YouTube transcript (mSda1MKIMv8) — Transcript
Full transcript
- 0:02Kamusta po sir Neb? Ako nga pala si Jed.
- 0:05May ishe-share akong kulam story sa inyo
- 0:08pero iibahin ko na lang po yung pangalan
- 0:10ng mga tauhan. Kapatid ng mama ko si
- 0:13Tita Lorna. Bata pa lang ako, alam ko ng
- 0:16may issue sa relasyon nila ng partner
- 0:18niya na si Tito Noel. Hindi naman lihim
- 0:21sa amin nakakabit siya noon. Ang kwento,
- 0:25nakilala niya si Tito Noel sa
- 0:27pinapasukan niyang grocery kung saan isa
- 0:30siyang supervisor.
- 0:32Samantalang driver sa logistic si Tito
- 0:35mabait daw, palabo, maalaga pero may
- 0:39asawa na pala at may anak. Biru-biruan
- 0:42lang daw noong umpisa hanggang sa
- 0:45nalaman na lang namin na bubukod na ng
- 0:47bahay kina lolo at lola si tita dahil
- 0:50magsasama na sila ni Tito Noel.
- 0:53Syempre tutol ang pamilya kasi nga alam
- 0:55na pamilyado si Tito Noel. Tapos ang
- 0:58masaklap pa ay kahihiwalay lang niya sa
- 1:01asawa niya. At ang sabi ay hiniwalayan
- 1:04daw dahil namatay pala yung anak nila
- 1:08dahil sa sakit.
- 1:13Pero alam nila mama na hindi yung
- 1:15kamatayan ng bata ang dahilan ng
- 1:18hiwalayan nila. Dinahilan lang yon ni
- 1:20Tito Noel para makapagsama na sila ni
- 1:23tita.
- 1:25Doon nagsimula ang lahat. Noong umpisa
- 1:28raw ay nagmamakaawa pa yung babae kay
- 1:30Tito Noel na ayusin ang relasyon nila.
- 1:34Pero noong nalaman noon na may bago na
- 1:36si Tito ay hindi na ito nagpumilit pa.
- 1:40Noong nakita ko in person yung unang
- 1:42asawa ni Tito, parang naawa ako kasi
- 1:45tahimik lang siya, payat tapos laging
- 1:49mugto ang mga mata. Ang sabi ng mga
- 1:52nakakakilala roon sa babae, simula raw
- 1:55ng mawala ang anak niya, parang may
- 1:58namatay na rin sa kanya. Tapos noong
- 2:00iniwan pa siya ng asawa niya, lalo
- 2:03siyang nag-iba.
- 2:05Pagkatapos noon, halos wala ng balita
- 2:07tungkol sa kanya.
- 2:09Hindi na raw siya nagpapakita at
- 2:11nagmamakaawa pa kay Tito Noel. Hindi
- 2:14naman daw natatakot na idemanda si Tito
- 2:17dahil wala naman daw pera yung exwi
- 2:19niya. Kaya ayun at nagsama sila ng
- 2:23matiwasay ni Tita Lorna na para bang
- 2:26walang nasagasaan.
- 2:28Nagkaroon sila ng dalawang anak at
- 2:30maayos na pamumuhay.
- 2:32Hanggang sa nagkasakit si Tito. Una,
- 2:36simpleng pananakit lang daw ng dibdib.
- 2:38Tapos hirap huminga. Hanggang sa
- 2:40maya'tmaya na siyang dinadala sa
- 2:42ospital. Kung anu-anong gamot na raw ang
- 2:45tine-take niya pero walang epekto.
- 2:49Lumipas ang isang taon sobrang payat na
- 2:51niya. Kahit anong kain niya lalo siyang
- 2:54nangangayat.
- 2:56kahit anong pahinga parang pagod na
- 2:59pagod siya lagi. May mga gabi raw na
- 3:02bigla siyang sisigaw dahil pakiramdam
- 3:04niya may nakadagan sa dibdib niya habang
- 3:08natutulog.
- 3:10Minsan ako mismo yung nakakita. Nasa
- 3:13bahay nila ako non. Natutulog si Tito
- 3:16Noel habang hinihimas ni Tita Lorna yung
- 3:19dibdib niya. Bigla siyang napadilat at
- 3:22humawak sa leeg niya na parang
- 3:24sinasakal.
- 3:26Namumutla siya habang umiiyak. Sabi niya
- 3:29ay may nakadagan daw sa kanya.
- 3:32Ilang taon siyang ganon. Ubos lahat ng
- 3:35ipon nila. Si Tita Lorna na lang ang
- 3:38nagtatrabaho noon. Elementary pa lang
- 3:41yung mga pinsan ko sa kanila. Madalas
- 3:43silang umutang ng bigas sa tindahan
- 3:45namin.
- 3:46Hanggang sa sobrang desperasyon,
- 3:49dinala nila si Tito Noel sa albularyo.
- 3:52Ayokong sumama noon pero pinilit ako ni
- 3:55mama dahil walang magbubuhat kay tito.
- 3:58Noong chine-check na ng albularyo si
- 4:00Tito, palipat-lipat yung tingin niya sa
- 4:04kanilang dalawa ni tita na para bang may
- 4:07nalalaman siya o gustong sabihin.
- 4:10Tapos kumuha siya ng mangkok na may
- 4:12tubig at langis. Hindi ko maintindihan
- 4:15ang ginagawa niya. Pero napansin kong
- 4:18nanginginig si Tita Lorna. Pagkaraan ng
- 4:21ilang minuto, tumingin siya sa kanilang
- 4:24dalawa. Sabi nung albularyo,
- 4:27may naagrabyado raw sina tito at tita.
- 4:31Doon umiyak si tita Lorna. Hindi na nila
- 4:34tinanggi. Alam agad nila kung sino. Sabi
- 4:38ng albularyo, matagal ng patay yung
- 4:41kumukulam kay tito. Kaya hindi na noon
- 4:44mababawi pa ang parusa sa kanya.
- 4:46Nagbigtiraw kaagad matapos gawin ng
- 4:50kulam.
- 4:51Naaalala ko yung mukha ni Tita Lorna
- 4:53hanggang ngayon para siyang nawalan ng
- 4:56dugo. Si Tito Noel naman tulala habang
- 5:00nakatingin sa sahig.
- 5:02Labang taon na mula noon, Sir Nev. Buhay
- 5:05pa si Tito Noel pero parang bangkay na
- 5:08lang. Nakahiga lang siya buong maghapon.
- 5:12Hindi makatayo, hindi makalakad.
- 5:15Butot balat na lang talaga. Si Tita
- 5:18Lorna halos tumanda ng samp beses
- 5:20kakakayod. Yung dalawa nilang anak hindi
- 5:24na nakapagtapos.
- 5:25Maaga ring nagsipag-asawa dahil hirap na
- 5:28hirap sa buhay. Sabi noon nila mama,
- 5:32sobrang sakit ng dinanas ng dating asawa
- 5:34ni Tito Noel kaya hindi nila ito
- 5:37masisisi sa nagawa niya. Isang ina na
- 5:41nawalan ng anak at sa halip na damayan
- 5:44ng asawa ay pinagpalit pa sa mas bata.
- 6:00Itago niyo po ako sa pangalang Max.
- 6:03Noong 1987 hanggang 1993,
- 6:06bartender ako sa isang beer house sa
- 6:08Parañque.
- 6:10Ang may hawak sa amin noon si Mama Bet.
- 6:13Bugaw o kung tawagin noon eh Mamasang.
- 6:16Naalala ko pa na malaking babae yun si
- 6:19Mama Bet tapos matigas pang magsalita at
- 6:22palaban kaya talagang intimidating. Pero
- 6:25kahit mukha siyang pitbull eh
- 6:27napakamaalaga naman noon sa mga babae
- 6:30niya. Kapag may customer na nananakit o
- 6:33ayaw magbayad siya mismo yung sumusugod.
- 6:37Pero nakakagalitan din niya yung mga GRO
- 6:39kapag nabubuntis.
- 6:41Hindi kasi uso ang condom sa mga
- 6:43parokano nila Mama Betag
- 6:45buntisin ang mga babae niya. At kapag
- 6:48ganoong may GR na nabuntis, may
- 6:51tinatawag siyang hilot.
- 6:54Tawagin na lang natin siyang Aling
- 6:55Puring. Isang payat na matandang may
- 6:58mahaba at namumuting buhok na laging
- 7:00nakapusod. Kapag pinatawag ni Mama Bet
- 7:03si Aling Puring, eh dumarating siya
- 7:06tuwing madaling araw.
- 7:08May nakalaan ng space sa stock room ng
- 7:10bar kung saan may pinasadyang kama si
- 7:12Mama Bet para doon mahiga yung mga
- 7:15babae.
- 7:20Bukod sa halos buwan-buwang pinapatawag
- 7:22ni Mama Bet si Aling Puring, wala naman
- 7:25akong napapansing kakaiba noon. Wala
- 7:27naman akong pakialam sa ginagawa nila.
- 7:30Basta ang alam ko lang hinang-hina yung
- 7:32mga babae pagkatapos nilang magpalaglag
- 7:36dahil sobrang sakit daw talaga ng
- 7:38ginagawa ni Aling Puring. Yung iba sa
- 7:40kanila halos mawalan ng ulirat at lutang
- 7:43pa raw pero aware sa paligid.
- 7:46Iisa lang ang kwento nila na hindi namin
- 7:49pinag-isipan ng masama.
- 7:51May naririnig daw silang tunog na parang
- 7:54naglalagatukan
- 7:56pagkatapos silang hilutin ni Aling
- 7:58Puring. Sabi raw ni Aling Puring eh
- 8:01pinatutunog lang niya yung mga buto niya
- 8:03sa kamay dahil nakakangawit maghilot.
- 8:06Akala raw noong mga babae ay totoo yun.
- 8:10Pero isang madaling araw na may
- 8:12appointment ulit si Aling Puring sa
- 8:14isang GR ay nalaman namin ni Mama Betoo.
- 8:19Nagsasara na kami. Hinanap ko si Mama
- 8:22Bet para ibigay yung benta nang marinig
- 8:25ko siyang nagmumura sa stock room.
- 8:28Paglipat ko, nakaawang ng konti yung
- 8:31pinto kaya nakita ko siya na nakatalikod
- 8:34at galit na galit. Yung babae na
- 8:37nagpalaglag.
- 8:39Naririnig kong umiiyak. Akala ko siya
- 8:41yung kinagalitan ni Mama Beth. Pero
- 8:44noong umusog si Mama Bet na parang may
- 8:47sinampal ay doon ko nakita si Aling
- 8:50Puring nakaharap niya. May hawak siyang
- 8:53maliit na bagay na balot ng tela tapos
- 8:57puno ng dugo. Hindi ko agad naintindihan
- 8:59kung ano yun. Pero nung titigan kong
- 9:02mabuti yung tela, doon ko na na-realize
- 9:06na hindi 'yun basta buo-buong dugo lang.
- 9:09Nanamig ako at napatitig sa mukha ni
- 9:12Aling Puring. Wala namang nagbago sa
- 9:15mukha niya maliban sa sobrang lawak ng
- 9:18buka ng bibig niya habang ngumunguya.
- 9:22Para akong hihikain sa takot pero hindi
- 9:25umurong si Mama Bet. Tinadyakan niya pa
- 9:28yung timba sa tabi. "Buswisit kang
- 9:31matanda ka. Ano ka? Aswang!"
- 9:34sigaw ni Mama Bet. Tahimik lang si Aling
- 9:37Puring habang ngumunguya tapos nagsalita
- 9:41siya ng mahina. Wala naman akong
- 9:43pineperisyo.
- 9:45Kinukuha ko lang yung mga batang ayaw ng
- 9:49mga babae mo.
- 9:53Parang may nagyelong tubig na binuhos sa
- 9:56ulo ko noon. Gusto kong masuka at
- 9:58tumakbo palayo. Pero hindi ako makagalaw
- 10:03hanggang sa nagwala si mama Bet.
- 10:05Sinabunutan niya si Aling Puring palabas
- 10:08ng stock room. Napasiksik na lang ako sa
- 10:11sulok dahil sa sobrang takot. Sigaw ng
- 10:14sigaw si Mama Bet na ipagkakalat daw
- 10:17niya sa buong area na aswang ang
- 10:20matanda. At doon nag-iba ang mukha ni
- 10:23Aling Puring. Hindi siya naging halimaw
- 10:26na parang sa pelikula. Parang humigpit
- 10:29ang balat niya sa mukha. Lumuwa 'yung
- 10:32mga mata niya at humaba 'yung panga
- 10:35habang nakangisi.
- 10:37Sabi niya ay papatayin niya si Mama Bet
- 10:40kapag may nakaalam ng sikreto niya.
- 10:43Akala ko matatakot si Mama Betura
- 10:47lang siya sa sahig. Tignan natin kung
- 10:49sino ang mapapatay ng taong bayan. Sabi
- 10:52niya, galit na galit si Aling Puring.
- 10:56Pero siya na ang naunang sumuko sa away
- 10:58nila ni Mama Bet. Lumabas siya na parang
- 11:01nag-slide yung mga paa niya sa sahig.
- 11:04Ang sabi ni Mama Bet, nahuli niya sa
- 11:07akto si Aling Puring na ngumunguya
- 11:10habang dugu ng mga kamay at bibig.
- 11:13Gurogi yung GR kaya hindi niya alam ang
- 11:16nangyayari.
- 11:18Natakot daw si Mama Bet para sa babae
- 11:20niya kaya kinumpronta niya si Aling
- 11:22Puring. At nang makita nga niya ang
- 11:25itsura nito ay nakumpirma niyang aswang.
- 11:28Magmula noon ay ibang hilot na ang
- 11:30tinatawag ni Mama Bet. Kapag
- 11:32magpapalaglag.
- 11:34Nakabantay din siya habang ginagawa ang
- 11:36proseso at kinukuha niya ang fetus para
- 11:39ilibing ng maayos.
- 11:42Hindi naman bumalik at nanggulo si Aling
- 11:44Puring sa bar. Pero ilang buwan din
- 11:46akong kakaba-kaba noon. Bandang huli ay
- 11:50nag-resign ako dahil talagang na-trauma
- 11:53ako sa nakita ko. Hindi pala
- 11:55nagpapatunog ng buto sa daliri si Aling
- 11:58Puring. Pagkatapos ng trabaho niya,
- 12:01ngumunguya pala siya ng maliliit na
- 12:05buto.
- 12:18Magandang araw po sa ating lahat. Ako
- 12:20nga pala si Henry.
- 12:22Ang ishe-share ko sa inyo ay isang
- 12:24kwento mula sa probinsya namin.
- 12:278 years old na ako nang lumipat kami sa
- 12:30baryo mula sa Quezon Province.
- 12:32May nabili kasing lupain ng lolo ko at
- 12:35gusto niya na sina tatay at isa kong
- 12:37tiuhin ang mamahala.
- 12:40Noong bago pa lang kami sa maliit na
- 12:41baryo, wala naman akong naririnig o
- 12:44nalalamang kwentong kababalaghan
- 12:47hanggang sa nangyari ang hindi ko
- 12:48inaasahan.
- 12:50Bandang 5 ng hapon yon. Bilang bago lang
- 12:53kami sa baryo, eh wala akong nakakalaro.
- 12:57Kaya ang ginagawa ko ay namamasyal para
- 13:00magpapansin sa mga kapwa bata. Hanggang
- 13:03sa nakarating na ako sa ilog sa
- 13:04kakapasyal.
- 13:06Malapit lang naman yung ilog sa bahay
- 13:08namin. Tanaw ko pa nga yung bubungan
- 13:10namin doon. Nagpapatalon-talon ako sa
- 13:13mga bato nang may mapansin akong babae
- 13:15sa kabilang ilog. Para siyang papel sa
- 13:18kaputian.
- 13:20Tapos nakaputi pa siyang damit.
- 13:23Pangkaraniwang puting t-shirt tapos
- 13:25puting palda. Yung buhok niya
- 13:27nakatirintas pero aabot sa paa niya.
- 13:35Napansin niya na nakatingin ako sa kanya
- 13:37kaya nginitian niya ako at tinanong.
- 13:40Tinanong niya ako kung bago daw ba ako
- 13:42doon. Mahina yung boses niya pero
- 13:44malinaw.
- 13:46Tumango ako. Nakangiti pa rin siya ng
- 13:48magkwento. Dati raw doon din sila
- 13:51nakatira ng anak niya. Tinanong ko kung
- 13:54pwedeng makipaglaro sa anak niya pero
- 13:57hindi raw pwede kasi ayaw ng bumalik ng
- 13:59anak niya sa baryo. Bilang bata eh
- 14:03nagtanong uli ako. Sabi ko, "Bakit ayaw
- 14:05ng anak niya sa baryo?" Mas masaya na
- 14:08raw ang anak niya kung nasaan sila dahil
- 14:10walang nang-aaway sa kanya roon sa lugar
- 14:12ng tatay niya.
- 14:14Gusto raw sana niya na maging normal ang
- 14:16buhay ng bata. Ang kaso ay masyadong
- 14:19mapanghusga ang mga tao.
- 14:22Hindi ko na maalala kung may
- 14:24pinag-usapan pa ba kami bukod doon. Pero
- 14:27naalala kong nagtanong ako kung anong
- 14:29pangalan niya at ang sabi noong babae ay
- 14:33siya raw si Jackelyn.
- 14:35Pagkatapos noon, umuwi na ako. Okay lang
- 14:38naman ako noon. Pero napansin ng nanay
- 14:41ko na namumula ako. Tapos noong hipuin
- 14:44niya ang noo ko eh mainit daw.
- 14:47Nilalagnat ako. Masyadong makaluma ang
- 14:50nanay ko. Imbes na painumin ako ng
- 14:53paracetamol, eh binitbit ba naman ako sa
- 14:55albularyo para ipatawas.
- 14:59Pagkabuhos pa lang ng kandila sa tubig,
- 15:02ang sinabi agad noong matanda ay
- 15:05naengkanto ako. Nakatuwaan daw ako dahil
- 15:08sa kadaldalan ko. Hindi naman daw masama
- 15:11ang intensyon noong engkanto. Natuwa
- 15:14lang talaga at para bang hindi alam kung
- 15:17hanggang saan ang kapangyarihan niya.
- 15:19Doon ako sumabat. Sabi ko, "May nakausap
- 15:22akong babae sa may ilog." Jackelyn ang
- 15:25pangalan.
- 15:26Sasabihin ko pa sana na mukha namang tao
- 15:29si Aling Jackelyn. Kaso biglang parang
- 15:32jumakpat sa luto yung albularyo.
- 15:35Pinaulit pa sa akin yung pangalan na
- 15:37binanggit ko. Sabay tanong kung ano raw
- 15:40ang itsura ng tinutukoy ko. Noong
- 15:43sinagot ko lahat ng tanong niya, biglang
- 15:45nag-antanda yung matanda.
- 15:47Halata ako kay nanay na kinabahan siya
- 15:50nang magtanong siya kung ano ang
- 15:52nangyayari kaya nagkwento yung
- 15:54albularyo.
- 15:56Si Aling Jackelyn daw ay may anak na
- 15:59babaeng nagngangalang marinel. Magandang
- 16:02bata daw. Simpleng cute lang. Yung
- 16:06tipong kahit matatanda napapalingon
- 16:08kapag dumadaan siya.
- 16:10maputi, mahaba ang buhok, singkit ang
- 16:13mga mata at kapag tinitigan mong mabuti
- 16:16ang kulay ng mga mata niya, eh parang
- 16:19asul daw na nagva-violet.
- 16:21Kahit daw marumi ang daan o tirik ang
- 16:24araw, parang hindi nadudungisan tignan.
- 16:28Pero ang mas pinag-uusapan ng mga tao ay
- 16:31kung sino ang tatay ni Marinel. Walang
- 16:34nanligaw kay Aling Jacquelyn. Tahimik
- 16:37lang siyang babae. Nakatira siya malapit
- 16:40sa ilog. Tapos isang araw, napansin na
- 16:43lang daw ng mga kapitbahay niya na
- 16:46lumalaki yung tiyan niya. Kapag
- 16:48tinatanong kung sino ang ama, ngingiti
- 16:51lang siya at doon nagsimula ang mga
- 16:53chismis.
- 16:55Keso raw shokoy sa ilog ang ama ni
- 16:58Marinel o engkantong gubat. At habang
- 17:01lumalaki si Marinel lalong lumalala ang
- 17:04usapan.
- 17:05Sabi pa ay binubully siya sa eskwela.
- 17:09Tinatawag na engkanto maligno. May mga
- 17:13batang nananabunot at nananakit pa.
- 17:16Hanggang sa isang araw na wala na lang
- 17:19silang mag-ina. Ang chismis ay sumama na
- 17:23nga sila sa engkantong ama ni Marinel.
- 17:25Pero walang makapagpatunay noon. Pero
- 17:28dahil sa kwento ko sa albularyo,
- 17:30nagkaroon ng linaw ang lahat.
- 17:33Kumalat ang balita sa baryo at para
- 17:35akong naging instant celebrity.
- 17:38Inuusisa ako kung ano raw ang
- 17:40napag-usapan namin ni Aling Jackyn at
- 17:43kung ano raw ang itsura.
- 17:45Sa pagdaan ng mga panahon ay nakalimutan
- 17:48din naman ang tungkol doon sa mag-ina.
- 17:51At ako naman ay nakita kung gaano
- 17:54katismosa at judgemental ang mga
- 17:57kapitbahay namin. Kaya nauunawaan ko si
- 18:00Aling Jackelyn kung bakit kahit gusto
- 18:03niyang mamuhay ng normal si Marinel eh
- 18:06mas pinili niyang sumama sila sa
- 18:09engkanto.
- 18:22Sir Neb, sana tanggapin niyo itong story
- 18:24ko. Kwento ito ng buhay ko na
- 18:27pinaghalong MMK. at kay MJS gabi ng
- 18:30lagim.
- 18:32Pakitago na lang ako sa pangalang
- 18:33Cherry. Nagsimula ang kalbaryo ko noong
- 18:37bata pa ako. Hindi ko maalala na niyakap
- 18:41ako ng nanay ko kahit kailan. Ang
- 18:43naaalala ko sa kanya, pamalo. Hindi ko
- 18:46rin alam kung bakit mabigat yung dugo
- 18:48niya sa akin. Maingat akong gumalaw at
- 18:51hindi rin maingay dahil takot ako na
- 18:54makagawa ng mali at mapalo niya.
- 18:57Ang tatay naman namin umalis na lang
- 18:59isang araw at hindi na bumalik.
- 19:02Iniwan kaming tatlong magkakapatid sa
- 19:05piling ng nanay namin na abusada. Kung
- 19:08hindi dahil kay tita Lina na hipag ng
- 19:10nanay ko sa isa niyang kapatid, malamang
- 19:13hindi ako nakapagtapos.
- 19:16Siya yung kumuha sa akin noong 12 anyos
- 19:18ako. Matapos niyang makitang hindi ako
- 19:21makabangon dahil sa pambubugbog ng nanay
- 19:23ko.
- 19:28Hindi man mayaman si tita Lina, mabait
- 19:31naman sila. Sina Tita ang nagpaaral sa
- 19:33akin hanggang college at habang lumalaki
- 19:36ako, lalong nawalan ng pakialam sa akin
- 19:39ang nanay ko. Minsan ilang taon walang
- 19:41paramdam hanggang sa nagkaroon ako ng
- 19:44maayos na trabaho at pinalad sa buhay.
- 19:48Doon biglang nag-message ang nanay ko.
- 19:50Hindi ko makakalimutan yung kauna-unahan
- 19:53niyang chat sa akin magmula noong umalis
- 19:55ako sa poder niya. Ang sabi niya ay
- 19:58padalhan ko siya dahil nanay ko pa rin
- 20:01siya. Noong una ayoko sana pero sabi ni
- 20:05Tita Lina hayaan ko na raw. Baka raw
- 20:08sakaling magbago kaya nagpadala ako ng
- 20:11pera. Noong una maliit lang hanggang sa
- 20:14naging monthly allowance na. Tapos
- 20:17nakiusap siyang paaralin ko ung bunso
- 20:19kong kapatid na nasa senior high na.
- 20:22Kapatid ko naman yun kaya pumayag ako at
- 20:25worth it naman kahit papaano.
- 20:28Napagtapos ko hanggang kolehiyo yung
- 20:30kapatid ko at nagkaroon agad siya ng
- 20:32trabaho. Siya na yung sumalo sa gasto sa
- 20:35bahay nila.
- 20:37Doon na ako huminto sa pagsusustento sa
- 20:39kanila dahil nasaktong nabuntis ako
- 20:42makaraan ng tatlong taong paghihintay
- 20:44namin ng asawa ko. Nag-ipon kami para
- 20:47maayos ang panganganak ko. Kaya sinabi
- 20:50ko kay nanay na hindi muna ako
- 20:52makakapagpadala.
- 20:54At doon nag-iba na naman ang pakikitungo
- 20:56niya sa akin kung ano-anong message
- 20:58niya. Wala raw akong utang na loob. Kung
- 21:01hindi raw dahil sa kanya, hindi ako
- 21:03mabubuhay.
- 21:05Hindi ko na lang siya pinansin. Ayokong
- 21:07ma-stress sa pagbubuntis.
- 21:10Hanggang isang hapon, dumating siya sa
- 21:12bahay namin. Nag-eskandalo.
- 21:15Sumisigaw sa gate habang nakikiosyoso
- 21:18ang mga kapitbahay.
- 21:20Madamot daw ako. Porkit may pera na ay
- 21:23kinalimutan ko na ang nanay ko. Apat na
- 21:26buwang buntis ako noon. Nanginginig ako
- 21:29habang pinapakalma ng asawa ko. Pero
- 21:32hindi tumigil si nanay hanggang sa
- 21:35sumakit na yung tiyan ko. Kinagabihan,
- 21:38dinala ako sa ospital at sad to say,
- 21:41nakunan po ako. Hindi ko ma-describe ang
- 21:44pakiramdam ko noon.
- 21:47Alam kong galit ako kay nanay pero sa
- 21:49sobrang galit ko ay wala akong mailabas
- 21:51na emosyon.
- 21:53Halo-halo ang sakit sa pagkawala ng baby
- 21:55namin at galit sa nanay kong walang
- 21:58pakundangan.
- 22:00Para lang hindi na ako makapagsalita ng
- 22:02masama. Hindi ko na lang siya kinausap
- 22:04ulit. Binlock ko siya sa lahat. Akala ko
- 22:08matatahimik na ako pero ilang linggo
- 22:10matapos kong makunan, nagsimulang
- 22:13sumakit ang ulo ko. Yung tipong
- 22:15paggising ko pa lang parang may pumipiga
- 22:18na agad sa sentido ko. May mga araw na
- 22:21hindi ako makatayo, hindi ako
- 22:24makapagtrabaho ng maayos.
- 22:26Akala ko dala ng pagkawala ng baby ko.
- 22:29Pero bukod sa pagsakit ng ulo, bigla ay
- 22:33gabi-gabi kong napapanaginipan si nanay.
- 22:36Nakatayo raw siya sa paanan ng kama
- 22:38namin habang nakatitig sa akin at
- 22:41sinasabing madamot akong anak. At dahil
- 22:44paulit-ulit na nga lang ang panaginip ko
- 22:47ay nagkwento ako sa mister ko. Siya ang
- 22:50nakaisip na dalhin ako sa albularyo. At
- 22:53doon nalaman namin na kinukulam daw ako
- 22:57at hindi malayo sa akin ang gumagawa.
- 23:00Hindi ko na kailangang hulaan pa kung
- 23:02sino. Iyak ako ng iyak noon kasi sobrang
- 23:05sama pala talaga ng nanay ko na kaya
- 23:08niyang ipakulam ang sarili niyang anak.
- 23:12Nagpagamot ako ng ilang araw.
- 23:14May pinapainom, may pinapaligo, may mga
- 23:18dasal gabi-gabi. Unti-unti nawala yung
- 23:21sakit ng ulo ko. Nawala rin ang mga
- 23:23panaginip ko. Sir Neb, ayoko na ng gulo.
- 23:27At hindi naman ako kasing sahol ng nanay
- 23:29ko kaya hindi ako gumanti sa kanya. Ang
- 23:32ginawa lang namin, nagpalagay kami ng
- 23:35proteksyon tapos lumipat kami ng
- 23:37probinsya ng asawa ko para hindi na niya
- 23:40kami matunton.
- 23:42Last year lang, may balita akong narinig
- 23:44mula sa kapatid ko. May afam na raw si
- 23:47nanay. Matandang Briton na siya namang
- 23:50bumubuhay kay nanay.
- 23:53Naisip ko kaya pala tahimik na siya at
- 23:56hindi na naman ako naaalala.
- 23:58Hiling ko na lang na sana ay humaba pa
- 24:01ang buhay noong Afam para silang dalawa
- 24:03na lang ni nanay ang maglokuhan.
- 24:06Huwag na niya akong idamay habang may
- 24:09respeto pa ako sa sarili kong ina.
- 24:24Tawagin niyo po akong Ian. Kwento ko
- 24:26lang po yung karma na inabot ng taksil
- 24:29kong ina. Ow siya sa Qatar. kasambahay.
- 24:34Limang taon pa lang ako nang umalis
- 24:36siya. Ang sabi niya noon, dalawang taon
- 24:39lang ang kontrata niya tapos uuwi para
- 24:41magbakasyon bago bumalik uli ng Qatar.
- 24:45Kaya lang bago pa man matapos yung
- 24:47dalawang taon na kontrata niya ay
- 24:49nilinaw na ni mama na hindi siya
- 24:52makakapagbakasyon.
- 24:54Sobrang higpit daw kasi ng amo niya at
- 24:56ayaw siyang pauwiin dahil baka hindi na
- 24:59siya bumalik.
- 25:00Inunawa na lang namin siya.
- 25:03Yung dalawang taon niya naging apat
- 25:05hanggang sa umabot ng walong taon na
- 25:08hindi man lang siya umuuwi.
- 25:10Binatilyo na ako noon at nawalan na ako
- 25:12ng amor kay mama dahil sa tagal niyang
- 25:15wala kahit noong umpisa. Regular pa ang
- 25:18mga remittance niya. Tawag o video call
- 25:21kada linggo. Pero habang tumatagal,
- 25:24unti-unting kumunti at dumalang ang mga
- 25:27tawag at PM hanggang sa tuluyan na
- 25:29siyang hindi nagparamdam.
- 25:32Nag-alala rin naman kami kasi syempre
- 25:34mama pa rin namin yun.
- 25:39Si papa nilakad yung pagpapatulong sa
- 25:41Philippine Embassy sa Qatar para lang
- 25:44malaman kung ano ng nangyari kay mama.
- 25:47Hanggang sa isang araw may nag-PM sa
- 25:49akin sa Facebook.
- 25:51Filipina raw siya sa Qatar at kakilala
- 25:54ni mama. Akala ko scam nung una pero
- 25:57nag-send siya ng picture ni mama.
- 26:00Nakaabayan na siya tapos may katabi
- 26:02siyang lalaking arabo. Nag-asawa na raw
- 26:05si mama ng Qatari National. Hindi raw
- 26:08alam ng lalaki na may pamilya siya sa
- 26:11Pilipinas. Kaya inatapwera na kami ni
- 26:14mama.
- 26:15Ilang beses pa naming nakausap ni papa
- 26:17yung Pilipina at nagbigay pa siya ng
- 26:19maraming ebidensya ng kataksilan ng mama
- 26:22ko. Kaya naman nagdesisyon kami na iitsa
- 26:26pwera na lang din siya sa mga buhay
- 26:27namin. May trabaho naman si papa at kaya
- 26:31niya kaming buhayin na magkakapatid.
- 26:34Hanggang sa makalipas ang halos dalawang
- 26:36taon. Nag-PM uli 'yung Pilipina.
- 26:39Binalitaan niya kami na masama na ang
- 26:42lagay ni mama.
- 26:44Hindi ko na sana reereplyan pero
- 26:46nag-send siya ng voice recording. Boses
- 26:49ni mama. Umiiyak at humihingi ng tulong.
- 26:54Tapos may parang lalaking humihinga ng
- 26:56sobrang lalim malapit sa microphone.
- 27:00Akala ko noong una yung asawa niyang
- 27:02Katari pero sabi nung babae walang ibang
- 27:06tao sa apartment ng ni-record ni mama
- 27:08'yon. Katibayan daw sana ni mama na may
- 27:11nangyayaring kababalaghan sa kanya kasi
- 27:14nga ayaw maniwala nung asawa niya. Sabi
- 27:18nung Filipina, nalaman na noong Katari
- 27:21na pamilyado si mama. Hindi naman daw
- 27:24sinaktan pero pinahiwalay siya sa ibang
- 27:27tao sa bahay. At doon na nagkasakit si
- 27:30mama. Lagi raw binabangungot.
- 27:33Minsan nagigising na sumisigaw at may
- 27:35pasa sa leeg. May nakikita raw siyang
- 27:38lalaking nakaitim sa sulok ng kwarto,
- 27:41matangkad at hindi kumikilos habang
- 27:44nakatingin sa kanya.
- 27:46Isang madaling araw pa ay nagwala raw si
- 27:49mama. Nakita siya ng asawa niyang
- 27:52nakaupo sa sahig habang nagsasalita at
- 27:55nakaharap sa salamin. Hindi raw Tagalog
- 27:58o Arabic kaya doon na natakot ang
- 28:00pamilya noong lalaki. Pinatignan sa imam
- 28:04si mama.
- 28:05Sabi raw ay may sumamang gin kay mama
- 28:09dahil sa panloluko at pagtatago niya ng
- 28:11katotohanan. Naaakit daw yon sa mga
- 28:15negatibong enerhiya ng tao gaya ng
- 28:18kasinungalingan at kahihian ni mama. At
- 28:21habang tumatagal na hindi umaamin si
- 28:23mama, lalong lumalakas 'yung
- 28:27nagpaparamdam.
- 28:28May mga gabi raw na hindi siya makagalaw
- 28:31habang may nakadagan sa dibdib niya.
- 28:34Minsan naman nagigising siyang puno ng
- 28:37gasgas sa likod.
- 28:39Hindi naniwala agad yung asawa niya
- 28:41kahit may mga audio recording si mama.
- 28:44Hanggang sa siya na mismo ang nakasaksi.
- 28:47Pagpasok daw nung Katari ay nagsasalita
- 28:50si mama habang tulog at yung boses daw
- 28:53ni mama ay boses lalaki. Doon na siya
- 28:57tuluyang pinagamot.
- 28:59Ilang buwang pabalik-balik si mama sa
- 29:01imam. Pero sabi ng imam, hindi siya
- 29:04tuluyang lulubayan noong gin hangga't
- 29:07hindi niya inaayos ang mga kasalanang
- 29:10iniwan niya. Kaya pinauwi siya ng
- 29:12Pilipinas.
- 29:13At yun ang dahilan kung bakit nag-PM
- 29:16yung kakilala niyang Pinay. Wala sana
- 29:18kaming pakialam sa kanya at walang balak
- 29:20si papa na sunduin siya sa airport.
- 29:23Inisip na lang niya si Lola na nanay ni
- 29:26mama. Noong makita ko si mama sa
- 29:29airport, hindi ko siya nakilala agad.
- 29:32Pumayat na siya at nagmukhang bungo.
- 29:35Habang nasa sasakyan kami pauwi, bigla
- 29:38siyang napahawak sa braso ko. Humihingi
- 29:40ng tawad pero hindi ko siya pinapansin.
- 29:44Doon kina lola tumuloy si mama. Ayaw
- 29:47namin ng mga kapatid ko sa kanya. Ang
- 29:50balita namin ay okay na siya pero
- 29:53nahihiyang lumapit sa amin. Nilubayan
- 29:56siya noong Jin nang maging aktibo siya
- 29:58sa simbahan.
- 30:00Sana lang ay hindi na siya balikan. Pero
- 30:03kami ng mga kapatid ko, hinding-hindi na
- 30:06kami babalik sa kanya.
- 30:20Magandang umaga po sa inyo, Sir
- 30:21Nevquero. Ako nga pala si Clara.
- 30:25Narito ako para magkwento ng
- 30:27kababalaghan na dinanas ko. Noong mga
- 30:30panahong, halos gumapang kami sa hirap.
- 30:34Apat ang mga anak ko. Yung bunso ko si
- 30:36Carlo ay may hydrocepalus.
- 30:40Magkatulong kami ng asawa ko sa
- 30:42pagtataguyod sa pamilya namin. Pero
- 30:44halata ako sa kanya na hindi niya kaya
- 30:47ang sitwasyon ni Carlo. Kaya isang araw
- 30:50ay hindi na ako nagtaka nang hindi na
- 30:52siya umuwi sa amin.
- 30:55Dalawang taon kong pilit binuhay si
- 30:56Carlo. Kahit anong rocket ay pinasok ko.
- 31:00Pero hindi ako nakaipon ng pampaopera
- 31:02niya. Namatay ang bunso ko habang
- 31:05natutulog.
- 31:07Wala akong panahon para magluksa noon.
- 31:10Yung tatlo ko pang natitirang anak ay
- 31:12kailangan ng ina na maghahanap buhay
- 31:14para sa kanila.
- 31:16At isang hapon habang pauwi ako mula sa
- 31:19paglalako ay may nadaanan akong puno ng
- 31:22bayabas sa gilid ng masukal na lote.
- 31:26Hitik na hitik sa bunga. Wala namang
- 31:28bahay sa paligid. Kaya kumuha ako ng
- 31:31ilang piraso para ibigay sa mga anak ko.
- 31:38Nagustuhan ng mga bata yung bayabas.
- 31:40Kaya naman kinabukasan ay namitas uli
- 31:43ako. Hanggang sa araw-araw ay bayabas na
- 31:46yung hinihiling na pasalubong ng mga
- 31:48anak ko. Kaya araw-araw din ay namimitas
- 31:51ako. Kahit gaano karami ang kunin ko,
- 31:55para bang hindi nababawasan.
- 31:57Sa hirap ng buhay namin noon, blessing
- 32:00ang tingin ko roon. Hanggang isang umaga
- 32:04paggising ko may tambak na bayabas sa
- 32:07tapat ng pinto namin. Nagulat ako pero
- 32:10bago ko pa masaway yung mga anak ko sa
- 32:12pagkuha, eh nakakain na sila. Nung
- 32:16sumunod na araw meron uling bayabas at
- 32:19may nakatali pang manok sa kabilang
- 32:21gilid.
- 32:22Dahil may kasama ng manok ay nagtanong
- 32:25ako sa mga kapitbahay kung sino sa
- 32:27kanila o kung may nakakaalam ba kung
- 32:30sino ang naglalagay ng mga yon sa
- 32:32pintuan namin. Wala raw. Doon ako
- 32:36nahiwagaan.
- 32:38Nagpapasalamat ako sa tulong pero kung
- 32:41hindi ko naman alam kung kanino galing
- 32:43eh dapat ba talaga akong magpasalamat?
- 32:46Baka mamaya niyan ay may kung anong
- 32:48binabalak itong nagbibigay ng bayabas at
- 32:50manok sa amin.
- 32:52Hindi namin ginalaw ng mga anak ko yung
- 32:54mga yon.
- 32:56Kinagabihan naman bago matulog ay
- 32:58lumabas ako ng bahay. Palinga-linga ako
- 33:01sa paligid habang sinasabing hindi ko
- 33:04kukunin ang mga bigay niya kung hindi
- 33:07siya magpapakita sa amin. Ang hinala ko
- 33:10kasi noon, kapitbahay lang talaga namin
- 33:13ang nagbibigay. Baka nahihiya o
- 33:15pinagtitripan kami. Kung maririnig niya
- 33:18ang sinabi ko, baka titigil na rin o
- 33:21kaya ay magpapakita.
- 33:24Bandang 2:00 ng madaling araw, nagising
- 33:27ako sa kaluskos sa labas. Bumangon ako
- 33:30agad kasi akala ko mahuhuli ko na kung
- 33:34sino ang naglalagay ng bayabas sa may
- 33:36pintuan.
- 33:38Dahan-dahan akong sumilip sa asiwang ng
- 33:40bintana. Hanggang ngayon hindi ko
- 33:43makakalimutan ang nakita ko. Isang
- 33:46napakalaking anino sa labas ng bahay.
- 33:50Halos abot sa bubong namin ng taas niya.
- 33:53Hindi ko makita ng malinaw yung mukha
- 33:55niya pero sobrang itim niya kahit
- 33:59maliwanag ang buwan, mahaba yung mga
- 34:01braso at parang kuba habang nakatayo sa
- 34:05harap ng pintuan namin. Tapos umiiyak
- 34:08siya na para bang nagmamakaawa.
- 34:12Kinilabutan ako lalo pa at biglang
- 34:15gumalaw yung ulo niya paharap sa
- 34:17bintana.
- 34:19Napaatras ako. Sa takot ko ay hindi ko
- 34:22pinatay ang ilaw buong magdamag. Gumuhit
- 34:26pa ako ng asin sa pinto at mga bintana
- 34:29kahit nanginginig yung mga kamay ko.
- 34:32Napadasal ako na mawala na yung nasa
- 34:34labas ng bahay at huwag sanang
- 34:36makapasok.
- 34:38Kinabukasan, may panibago na namang
- 34:40bayabas at manok sa labas. Hindi uli
- 34:43namin ginalaw. Pumunta agad ako kay
- 34:46Kaligaya na albularyo at kinuwento ko
- 34:49kung ano ang nakita ko. Tinawas niya ako
- 34:53at doon ay may nakitang kapre na
- 34:56nagkagusto sa akin noong nanguha ako ng
- 34:59bayabas. 'Yun daw ang nagdadala sa amin
- 35:02ng mga pagkain dahil nagtatangka na
- 35:06manligaw sa akin. Grabe ang kilabot ko
- 35:09pero natatawa rin ako. Kasi ba naman
- 35:13mabuti pa yung CPRE at pinapakain ng mga
- 35:16anak ko. Samantalang yung totoong tatay
- 35:19nila eh walang pakialam.
- 35:21Nung mga panahon na yon ay problemado
- 35:24ako kung papaano mapapaalis yung CPRE
- 35:28dahil hindi pa rin yun tumitigil sa
- 35:30pagbibigay ng bayabas at manok. Kahit na
- 35:33tinataboy na ni Kaligaya ng kung
- 35:36ano-anong pausok, pangontra at dasal.
- 35:40Hindi pa rin namin ginagalaw yung mga
- 35:41bigay noon at pinakawalan ko yung mga
- 35:44manok dahil kalat nga na kapre ang may
- 35:47bigay noon ay walang gumagalaw sa mga
- 35:50manok.
- 35:51Dahil yata sa pagtanggi ko sa bigay
- 35:53niya, minsan ay naririnig kong may
- 35:56humahagulgol sa labas. Mabuti na lang at
- 36:00inalok ako ng pinsan kong si Prima na
- 36:02makituloy muna sa kanila sa bayan. Kaya
- 36:05natakasan ko yung Capre. Nung lumipat
- 36:08kami kina Prima ay nakapagpatayo kami ng
- 36:11ukay-ukay na napalago naming magpinsan
- 36:13ng husto. Hindi na ako masyadong
- 36:15magdedetalye, Sir Neb. Basta sa ngayon
- 36:18ay kuntento na ako sa buhay namin ng
- 36:22pamilya ko.
About this transcript
This page contains the full transcript of YouTube transcript (mSda1MKIMv8) , generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 4,683 words across 772 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.
What you can do with it
Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.
Free YouTube transcript tool
YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.