw ang tunay na may akda
- 1:58ng iyong buhay. Ibig sabihin, ang bawat
- 2:01kilos mo ay hindi lang dahil sinabi ni
- 2:04ganito o uso kasi kundi dahil pinayagan
- 2:07mo itong mangyari. Isipin niyo ang buhay
- 2:09niyo ay isang sasakyan. Maraming pwedeng
- 2:11makiangkas ang mga magulang mo, mga
- 2:14kaibigan mo o ang mga trend sa social
- 2:16media. Minsan maingay sila at gusto
- 2:19nilang sila ang magdikta ng direksyon
- 2:21pero sa huli ikaw pa rin ang may hawak
- 2:23ng manubela. Ang moral na pananagutan ay
- 2:26hindi pananakot. Ito ay pag-amin na ang
- 2:29buhay ko ay resulta ng mga pinili ko.
- 2:32Kung pipiliin mong magnegosyo,
- 2:33pananagutan mo ang pagkalugi at
- 2:35pag-angat nito. Kung pipiliin mong
- 2:37mag-aral, pananagutan mo ang bawat oras
- 2:39na igu-google mo sa harap ng libro
- 2:41kasama na ang tagumpay o bagsak na
- 2:43marka. Hindi natin pwedeng sisiin ang
- 2:45gobyerno, ang hirap ng buhay o ang ibang
- 2:48tao habang buhay. Kapag may moral na
- 2:51pananagutan ka, nagiging mas matimbang
- 2:53ang bawat desisyon. Bakit? Dahil alam
- 2:56mong ikaw ang mananagot sa huli. At doon
- 2:58nagsisimula ang tunay na pag-asa. Dahil
- 3:00kung ikaw ang mananagot, ibig sabihin
- 3:03ikaw din ang may kapangyarihang baguhin
- 3:04ang iyong bukas.
- 3:07Ngayong alam mo na na ikaw ang may hawak
- 3:09ng manibela at alam mong ikaw ang
- 3:11mananagot sa iyong biyahe. Ang susunod
- 3:13na tanong ay saan ka pupunta?
- 3:17Sa harap ninyo ay may limang pangunahing
- 3:20landas. Hindi ito parang karera na
- 3:22kailangang mauna ka sa iba. Ito ay
- 3:24tungkol sa kung aling kalsada ang
- 3:26pinakatugma sa iyong compass o sa mga
- 3:29values na pinili mo sa nagdaang aralin.
- 3:31May mga pipili sa inyong magpatuloy sa
- 3:33pag-aaral para mas maging eksperto. Ang
- 3:36iba naman ay sasabak na sa pagtatrabaho
- 3:38para makatulong agad sa pamilya.
- 3:41Mayroong mga risk takers na papasok sa
- 3:43pagnenegosyo o mga may pusong nais
- 3:45maglingkod ng buo sa bukasyon. At
- 3:48syempre ang iba ay magsisimula ng bumuo
- 3:50ng sariling pagpapamilya. Walang best na
- 3:53landas dito. Ang tanging tamang landas
- 3:55ay ang landas na pinili mo ng may
- 3:57malinaw na layunin at pananagutan.
- 4:03Ang unang landas ay ang pag-aaral. Ito
- 4:05ay ang pagpapatuloy ng iyong edukasyon
- 4:07pagkatapos ng grade 10 o ng senior high
- 4:09school. Maaaring sa kolehiyo o sa mga
- 4:12technical vocational courses. Mahalaga
- 4:14ito dahil ito ang magbibigay sa iyo ng
- 4:16kasanayan, malalim na kaalaman at
- 4:19malaking advantage kapag pumasok ka na
- 4:21sa job market. Halimbawa nito ay ung
- 4:23pagkuha ng kursong nursing, fine arts o
- 4:26mga NC2 certificates mula sa TESDA. Swak
- 4:30dito ang selfdction na values dahil ikaw
- 4:32ang pumipili ng karunang gusto mong
- 4:34makuha at achievement dahil layon mong
- 4:37maging biasa sa iyong larangan. Ang risk
- 4:40kung ito ang kukunin mo o pipiliin mong
- 4:42landas pagkatapos ng grade 10 o senior
- 4:44high school ay ang mapagod o ma-burn out
- 4:46ka kung hindi mo talaga mahal ang iyong
- 4:49pinag-aaralan.
- 4:55Ang ikalawang landas ay ang
- 4:57pagtatrabaho. Ibig sabihin, papasok ka
- 4:59na sa labor force bilang isang employee
- 5:02o kawani. Mahalaga ito para sa mga
- 5:04gustong makatulong agad sa pamilya at
- 5:06magkaroon ng sariling kita ng hindi
- 5:08kailangang maghintay ng maraming taon.
- 5:11Makikita natin ito sa mga papasok sa BPO
- 5:13industry, sales o bilang mga skilled
- 5:16workers sa mga kumpanya. Ang dominanteng
- 5:19values dito ay security dahil naghahanap
- 5:21tayo ng katatagan at conformity dahil
- 5:24kailangan nating sumunod sa mga
- 5:25patakaran ng kumpanya. Ang risk sa
- 5:28pagpili nito ay ang kawalan ng work life
- 5:31balance. Minsan dahil sa sobrang
- 5:33pagtatrabaho nakakalimutan na natin ang
- 5:35ating sarili.
- 5:42Ang ikatlong landas ay ang pagnenegosyo.
- 5:44Hindi ka maghahanap ng trabaho kundi
- 5:46lilikha ka ng sarili mong oportunidad.
- 5:49Mahalaga ito dahil nakakatulong ka sa
- 5:51paglago ng ekonomiya at nakakapagbigay
- 5:54ka pa ng trabaho sa ibang tao. Halimbawa
- 5:56nito ay ang online selling, agribusiness
- 5:59o pagtatayo ng sariling startup. Dahil
- 6:02ikaw ang boss, ang kailangang values
- 6:03dito ay selfdction para sa iyong
- 6:06pagiging malikain at stimulation dahil
- 6:09ang negosyo ay puno ng excitement at
- 6:11risk. Ang babala ko lang kung ito ang
- 6:13pipiliin mong landas, kailangan mo ng
- 6:15matinding disiplina dahil sa landas na
- 6:17ito walang fixed na sahod. Nakadepende
- 6:20ang lahat sa iyong sipag.
- 6:27Ang ikaapat na landas ay ang bukasyon.
- 6:30Ito ay ang espesyal na tawag ng
- 6:31paglilingkod na higit pa sa karaniwang
- 6:34trabaho. Mahalaga ito dahil nagbibigay
- 6:37ito ng malalim na kahulugan sa iyong
- 6:38buhay sa pamamagitan ng pag-aalay ng
- 6:40sarili para sa iba. Makikita ito sa mga
- 6:43nag-aabogado para sa mga mahihirap, mga
- 6:46misyonero, social workers, mga pumapasok
- 6:49sa pagiging ministro, pastor, pari o
- 6:52madre. Ang values na nagpapatakbo rito
- 6:54ay benevolence o malasakit sa kapwa at
- 6:57universalism o ang paghahangad ng
- 6:59katarungan para sa lahat. Ang risk na
- 7:02maaaring masagupa kapag ito ang pinili
- 7:04mo ay maaaring maranasan mo ang
- 7:06emotional exhaustion dahil madalas mong
- 7:08inuuna ang kapakanan ng iba bago ang
- 7:11iyong sarili.
- 7:17Ang huling landas ay ang pagpapamilya.
- 7:19Ito ay ang pagbuo ng isang matatag at
- 7:21mapagmahal na tahanan. Mahalaga ito
- 7:24dahil dito nagsisimula ang paghubog ng
- 7:26susunod na henerasyon na may tamang asal
- 7:28at prinsipyo. Halimbawa nito ang
- 7:30pagpasok sa isang responsableng
- 7:32pagpapakasal at pagiging huwarang
- 7:35magulang. Align dito ang mga values na
- 7:37tradition, ang pagpapatuloy ng kultura
- 7:40at aral ng iyong pamilya at ang value na
- 7:42security para sa kaligtasan ng iyong mga
- 7:45mahal sa buhay. Subalit merong risk na
- 7:48kakaharapin para sa mga taong ito ang
- 7:50pipiliin. Huwag kalimutan. Ito ay isang
- 7:53habang buhay na pananagutan. Kapag
- 7:55pumasok ka rito, hindi mo na pwedeng
- 7:57talikuran ang responsibilidad mo sa
- 7:59iyong mga anak.
- 8:02Bago tayo bumuo ng inyong life plan,
- 8:05heto ang isang mahalagang babala. Iwasan
- 8:07ang blind commitment. Ito ang pagpili ng
- 8:10landas ng nakapikit o walang sapat na
- 8:13pag-unawa kung bakit mo ito ginagawa.
- 8:16Maraming kabataan ang pumipili ng kurso
- 8:18sa kolehiyo o papasuking trabaho dahil
- 8:20lang sa pressure ng iba. Halimbawa,
- 8:23nag-nursing ka kasi lahat ng tropa mo ay
- 8:25nursing. O nagnegosyo ka kasi yun ang
- 8:27uso sa TikTok kahit wala ka namang hilig
- 8:29sa pagtitinda.
- 8:31Kapag pumasok ka sa isang landas ng
- 8:33blind o bulag, mawawala ang iyong self
- 8:36direction. Hindi mo na kontrolado ang
- 8:38manibela. Hinahayaan mo na ang ibang tao
- 8:41o ang sitwasyon ang magmaneho para sa
- 8:43iyo. Ang tunay na commitment ay mulat.
- 8:46Alam mo ang hirap o risks at alam mo ang
- 8:49saya o rewards. Hindi ito tungkol sa
- 8:51pagiging perpekto kundi tungkol sa
- 8:54pagiging tapat sa iyong sariling compass
- 8:56o values.
- 8:59Ito ang isa sa pinakamahalagang bahagi
- 9:01ng ating aralin. Ang paglalapat ng iyong
- 9:04compass o values sa iyong napiling
- 9:06kalsada o path. Hindi sapat na alam
- 9:09natin ang ating values. Kailangan nating
- 9:11makita kung paano ito gagana sa totoong
- 9:13buhay. Sa unang column, isulat ang
- 9:16landas na sa tingin mo ay tatahakin mo
- 9:18pagkatapos ng grade 10 o senior high.
- 9:20Ito ba ay pag-aaral, pagtatrabaho,
- 9:23pagnenegosyo, bukasyon o pagpapamilya.
- 9:26Sa ikalawang column, ilagay ang iyong
- 9:29top three values na pinili natin sa
- 9:31unang bahagi ng aralin. Itanong sa
- 9:33sarili, tugma ba ang landas na ito sa
- 9:35kung ano ang mahalaga sa akin?
- 9:37Halimbawa, kung pinili mo ang
- 9:39pagnenegosyo, dapat ay naroon ng values
- 9:41ng selfdrection o stimulation para hindi
- 9:44ka kaagad sumuko. At sa huling column,
- 9:47isulat ang isang kretong hakbang na
- 9:49gagawin mo ngayon. Hindi ito para sa
- 9:51susunod na taon kundi isang kilos na
- 9:53magagawa mo ngayong linggo. Halimbawa,
- 9:56kung pag-aaral ang landas mo, ang aksyon
- 9:59mo ay maaaring mag-research tungkol sa
- 10:01requirement ng napiling kurso o maglaan
- 10:03ng isang oras para mag-review.
- 10:08At hanggang dito lamang po ang ating
- 10:09aralin para sa araw na ito. Sana po ay
- 10:11may natutuan kayo. Salamat po sa
- 10:13panonood at pakikinig. Paalam. M.
About this transcript
This page contains the full transcript of VE 10 - Term 1 - Lesson 7b - Sariling Pagpapahalaga Gabay sa Pagpaplano sa Buhay by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 1,544 words across 249 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.
What you can do with it
Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.
Free YouTube transcript tool
YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.