YouTube2Text

01 - Rizal Law (RA 1425) | Life and Works of Rizal — Transcript

by Over the Academic Wall · 1,457 words · 170 segments · language en · Watch on YouTube

Full transcript

  1. 0:00Kamusta, ako si Humi.
  2. 0:01Sa video na ito, pag-uusapan natin kung ano ba ang Rizal Law,
  3. 0:05bakit ito naisabatas, ang kahalagahan nito, bakit maraming hindi sumang-ayon dito,
  4. 0:09at kung relevant pa rin ba ito sa pangaraw-araw nating buhay ngayon.
  5. 0:18Ang Rizal Law, o ang RA 1425, ay isang batas kung saan mina-mandato ng gobyerno
  6. 0:23na kailangan lahat ng college o universities sa Pilipinas ay ituro ang
  7. 0:27buhay at ang mga ginawa ni Rizal,
  8. 0:29lalo na ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
  9. 0:33Ibig sabihin, kahit private pa yan or public,
  10. 0:36o kung ano man yung napili at kinukuha mong kurso ngayon,
  11. 0:39dahil sa RA 1425 o Rizal Law, as long na nasa university ka sa Pilipinas,
  12. 0:45kailangang ituro sa'yo si Rizal.
  13. 0:47Ngayon, baka tinatanong mo yung sarili mo kung bakit?
  14. 0:50Bakit kailangan ko matutunan, at bakit wala akong choice?
  15. 0:54Para sagutin 'yan, pakinggan natin yung mismong mga tao sa likod ng batas.
  16. 0:57Kung bakit sa palagay nila ay kailangan na ituro si Rizal.
  17. 1:01So 1956, presidente pa si Ramon Magsaysay.
  18. 1:05Isang dekada at isang taon na ang lumipas matapos ang WWII.
  19. 1:09Nung mga time na ito, maraming nationalist policy-makers ang nakakakita na parang
  20. 1:13nawawala na ang ating Filipino identity.
  21. 1:15Ibig sabihin, hindi na nagiging interesado,
  22. 1:18o nagkakaroon ng disconnection o detachment ang mga Filipino sa bansang Pilipinas.
  23. 1:23Kaya ayon sa mga mambabatas, ang dapat nating gawin ay magfocus sa pagre-rebuild
  24. 1:27ng identity na yun at magmove forward.
  25. 1:31Isa sa mga naisip nila para palakasin ang national hope at pride ng mga Filipino ay
  26. 1:35sa pamamagitan ng education.
  27. 1:37Para sa mga nationalist na mambabatas, kung mapapangalagaan natin ang edukasyon
  28. 1:41ng mga kabataan, at matuturuan natin sila tungkol sa kanilang kasaysayan,
  29. 1:45magiging matatalino at malalakas silang mga Filipino.
  30. 1:48Magkakaroon sila ng strong sense of national identity,
  31. 1:52na magdadala sa isang malakas at nagkakaisa na Pilipinas.
  32. 1:56Kaya noong April 3, 1956, Ang senador na si Claro M. Recto,
  33. 2:00ay nagsubmit ng isang bill sa Senate Commitee of Education.
  34. 2:04Ito ang Senate Bill No. 438 o
  35. 2:06"An Act to Make Noli Me Tangere and El Filibusterismo Compulsary Reading Matter
  36. 2:11in All Public and Private Colleges and Universities and For other Purposes."
  37. 2:16Dahil mahaba ang pangalan niya, tawagin na lang natin itong Noli-Fili Bill.
  38. 2:20Sa Noli-Fili Bill, ang dalawang pinakasikat na nobela ni Rizal
  39. 2:24ay kinakailangang basahin ng bawat Filipino pagdating nila sa kolehiyo.
  40. 2:28Noong April 17, 1956, Ang senador na si Jose P. Laurel,
  41. 2:32na head ng Senate Commitee na sinubmitan ni Recto,
  42. 2:35ay inisponsoran ang Noli-Fili bill at pinresent ito
  43. 2:38sa mga miyembro ng Upper House.
  44. 2:40Ayon kay Laurel, ang layunin ng bill ay upang maipalaganap o mai-disseminate ang
  45. 2:44mga ideas at ideals ni Jose Rizal.
  46. 2:47Sinabi niya na mahalaga para sa lahat ng mga Filipino na
  47. 2:50basahin ang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo."
  48. 2:53They must be taken to heart, for in their pages we see ourselves as a mirror,
  49. 2:59our defects as well as our strength, our virtues as well as our vices.
  50. 3:05Only then would we become conscious as a people, and so learn to prepare ourselves
  51. 3:09for painful sacrifices that ultimately lead to self-reliance, self-respect and freedom.
  52. 3:17Ok, maganda pakinggan yung layunin ng bill.
  53. 3:19Kaso may problema,
  54. 3:21ayaw ng simbahan.
  55. 3:22Kagaya ng RH Bill, ang Noli-Fili bill ay napuno ng kontrobersiya at argumento mula
  56. 3:26sa Catholic Church at mga conservatives.
  57. 3:29Ayaw nila itong maipasa.
  58. 3:31Bakit daw?
  59. 3:32Kung babasahin natin ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo,
  60. 3:35makikita natin ang pagci-criticize ni Rizal sa mga ginagawa ng Simbahang Katoliko.
  61. 3:40Ayon sa simbahan, kung mapapasa daw ito, madi-discredit ng bill ang relihiyon.
  62. 3:45Ayon pa kay Fr. Jesus Cavanna,
  63. 3:47ang mga nobela ay matagal daw na panahon ng naisulat,
  64. 3:51at ang pagtuturo nito sa kasalukuyan ay mapanganib, dahil maaaring magbigay
  65. 3:55ito ng hindi tamang mga ideya sa nangyayari ngayon sa Pilipinas.
  66. 4:00Ito pa ang ilang kritisismo ng Simbahan kung bakit
  67. 4:02ayaw nilang maisabatas ang Noli-Fili Bill.
  68. 4:04Una,
  69. 4:05paano daw mapo-promote ang nationalism kung mas madami pang anti-catholic passages
  70. 4:10sa Noli Me Tangere kesa nationalistic passages.
  71. 4:13Pangalawa,
  72. 4:14offensive sa katuruan ng simbahan ang dalawang libro.
  73. 4:17Pangatlo,
  74. 4:18pwede itong mag-cause ng gulo.
  75. 4:20Pang-apat,
  76. 4:21bakit compulsion?
  77. 4:23Paano na ang freedom of speech at religious freedom?
  78. 4:26Bakit kailangan pilitin ang isang tao na basahin ang isang bagay na magci-criticize
  79. 4:30sa kanilang paniniwala?
  80. 4:32At pang-lima,
  81. 4:33oo, masama ang mga prayle noon.
  82. 4:35Pero hindi lang mga prayle ang tinitira ni Rizal,
  83. 4:38kung hindi ang buong institusyon ng Catholic faith.
  84. 4:41Sobrang kontrobersyal ng bill na ito.
  85. 4:43Grabe ang debate.
  86. 4:45May mga Catholic groups na nag-organize para i-oppose ang bill.
  87. 4:48Sinabihan si Recto na isa daw siyang komunista.
  88. 4:51It even comes to the point na isasara daw nang mga Catholic Schools ang kanilang
  89. 4:55mga eskwelahan kung maipapasa ang Noli-Fili Bill.
  90. 4:59Noong April 19, 1956, May isa pang bill na fi-nile.
  91. 5:02Ang House Bill No. 5561 sa House of Representatives.
  92. 5:06Pinamunuaan ito ng dating Congressman na si Jacobo Z. Gonzales.
  93. 5:10Halos similar lang siya ng Noli-Fili Bill at ganun din yung kinalabasan,
  94. 5:14cinritize dahil hindi daw constitutional at ino-oppose ang simbahan.
  95. 5:19So, anong nangyari?
  96. 5:21If ayaw ng simbahan, bakit tinuturo ngayon si Rizal?
  97. 5:24Well, nagkaroon ng kasunduan.
  98. 5:26Nagpro-pose si Sen. Laurel ng substitute bill.
  99. 5:30Una, hindi na lang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang focus ng bill,
  100. 5:34kung hindi kasama na rin ang ibang mga ginawa ni Rizal.
  101. 5:37Pangalawa, if ayaw ng estudyante pwede siyang humingi ng exemption na hindi
  102. 5:41basahin ang dalawang nobela.
  103. 5:43Pangatlo, ang unexpurgated version ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo
  104. 5:47ay pwede lamang aralin sa kolehiyo.
  105. 5:50Kapag sinabi nating unexpurgated version, ito yung original version ng teksto
  106. 5:54na hindi inedit,
  107. 5:55hindi cinensored, hindi tinanggalan,
  108. 5:57hindi binago yung original meaning.
  109. 5:59Siguro nagtataka ka kung bakit kontrobersyal
  110. 6:01itong pagbabasa ng Noli at El Fili.
  111. 6:04Pwede mong sabihin na binasa ko naman ito nung junior high school ako,
  112. 6:07at hindi naman siya ganun kalala.
  113. 6:09Kaya siguro ganun yung pagtingin mo ay dahil ang binasa mong Noli at El Fili
  114. 6:12ay expurgated versions.
  115. 6:14Censored na.
  116. 6:15Nawala na ang totoong intensyon, na-loss na sa translation.
  117. 6:19Ayon nga kay Sen. Laurel, kung hindi babasahin ang original at unedited
  118. 6:23at uncensored na Noli at El Fili, mawawala ang purpose ng batas.
  119. 6:29Kaya nung May 12, 1956 at May 14, 1956,
  120. 6:32kahit grabe pa rin ang oposisyon ng simbahan at mga tumutuligsa ng batas,
  121. 6:36ang Senate Bill No. 438 at House Bill No. 5561
  122. 6:40ay parehas na-napprove sa second reading at sa Lower House.
  123. 6:43At noong June 12, 1956 nga, saktong Flag Day,
  124. 6:46pinirmahan ni President Ramon Magsaysay ang batas,
  125. 6:49na tinatawag na natin ngayong Republic Art 1425 o ang Rizal Law.
  126. 6:54O sa mahaba nitong pangalan,
  127. 6:56An Act to Include in the Curricula of All Public and Private Schools,
  128. 7:00Colleges and Universities courses on the Life Works and Writings of Jose Rizal,
  129. 7:05particularly his novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo,
  130. 7:09Authorizing the Printing and Distribution Thereof, and for Other Purposes.
  131. 7:14Check natin yung content nung Rizal Law.
  132. 7:17Sa unang page, mababasa natin na, yung sinabi ko kanina,
  133. 7:19nawawala na ang Filipino identity natin at kailangan itong pagtibayin.
  134. 7:24Ayon nga kay Jose P. Laurel, kailangan matutunan ng mga kabataan
  135. 7:27ang sakripisyong ginawa ni Rizal.
  136. 7:29By reading and studying Rizal's life, teachings, and writings,
  137. 7:33the youth will gain confidence, direction, courage, and determination
  138. 7:37to contribute to the progress of our nation.
  139. 7:40Ito pa yung ibang sections ng Rizal Law
  140. 7:42na sa tingin ko ay hindi na kailangan ng narration.
  141. 7:44Actually, masakit lang talaga yung lalamunan ko.
  142. 8:19OK.
  143. 8:20Yung goal ng Rizal Law can be summarized in three points or sentences.
  144. 8:24Una. To rededicate the lives of youth to the ideals of freedom and nationalism,
  145. 8:29for which our heroes lived and died.
  146. 8:32Pangalawa. To pay tribute to our national hero for devoting his life and works in
  147. 8:37shaping the Filipino character.
  148. 8:39At pangatlo. To gain an inspiring source of patriotism
  149. 8:43through the study of Rizal’s life, works, and writings.
  150. 8:47OK.
  151. 8:48Maganda pakinggan yung gustong gawin ng Rizal Law,
  152. 8:51pero I'll be a devil's advocate here.
  153. 8:53This is all on paper,
  154. 8:55check natin yung reality.
  155. 8:57Naisabatas ang Rizal Law noong 1956.
  156. 9:00Ang taon ngayon ay 2023.
  157. 9:04Ang tanong,
  158. 9:05may nakita ka bang pagbabago?
  159. 9:0767 years na ang lumipas, pero nasunod ba yung mga gustong i-accomplish ng batas?
  160. 9:13Balikan natin yung tanong kanina.
  161. 9:15Knowing na ganito ang kinalabasan ng Rizal Law, worth it pa rin bang aralin si Rizal?
  162. 9:20And I'll be honest with you, nahihirapan akong sagutin ang tanong na'to.
  163. 9:24For me, wala akong makitang correct answer.
  164. 9:26And I think the best way to end this video is to ask you to reflect to this question.
  165. 9:31Why study Rizal?
  166. 9:33O ang mas appropriate yata na tanong ay:
  167. 9:35should we still study Rizal?
  168. 9:37And as of this moment,
  169. 9:38ang pinakatama lamang na sagot dito ay kailangang aralin si Rizal
  170. 9:42dahil isa siyang batas.

About this transcript

This page contains the full transcript of 01 - Rizal Law (RA 1425) | Life and Works of Rizal by Over the Academic Wall, generated from the public captions YouTube serves with the video. The transcript has 1,457 words across 170 segments, with the original timestamps preserved so you can click any line to jump to that moment in the embedded player.

What you can do with it

Use the transcript to take notes, quote the speaker, build a study guide, generate a summary with ChatGPT or Claude via the YouTube Summary tool, or export it as a timed subtitle file with YouTube to SRT. You can also re-open it in the transcriber to translate the transcript into 100+ languages.

Free YouTube transcript tool

YouTube2Text is a free YouTube transcript generator — no signup, no daily limit. Paste any YouTube link and get the full transcript instantly, with timestamps, click-to-jump, translation to 100+ languages, AI prompts for ChatGPT, Claude, and Gemini, and exports to TXT, SRT, VTT, or Markdown.