VE 10 - Term 1 - Lesson 6c - Sariling Paninindigan sa Karapatang Pantao Tungo sa Makatarungang Pamay — Transcript
Full transcript
- 0:02Vales Education 10 term 1 learning
- 0:05competency 6C na isasakilos ng wasto at
- 0:08mapayapa ang sariling paninindigan sa
- 0:10karapatang pantao tungo sa makatarungang
- 0:12pamayanan
- 0:15ang pagsasakilos ng paninindigan ay
- 0:17hindi nangangahulugang paggamit ng
- 0:19dahahas o agresibong pakikipag-away
- 0:22ang ating layunin ay magdala ng
- 0:24positibong pagbabago sa pamamagitan ng
- 0:27matalinong pagkilos at pakikipagkapwa
- 0:29tao
- 0:30May limang pangunahing paraan tayo.
- 0:32Edukasyon, organisasyon, protesta,
- 0:35diyalogo at paggamit ng media. Ayon sa
- 0:39mga pag-aaral, ang mga mapayapang
- 0:41hakbang ay mas malamang na magtagumpay
- 0:43sa pagbabago ng sistema kaysa sa
- 0:45karahasan.
- 0:49Pag-aaral at pagpapalaganap ng
- 0:51impormasyon.
- 0:52Ang kaalaman ay kapangyarihan. Hindi ka
- 0:55makapaninindigan kung hindi mo alam ang
- 0:57iyong ipinaglalaban.
- 0:59maging edukado sa pamamagitan ng
- 1:01pagbabasa at pakikinig sa mga eksperto
- 1:04tungkol sa Universal Declaration of
- 1:05Human Rights. Huwag solohin ang alam.
- 1:09Maaari tayong mag-organisa ng mga
- 1:11workshop upang turuan ang ating kapwa
- 1:13kung paano protektahan ang kanilang
- 1:15sarili.
- 1:17Halimbawa, ang mga klase o seminar sa
- 1:19paaralan ay mabisang paraan upang
- 1:21mamulat ang mas maraming kabataan.
- 1:27Pagkilos sa pamamagitan ng mga
- 1:28organisasyon. Mas malakas ang boses
- 1:31kapag tayo ay nagkakaisa at organisado
- 1:33sa ating mga hakbang. Ang pagsali sa mga
- 1:36NGOs ay mabisang paraan dahil mayroon
- 1:39silang sapat na karanasan at kagamitan
- 1:41para sa adbokasiya. Sa pamamagitan ng
- 1:43mga grupong ito, ang iyong munting boses
- 1:46ay umaabot sa mas malawak na saklaw ng
- 1:49lipunan. Halimbawa, ang pakikibahagi sa
- 1:52mga kampanya ng malalaking organisasyon
- 1:54ay nagbibigay ng proteksyon sa mga
- 1:56biktima sa buong mundo.
- 2:01Mapayapang protesta at adbokasiya. Ang
- 2:04mapayapang protesta ay isang paraan
- 2:06upang ipakita ang ating pakiki sa isang
- 2:09issyue ng walang gulo. Mahalaga ang
- 2:11koordinasyon sa mga aoridad upang
- 2:13masiguro na ang ating aktibidad ay
- 2:15mananatiling ligtas para sa lahat. Ang
- 2:18hindi marahas na pagkilos ay
- 2:19nagsisilbing paalala na ang katotohanan
- 2:22ay may sariling lakas na hindi
- 2:24nangangailangan ng dahahas. Isang
- 2:26halimbawa nito ang Kendle Light Vigil na
- 2:28isang tahimik ngunit makapangyari ang
- 2:30paraan ng pagbibigay pugay at kamalayan.
- 2:36Dialogo at diplomasya. Sa halip na
- 2:38konfrontasyon, mas mainam ang diplomasya
- 2:41o ang mahinahong pakikipag-usap sa mga
- 2:43namumuno. Ang pagpunta sa mga opisyal ng
- 2:46gobyerno ay isang paraan upang
- 2:48maiparating ang ating mga hinaing at
- 2:50mungkahi para sa ikabubuti ng lahat. Ang
- 2:53dialogo ay nagbubukas ng pinto para sa
- 2:56mga solusyong pinagkasunduan at hindi
- 2:59idinadaan sa pilitan. Halimbawa, ang
- 3:02pagpulong sa inyong barangay council ay
- 3:04isang mabisang paraan upang tugunan ang
- 3:07diskriminasyon sa inyong lugar.
- 3:11Paggamit ng media at social media. Sa
- 3:15modernong panahon, ang iyong social
- 3:16media account ay maaaring maging
- 3:18katuwang sa iyong adbokasiya. Gamitin
- 3:21ang internet upang magpalaganap ng
- 3:23tamang impormasyon at magpakita ng
- 3:25suporta sa mga karapatang pantao. Ang
- 3:27pagpo-post ng mga makabulong artikulo ay
- 3:30maaaring mag-udok sa iyong mga kaibigan
- 3:32na maging mulat at magbago rin.
- 3:34Halimbawa, ang isang vlogger na
- 3:36nagsusulat tungkol sa karapatan ng mga
- 3:38katutubo ay nakatutulong upang maipaalam
- 3:40sa publiko ang kanilang kalagayan.
- 3:45Ngayon ay dadako na tayo sa
- 3:46pinakamahalagang bahagi ng ating aralin
- 3:49ang inyong performance task. Ang unang
- 3:51hakbang ay ang pagpili ng issue. Huwag
- 3:54kayong malito. Tingnan niyo lang ang mga
- 3:56balita o ang sarili ninyong komunidad.
- 3:59Meron bang bullying sa school? Yan ay
- 4:01issue sa sibil. Meron bang
- 4:03diskriminasyon sa mga LGBTQ plus o mga
- 4:06katutubo nating kababayan? Yan ay sa
- 4:08panlipunan. Kung ang concern mo naman ay
- 4:11ang kabuhayan o sahod ng mga manggagawa,
- 4:14pasok yan sa ekonomiko. At kung ang
- 4:16problema ay basura o ingay na
- 4:18nakakaabala sa klase, yan ay kolektibo.
- 4:21Pumili ka ng issue na talagang
- 4:23nararamdaman mo ang bigat dahil doon
- 4:25magmumula ang lakas ng iyong
- 4:27paninindigan.
- 4:31Pagkatapos ninyong pumili ng issue,
- 4:33dadako na tayo sa ikalawang hakbang.
- 4:35Pumili ng format. Dito niyo na gagamitin
- 4:38ang inyong galing. Kung ikaw ay
- 4:40artistic, gumawa ng poster slogan,
- 4:42siguraduhin na hindi lang problema ang
- 4:44nandoon kundi pati ang mapayapang
- 4:46solusyon. Para sa mga mahusay magsulat,
- 4:49gumawa ng open letter. Sumulat ka sa
- 4:51iyong principal o kapitan. Ipaliwanag mo
- 4:54ang iyong hinaing sa loob ng dalawa
- 4:55hanggang tatlong talata. At para sa mga
- 4:58komportable sa harap ng camera,
- 5:00mag-record ng video statement. Isang
- 5:02minuto lang. maging mahinahon pero
- 5:04direkta sa iyong punto.
- 5:08Para sa mga makata, subukan ang spoken
- 5:11word poetry o isang maikling kanta.
- 5:13Iparinig ang inyong boses sa loob ng 30
- 5:16hanggang 6 na segundo. Maaari ring
- 5:19editorial cartoon o digital art. Ipakita
- 5:22mo sa iyong guhit kung paano mas malakas
- 5:24ang diyalogo at edukasyon kaysa sa
- 5:26anumang uri ng dahas. Ano man ang mapili
- 5:28ninyo, ang goal natin ay magmulat ng
- 5:31mata ng iba gamit ang inyong
- 5:33pagkamalikhain.
- 5:37At ang panghuli na dapat tandaan, ito ba
- 5:39ay wasto at mapayapa? Ito ang pinakapuso
- 5:43ng ating performance task. Dapat malinaw
- 5:46sa iyong gawa. Alin sa limang paraan ang
- 5:48ginamit mo? Nagbibigay ka ba ng
- 5:50edukasyon o nananawagan ka ba ng
- 5:52diyalogo? Hindi tayo naghahanap ng away.
- 5:55Ang layunin natin ay positibong
- 5:57pagbabago. Ipakita natin ang boses na
- 5:59ang kabataan ay matalino, maayos at may
- 6:02galang sa dignidad ng kapwa. Sa huli,
- 6:05ang inyong gawa ay patunay na kaya
- 6:07nating bumuo ng isang makatarungang
- 6:09pamayanan sa paraang mapayapa.
- 6:14Para naman sa inyong grado, heto ang
- 6:16pamantayan sa pagmamarka. Nilalaman 40%,
- 6:20pamamaraan 40%, pagkamalikhain 20%.
- 6:27At hanggang dito lamang po ang ating
- 6:29aralin para sa araw na ito. Sana po'y
- 6:31may natutuan kayo. Salamat po sa
- 6:33panonood at pakikinig. Paalam. M.
About this transcript
This page contains the full transcript of VE 10 - Term 1 - Lesson 6c - Sariling Paninindigan sa Karapatang Pantao Tungo sa Makatarungang Pamay by Serdyan, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 872 words across 156 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.
What you can do with it
Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.
Free YouTube transcript tool
YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.